Chapter 5

21 9 1
                                    

Annie's Pov.

Ganun parin, ang ginagawa namin mag hapon, pasok sa bawat subject nakaka pagod talaga, pero tuloy parin kaya yan.

Uuwi na kami dahil tapos na ang klase.

"Una nako sainyo anong oras na 6:00 pm" sabi ni Zhang

"Hatid na kita" sabi ni Jed sa kaniya

"Hinde na may sundo naman ako" nakangiting sabi ni Zhang, kinalungkot ni Jed wow may something.

"O sige, sabay nalang tayong lumabas, una na kami Annie and Xyron ingat kayo misis and mister" tawang sabi ni Jed at umalis na boang diba.

"Hatid na kita?" tanong ni Xyron sakin

"Hinde na andyan na si manong at kasabay ko naman si ate" speaking of ate dumating siya,

" Hi Xyron" may pa ngiting ngiti kay Xyron, oo nga pala crush ni ate si Xyron simula makita niya to

"Hi Zayne, kumusta?" tanong nito

"ayos naman ako hihi" may pa gewang gewang nasabi ni ate

"Oh una na ako ha, may gagawin pa kase ako ingat kayo ni Annie" ngiting sabi niya

"Ingat kadin Xyron" sabi ni ate, tumingin si Xyron sakin, sabay kaway at umalis na.

Naglakad na kami ni ate papuntang sasakyan namin.

"Let's go manong" arteng sabi ni ate

Pinaandar na ni manong ang sasakyan at ilang oras lang ay naka dating na kami sa bahay, andun na si papa kakauwi lang din galing trabaho niya.

"Oh, andyan na pala ang magaganda kong anak" sabay yakap samin ni ate

"Kumusta ang School" ayos naman po sagot ni ate at ganun din ako

Pumasok muna akong kwarto para ilagay yung gamit at makapag bihis din, pag tapos ay lumabas ako dahil kakain na kami.

Masarap kumain kasama ang pamilya sana ganto nalang lagi, sana andito lagi si papa, nag kwekwento lang si papa sa mga nangyayari sa trabaho niya, at si mama pag tatanong ang ginagawa.

Natapos na kaming kumain at nag ligpit nako at nag hugas ng plato,ng matapos ako ay pumasok na ako sa kwarto para maligo at matulog.

"Hayy makakapag pahinga nadin" unat at na unat na sabi ko

Pumunta nakong cr para makaligo ng matapos nako ay dali dali akong pumuntang bintana, nakikita ko ang Buwan napakaganda,sa  bawat nakikita ko toh ako ay sumasaya.

Biglang naisip ko si Xyron yung pagiging tahimik niya kanina, ano kayang nangyayari dun.

Alam kong malungkot din ang buhay nun, di man siya nag kwekwento sakin tungkol sa buhay niya pero nararamdaman ko yun, dahil siguro parehas kami ng pinagdadaanan.

Humiga ako sa kama, at naka tulala parin iniisip parin si Xyron sana ayos lang siya.

Sinet kona ang cellphone ko sa alarm, at natulog nako.

Tuesday.

"Goodmorning" bati ko sa sarili ko at pumunta agad ng cr para makaligo,ng matapos ay ganun parin ang ginawa nag handa ng pagkain, sabay sabay kaming kumain at kasabay ko parin si ate pag pasok sa school.

Nasa school na kami, at pumasok na ako.

Dumiretsyo muna ako ng canteen para bumili ng tubig, pag tapos ay pumunta nakong room.

Di ako nag kamali andito na ang dalawa nag tatawanan.

"Oh aga aga chismisan ang ginagawa" ani ko sa kanila, natawa naman sila

"Goodmorning mga pokemon" biglang bati sa min ni Xyron, buti hinde siya late.

"Goodmorning misis" asar na sabi ni Xyron

Grabe kinareer HAHAHAHAHHA

"Goodmorning, maganda ata ang gising mo at himala hinde ka na late" tawang sabi ko

"Aba syempre ganyan talaga pag gwapo, minsan lang nalalate" ngiting sabi niya

Tsk tsk tsk, maganda nga gising

"Oh tama na'yan aga aga ganyan kayo mahiya kayo oyy" sigaw ni Jed samin ng ikinatawa namin.

Pumasok na ang teacher namin ng ikinatahimik ng lahat, discuss lang ang ginawa niya, at nag tataas naman ako ng kamay.

Hanggang sa matapos si ma'am, umalis na siya, nasa room lang kami yung mga classmate namin ang ingay pakal doon pakal dito, parang mga bata parin hayss.

"hinde ba tayo mag cacanteen" tanong ni Jed, umiral na naman ang pagkapatay gutom HAHAHAHAHAH

"Mamaya na, gutom ka na naman, may dragon ba diyan sa tiyan mo? " tanong ni Zhang sa kaniya

Tawang tawa naman ako, grabe ayan nag umpisa na naman sila ng bangayan kakarindi bagay talaga sila mag sama, at pag kasama mo talaga sila hanggang kabilang baryo sa lakas ng mga boses nila.

"manahimik ka mukha kang tae ng kalabaw" asar ni Jed tawa naman kami ni Xyron

"Ingay ng dalawa nating kaibigan" tawang sabi ni Xyron sakin, at hinila ako bigla, iniwan namin ang dalawa dahil tuloy parin ang bangayan.

"San tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya

"Duon sa puno, upo lang tayo, mag pahangin" ngiting sabi niya, tumango nalang ako.

Nakarating na kami sa puno, sariwa talaga ang hangin dito sarap tambayan.

"Dito halika" sabay hila sa kamay ko

Pumunta kami sa ilalim ng puno, tapos nilabas niya yung chicherya sa bag niya clover yun favourite ko hehe.

"Masaya ako kapag kasama kita" biglang sabi niya, napangiti naman ako

"Ganun din naman ako" Ngiting sabi ko, biglang tumahimik ang paligid, tila muni ng ibon ang maririnig.

"HOYY KAYOO!" nagulat ako sa sigaw ni Jed

"May klase pa tayo, iniwan nyo kami ang daya nyo" simangot na sabi niya

Tiningnan ko ang oras at oo nga papasok na kami

"Manahimik ka" sigaw ni Xyron sa kaniya.

"Tara na" sabay hila sa kanilang dalawa

Naglakad na kami papuntang room at sakto wala pa si sir ang swerte nga naman hay.

Promises made in the ENDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon