Annie's Pov
Nakasakay na kami at aandar na
"Yan na kumapit ka ng mabuti" sabi ko ng nakangiti kay Xyron at tumango lang sya. at umandar nanga wuuuuu nakakalululaa pramis"WOAHHHH UWUUUU WOAHHH" masayang sigaw ko, grabe nakakalula nakakalaglag ng puso pero ang saya maya maya nagulat ako ng biglang sumigaw si Xyron.
"JUSMII MAMAAAAAAAA" sigaw nya halos matawa ako sa itsura nya, halakhak ang tanging nagawa ko
"HOYY TAMA NAPOO" sigaw ni Xyron habang nakapikit, ako ay tawa parin ng tawa.
Hinawakan ko yung kamay niya at sinabing " wag kang matakot kasama moko masaya toh HAHAHAHAHA"
"Annie bakit kase eto pa naisipan mong sakyan natin, pwede namang ferris wheel para romantic diba"
"Mas exciting kase dito HAHAHAHA" Tawang tawang sabi ko, ayan na oh patapos na tayo dahan dahan na, wag na matakot baka pumangit ka sige.
"Ewan ko sayo" aniya, natawa naman ako.
"Eto na oh tapos na" sabi ko, nakababa na kami, si Xyron ay pawis na pawis.
"Hinde na talaga ako sasakay diyan kahit kailan" may pag ka simangot na sabi niya.
"Halika dun bumili muna tayo ng tubig" sabi ko dahil alam ko naman na uhaw na uhaw na yun.
Naglakad na kami at bumili ng tubig, tiningnan ko ang oras at 6am na, bigla akong kinabahan dahil.
mapapagalitan na naman ako, dali dali kong sinabi kay Xyron na ihatid na ako dahil umaga na mapapagalitan ako kapag di nila ako nakita na andun at mag hahanda pako ng kakainin nila.
"Sigesige" tanging sagot na lamang niya.
Dali dali na kaming nag lakad para maka uwi ako agad, at sa wakas andito na kami sa harap ng bahay namin, agad akong nag paalam sa kaniya, at pumasok na.
Dahan dahan akong pumasok sa pinto at pag bukas ko nakita ko si mama na naka taas ang kilay na naka tingin sakin, siguro maaga siya nagising at tiningnan ako sa kwarto ngunit wala ako dun. Patay ako nito.
"San ka galing" tanong ni mama na may galit na boses
"AH ma dun po sa" pakakkkk malakas na tunog at kamay na dumampi sa pisnge ko dahil hinde kopa natatapos yung sinabi ko bigla nakong sinampal ni mama
"Bakit gano'ng oras ay wala ikaw, san ka galing nag landi ka na naman ba, bakit may nobyo kana" sunod na sunod na sigaw sakin ni mama
"Mama wala po akong nobyo" umiiyak na sabi ko
"Ang landi landi mo talagang bata ka" Sigaw ni mama sabay sabunot sakin, napaiyak nalang ako at di nalang lumaban.
"Ma sorry na po" umaahagulgol na sabi ko
"Maghanda kana dun ng mga kakainin namin dahil kami ay nagugutom na bilisan mo" malakas na sigaw niya
"Sige po" Dali dali kong pinunasan ang mga luha na pumapatak mula sa aking mga mata at dali dali akong pumuntang kusina.
Agad agad kona pinag luto, at inanda ang mga gamit, at inumin,nilagay ko ito sa lamesa lahat at dali dali ko silang tinawag.
"Kain napo kayo ma and ate" ani ko, at nag tataka ako na wala si papa kaya tinanong ko si mama
"Ma asan si papa" sabi ko
"May pinuntahan diko alam kung saan, di nako nag tataka na umalis yun dahil tuwing linggo ay wala Iyun" sabi na parang may sama ng loob kay papa.
"Ah ganun puba, sige po papasok nako sa kwarto" tanging sabi konalang dahil alam ko na ayaw nila akong makasabay kumain.
"Mabuti nga na pumasok ka na dun dahil naiirita ako sayo, tandaan mo may kasalanan kapa sakin" Aniya
Pumasok ako sa kwarto, at napahiga sa kama, linggo nga pala ngayon at walang pasok sa skwela, nakatulala lang ako sa kisame, at may tumutulong luha siguro dahil sa nararamdaman ko, at onti onting pumikit ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Promises made in the END
רומנטיקהLife is like a roller coaster, dahil hinde mo alam kung ano kinalalagyan mo. May mga bagay sa buhay na mahirap tanggapin pero kailangan. May mga pag dadaanang hinde alam kung paano sosolusyonan, kaya minsan kalungkutan ang laging naabutan. Sa punton...