Annie's Pov.
Nagising ako sa ingay ng alarm ko, at pinatay ko ito 5:00 am na 7:00 ang pasok namin sa school
"Goodmorning World" ngiting sabi ko
Tumayo nako at naligo, pag tapos ko maligo ay nag luto nako at ng matapos na ay nag paalam nako sa kanila.
"Alis na po ako" nakangiting sabi ko sabay kaway
"ingat ka anak" ani ni papa
"Tara na Annie" sabi ni ate dahil kanina pa siya andun sa labas at ako nalang hinihintay.
Pumunta nako kay ate sumakay na kami sa kotse, hinatid kami ng driver namin at sa wakas andito na kami sa school.
Unang bumaba si ate, at sumunod naman ako sa kaniya
"Ate una na ako ha" masayang sabi ko sa kaniya
"Paki alam ko bat ka nag papaalam sakin" masungit na sabi niya
At agad siyang pumasok sa loob ng school, at bumuntong hininga nalang ako.
Pag dating ko sa loob nakita ko agad sina Zhang at Jed, ngumiti silang kumaway sa akin, at sinuklian ko naman sila ng ngiti.
"Oh goodmorning Annie" bati sakin nilang dalawa
"Goodmorning din" sabi ko, nag tataka ako bakit hinde nila kasama si Xyron dali kong tinanong sa kanila
"Asan si Xyron" ani ko, nag katinginan sila at tumawa nalang bigla
"Yiee miss mo ba" asar nila sakin nun, sabagay oo naman, kahit nag kita naman kami nung linggo.
"HOY! manahimik kayo hinde noh" Inis na kunwareng sabi ko
"Yiee HAHAHAHAHAH" tawang tawang sabi nila, mga abnoy talaga
"Tara na pumunta na tayo sa room"
Naglakad na kaming tatlo papunta dun di ko parin mawala sa isip ko si Xyron malalate siguro.
Pag dating namin sa room agad kaming umupo mag katabi kami ni Xyron sa upuan, maya maya lang ay dumating na ang adviser namin.
"Goodmorning class" bati ni ma'am sa amin.
"Goodmorning Ms. Lucia" sabay sabay naming bati, biglang may bumungad sa pinto at yun si Xyron hingal na hingal
"Goodmorning Xyron" bati ni ma'am sa kaniya
"Goodmorning Ms. Lucia, sorry I'm late" aniya at sabay yumuko.
Pumunta siya agad sa upuan niya na katabi kolang.
"San ka galing bakit ka na late?" tanong ko sa kaniya
"May pinuntahan lang ako, buti nalang pala di pa nag uumpisa si Ms mag turo" sabi niya
"buti nalang talaga" ani ko
Biglang tumahimik ang paligid at nag turo na si Ms. Lucia, mabait siya mapeh teacher namin siya, at magaling talaga siya mag turo.
Ang daming diniscuss ni ma'am tungkol lahat sa Health, buti naman hinde nakaka antok yung subject niya.
"okay class dismiss" sabi ni ma'am
Masaya naman ang mga mga siraulo kong classmate, yan pinaka gusto nila"Tara canteen" biglang sigaw ni Jed at tumango nalang kaming tatlo, lagi namang gutom to.
Pag dating namin sa canteen ay pumila kami para maka bili ng mga pag kain namin, at sa natapos ang unang pila kami na ang bibili.
"Isang sandwich at apple juice nga po" sabi ko, yun lang inorder ko dahil busog pa naman ako.
Sila Jed at Zhang ay ganun din ang inorder, at si Xyron nagtataka dahil naka upo lang, nilapitan ko siya
"WOI! Anyare sayo?" nagtatakang tanong ko sa kaniya, ngunit ay di parin siya umiimik
Pinitik ko siya sa noo, para naman mabuhayan dahil kanina pa tulala anyare dito.
"Aray!" naka kabit sa noong sabi niya
Natawa naman ako"kanina ka pa kase tulala at nag sasalita ako dito dimo pinapansin" natatawang sabi ko
"Ay sorry, may iniisip lang" malungkot na sabi niya.
"Ano naman? Pwede mong Ikwento sakin" nakangiting sabi ko
"Hinde na, ayos naman na" ngiting sabi niya.
"Tara kain na tayo, wait ioorder kita gusto mo din ba nito?" sabay turo sa pagkain ko
"Oo sige lang Annie" ani niya
Dali akong pumunta sa nag titinda sa canteen at sinabi kong ano gusto ko
Naibigay naman agad sa akin ni ate at pumunta nako sa upuan.
"oh eto na sabay bigay kay Xyron"
"salamat Annie maasikaso mo talaga" masayang sabi niya
"Yieeeeee loving loving" asar ni Zhang sa amin, yan na naman sila grabe talaga.
"Mama and papa" asar naman ni Jed
Natawa naman ako."Mga baliw talaga kayo" sigaw ko sa kanila,natawa naman sila
"Tawang tawa naman ang misis ko" biglang singit ni Xyron na ikanagulat ko at ikinatawa ng dalawa naming kaibigan
"HOY! Hala misis daw oh, sweet parang mag asawa HAHAHAHAHA" tawang sabi ni Zhang
"Manahimik kayo, Xyron sinakyan mo pa talaga ha" naka taas na kilay na sabi ko
"Gusto mo naman tsk" sabi ni Xyron na may patagong tawa
"Che" at kumain na kami, wala tuloy parin ang asar ng dalawa samin, tapos kwentuhan parin tungkol sa nangyayari sa buhay nila abnoy talaga.
Tapos si Xyron minsan tatawa minsan tatahimik hala uy anyayare, paiba iba mood nito.
"Tara na" aya ni Xyron sa amin dahil mahuhuli kami sa math subject namin at terror ang aming adviser dun.
Naglakad na kami papuntang room parehas parin kami ng papasukan grade 12 na kami, at onting push gragraduate na kami.
Dumating na ang adviser namin walang pinagbago boring ang math, pero kailangan naming matuto, dahil mahihirapan kami sa college namin kung hinde namin pag titiisan ang bawat subject.
Nag discuss si sir, at nag pa test din siya lagi naman kaya wag na mag taka.
"Yawa! Test na naman" sigaw ni Zhang buti nalang di narinig ni sir HAHAHAHAH abnoy.
Patuloy lang kami sa pag sasagot, magaling si Xyron sa math dahil engineering ang kukunin nun sanaol naman.
Natapos na kami buti naman, binigay na namin isa isa sa adviser namin kay Mr. Chan
"Hirap, kainis" reklamo ni Zhang parin, ayaw niya talaga math
"Reklamo ka ng reklamo na tapos mo naman" sigaw sa kaniya ni Jed sabay pitik sa noo.
Nagkatinginan kami ni Xyron at natawa.
Nagulat naman ang dalawa, yan na naman sila hays bat may ganyan akong kaibigan pero masaya naman HAAHAHAH parang tanga diba.
BINABASA MO ANG
Promises made in the END
RomanceLife is like a roller coaster, dahil hinde mo alam kung ano kinalalagyan mo. May mga bagay sa buhay na mahirap tanggapin pero kailangan. May mga pag dadaanang hinde alam kung paano sosolusyonan, kaya minsan kalungkutan ang laging naabutan. Sa punton...