At dahil 500 followers na tayo may pa biglaang ud Happy 500 Followers
Sa wakas natapos narin buti nalang at ginising ako nung isang babae kanina hindi kopadin makalimutan yung panaginip ko. Hindi daw ako sinipot ni Kiro dahil kasama nya si Claire
Naglalakad nako ngayon at binabagalan ang lakad at habang nag lalakad ako naiilang ako sa mga taong nakapaligid saken dahil nakatingen sila saken.
Baka naman may dumi ako sa mukha kaya sila ganyan.Agad ko naman tumingin sa salamin ng mall wala naman akong dumi sa mukha.
Baket sila may hawak na cp pinipicturan ba nila ako or what?.
"Anak anong nangyayare sayo Anak!!!"isang sigaw ang narinig ko sa babae kaya naman agad akong napatingin kung saan iyon.
Ng makita ko ay agad akong tumakbo para puntahan iyon.
Nakahiga yung bata sa sahig at parang kinakapos ng hininga.
"Teka po pwede po bang patingin ahm wag po kayong mag aalala nurse po ako"
Agad naman saken ipinaubaya ng ina ng bata ang anak nya.
Kinuha ko ang braso ng bata at pinulsuhan.
Ibinuka ko ang butones sa damit ng bata at yinuko ang ulo at itinapat ang tenga sa dibdib ng bata.
"Ahm Misis tumawag po kayo agad ng ambulansya!"saad ko
"O-Opo!"saad nito at agad na kumuha ng selpon
Teka nahihirapan sya huminga kailangan ko syang paupuan para makahinga kase kapag nakahiga ay lalo syang mahihirapan.
At ang ginawa ko pinaupo ko yung bata at ng naalala may menthol candy dito ay agad kong kinuha sa bag ko.
"Eto kainin mo to"saad ko at agad na sinubo ng batang lalake
Medyo okay na sya kaso kailangan nya pang ma patingnan sa doctor.
"Misis dinyo po ba alam na may asthma sya?"tanong ko sa ina
"Hindi po"naiyak na saad ng ina
"Kailangan nyo pong malaman ang nangyayare sa anak nyo by the way okay na po sya ngayon.!"saad ko
"Salamat po!"pasasalamat ng nanay ng bata.
Nakarating nadin ang ambulansya at hindi ko na pansin malalate nako kase malayo pa naman yung ******restaurant and Hotel dito.
"Teka malalate nako!"saad ko at agad na kinuha ang bag sa upuan.
"Ahm kailangan po sumama kayo!"saad ng
Driver ng Ambulance"Eh...teka teka kailangan ko na kaseng umalis eh!"sabe ko sa driver
"Miss kailangan po talagang sumama kayo!"saad ng driver at agad na hinala ako papasok ng ambulance.
Hala paano na to malalate nako sa celbration namin ni Akiro malapit na bumaba yung araw.
Jusko diko na alam ayoko pa naman ipaghintay si Kiro.
AKIRO POV
"Nasaan na ba sya kanina ko pa sya hinihintay dito!"naiinip kong saad
Isang oras na akong nag hihintay dito pero walading Alexzia na dumating, Ang usapan namin 5:30 pm and anong oras na 6:20 pm na nasaan na bayun?
Alexzia POV
Lakad Takbo nako ngayon papunta sa *****restaurant and Hotel kase 6:30 na eh ang usapan namin ni Kiro is 5:30pm nako patay nako neto.
Hinubad ko na ang sapatos ko para makatakbo ng maayos wala nakong pakielam kung gusgusin akong tingnan basta mapuntahab ko lang si Kiro.
Paano ba naman 1 hour ako pinag stay ng doctor for some info doon sa bata pero thankful ako kase nasa maayos na kondisyon yung bata.