Isang taon na nagdaan lalong tumitibay ang relasyon namin ni Kiro sa tuwing walabsya sa tabi ko nakatitig ako sa bracelet na ibinigay nya sa akin nung 2 months ago.
"Kanina kapa titig na titig dyan Alexzia di ka padin ba nag sasawa kakatitig dyan!"palabirong saad ni Mama Kinsey
"Ayy hindi po dahil sa bracelet na toh naalala ko si Kiro"ngiti kong saad
"Baka naman puro ubo na don si Kiro kakaisip mo sa kanya!"
"Ano pong nauubo?may saket poba sya?teka po pupuntahan ko po!"nag aalala akong bigla sa kanya
Tumawa ng malakas si Mama Kinsey ng dahilan ng pag kabaling ng tingin ko sa kanya.
"Ano kaba Amber,ang ibig kong sabihin ang mga kasabihan kase nung panahon dati kapag iniisip mo ang tao ay nauubo ka or nasasamid ng wala namang dahilan!"natatawang saad ni Mama Kinsey
"Ayyt ganun po ba yun!"saad ko
At tumango naman si Mama
1 DAY LATER
Pagbaba ko ng Nurse Office bumungad sa akin ang mahabang pila ng nga taong nag kakasakit at mga nauubo.Pero naka mask naman sila kaya medyo safe.
Nagsuot nadin ako ng Mask baka kase mahawaan din ako eh kapag nahawaan ako di ako makatulong sa kanila.
Nakita ko si Kiro inaasikaso nya yung ibang pasyente sa sobrang dami ng pasyente kinulang kami sa nurse and doctors.
Kaya naman agad akong kumilos kinuha ang mga pangalan nila age,birthday, and address kung sakali kailanganin.
Sa palagay ko iisa lang ang virus nato puwede pang agapan.
Limang oras na nakalipas patapos nadin kami sa wakas hindi naman sya yung virus malala dahil lang don sa kinain nila na mga panis na nauubo sila dahil sa sakit ng lalamunan
Ng makita ko si Kiro nag lalakad sa hallway ay agad akong tumakbo palapit sa kanya.
"Okay ka lang ba?"saad ko
"Yes I'm fine. You should go home and rest"
Sasagot na sana ako ng bigla kong nakaramdaman ng patinding hilo
"Akiro"mahinang tawag ko habang naka hawak sa ulo at dahan dahan na nahiga sa lapag ng hallway.
"Sh*t Alexzia!!! Alexzia"sigaw ni Kiro bago ako mawalan ng malay.
Pagkagising ko ay nasa kama ako namin ni Kiro at nakita ko si Mama Kinsey doon nakatayo sa pintuan.
"Mama"mahina kong saad at dahan dahan na umupo.
"Gising kana Alexzia nag aalala ako sayo"
"Teka ano po bang nangyare?"tanong ko
"Nahimatay ka daw sabi ni Kiro"saad ni Mama
Teka oo nga naalala ko na.
"HONEY,AKIRO GISING NA SI ALEXZIA"biglaang sigaw ni Mama
Agad naman pumunta sa loob si Papa alalang alala sa akin.
"Okay lang po ako Papa"saad ko
"Ano pakiramdam mo ngayon"tanong ni Mama
"Medyo nahihilo po ako!"saad ko
"Teka eto inumin mo!"saad ni Mama ng may kinuha sa cabinet at ibimugay toh sa akin.
"Opo"saad ko at tumayo para kunin yung tubig at binuksan ang bote ng gamot
Narinig ko ang paglakad ni Kiro sa harapan ko at agad na kinuha ito.
"Wag mo tong iinumin!"saad ni Kiro
![](https://img.wattpad.com/cover/255447696-288-k215161.jpg)