Chapter 3

23 13 1
                                    

Annie's Pov.

"Nakatulog pala ako" tanging sabi ko, at tiningnan ko ang oras ay 5:00 pm na kailangan kona maghanda ng hapunan at gumawa ng homework dahil lunes na bukas at may pasok na.

Maya maya lang ay may kumatok sa pinto ko

toktoktoktok......

"Pasok po" sabi ko, biglang nag bungad ay si papa.

"O anak gising kana pala" ani niya

"AH opo" naka tinging sabi ko sa kaniya

"Kumain kana ba anak?" tanong niya

"Hinde pa po, mag hahanda pa po kase muna ako niyan ng pag kain" ani ko

"Oh sige anak tutulungan na kita" sabi ni papa maya maya lang ay bigla niyang sinabi na.

"Sinilip kita sa kwarto mo kaninang umaga wala ka dun san ka nag punta anak?" tanong ni papa

"Dun po sa perya niyaya po kase ako ni Zhang" sinungaling na sabi ko, dahil hinde ko man pwedeng sabihin si Xyron ang kasama ko baka mapagalitan ako dahil lalaki parin yun.

"Ganun ba, Tara na mag handa na tayo" Tumalikod na si papa at lumabas ng pinto

"sige po" nakahingang sabi ko.

Ay sa wakas natapos din namin ni papa mag handa ng hapunan

"Tawagin ko lang ang mama at ate mo" sabi ni papa

"Sige po" sabi ko, at pumunta sa kusina para kunin ang inumin, pag dating ko sa lamesa ay andun na sila mama at ate

"Kain na tayo" ani ni papa, umupo na kami

"Zeus alam mo bang tumakas yang anak mo kanina" galit na sabi ni mama

"Nakita ko ngang wala siya dun sa kwarto niya nung Sinilip ko siya pero nag explain naman na siya sakin, lumabas lang sila ng kaibigan nya na si Zhang" sabi ni papa

"May nobyo na ata yang anak mo, dahil minsan nakikita kong may kausap sa telepono" kirap na sabi ni mama

"Ma wala pa po akong balak na mag nobyo dahil wala pa sa isip ko yan" naka yukong sabi ko

"Whatever" biglang sabat ni ate

"Mag patuloy na kayo sa pag kain" sabi ni papa.

Buti nalang andyan si papa, sa tabi ko sa totoo lang siya lang yung kakampi ko sa bahay kaya ma swerte ako na andyan siya.

Natapos na kaming kumain at pinaligpit sakin lahat at inugasan ko ang mga pinggan, pag katapos ko gawin ang mga yan ay dali dali akong pumunta sa kwarto upang mag aral at tapusin ang mga homework.

Inumpisahan kona isa isa at natapos ako ng 10 pm at inayos kona ang mga gamit ko para makaligo nako.

Grabe nakakapagod naman ang araw na 'to hinde nako nag tataka lagi naman pala akong napapagod

Pagkatapos kong maligo ay nagpatuyo ako ng buhok at nag scroll muna sa Instagram, maya maya may nag chat sa akin, dali kong tiningnan at bumungad si Xyron

"Annie kamusta ka napagalitan kaba nahuli kaba kanina" tanong niya agad

"Hinde buti nalang" pag si sinungaling chat ko dahil hinde ko pwedeng sabihing oo at baka mag alala yun sa akin

"buti naman kung ganun, bakit gising kapa" ani niya

"Ginawa ko kase yung homework natin at ngayon nag papatuyo nalang ako ng buhok, bakit ikaw gising pa?" tanong ko

"tinapos ko din ang homework, woi salamat pala nakasama kita kahapon ang saya ko kahit na sa roller coaster ay mawalan ako ng buhay" sabi niya

Natawa naman ako, totoo lang masaya ako na nakasama ko siya nun kahit paano ay nakalimutang kong may dinadala akong problema

"Ako din ang saya ko salamat sa mga libre mo" masayang chat ko

"Ano kaba ayos lang yun sana sa maulit yun" ani niya

"Oo naman mauulit yun, pero sama na natin sila Zhang at Jed okay" sabi ko

"O sige matulog kana at may pasok pa tayo bukas, see youu goodnight" sabi niya

"Sige see you Goodnight, ingat ka sa pag pasok baka ma lampa ka CHAR AHAHAHAHAHA" natatawang sabi ko sabay sent.

Binaba kona ang cellphone ko at sakto tuyo na ang buhok ko, matutulog na ako niyan.

Dali akong pumuntang kama at hinayaan ang sarili na makatulog haysss nakakapagod.

Promises made in the ENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon