Annie's Pov.
Nagising ako sa malakas na sigaw ni mama
"Tumayo ka d'yan puro ka tulog!" galit na sigaw ni mama saken,
"Opo ma tatayo napo ako" ang tanging sagot ko"
"Aba, bilisan mo dahil naghihintay yung mga hugasin mo" napapikit na lang ako dahil sa sinabi ni mama.
ganyan kase lagi eh bawat araw na gigising ako sa umaga ayan agad ang sasalubong, paglilinis ng bahay, pagluluto at kung ano ano pang ginagawa sa bahay na sa aken lahat..
"Hoy! Annie" napatingin ako sa sigaw ni ate zayne siya yung panganay samen. "Po?" magalang na sagot ko, nakataas na kilay na tingin nya saken
"Labhan monga to! Bilisan mo at susuotin ko to mamaya sa party," arteng arte na sagot nya, tumango na lang ako dahil para walang ingay pag nag reklamo kase ako ay mag susumbong yun kay mama at ako ang magiging mali.
Sinimula ko na yung mga inutos nila sakin dahil wala naman akong magagawa.
Napahiga ako sa kama ko matapos kong gawin lahat ng inutos nila sobrang nakakapagod yung araw nato..
Nagising ako sa ingay ng cellphone ko kinuha ko ito at nakita ko kung sino ang tumawag si Xyron pala.
"hmm bakit?"Hikab hikab kopang sagot saknya,
"Labas ka ng bahay nyo" nagulat ako sa sinabi ni Xyron
"bakit?" nagtatakang sagot ko sakanya diko alam kung bakit gantong oras ay nagyaya sya..
"Basta lumabas ka at may pupuntahan tayo" aniya
"Okay sige" yun na lamang ang nasabi ko at pinatay na ang linya tiningnan ko ang oras ay 3:00 am, bakit kaya nag yaya siya ng gantong oras, bumuntong hininga na lang ako.
Nakabihis na ako at lumabas ako ng kwarto ng dahan dahan para di ako makita nila mama at papa kase paniguradong pag nakita nun ako mapapagalitan ako kase anong oras palang, bakit kase naisipin ng lalaki nayun na lumabas ng gantong oras.
Nakita kona si Xyron na naghihintay sa labas at kinawayan nyako, tanging ngiti nalang ang sinukli ko
"Goodmorning!" aniya at tumingin ako sa kanya bago magsalita, "Bad morning!" inis na sabi ko pa natawa naman sya "Bakit? " tawang tawa sabi nya
"eh kase naman ang aga aga alam mo naman na pagod ako diba alam mo naman yung ginagawa ko dito sa bahay" inis na sabi ko, natigilan naman sya.
"Aww Sorry!" malungkot na sabi nya,
"Gusto kolang naman na yayain ka gumala kung san man tayo ipapadpad mag saya tayo puro lungkot na lang kase nararamdaman naten eh, gusto ko naman makaranas na masaya na mga pangyayari" malungkot na dagdag nya, na konsensya naman ako sana pala hinde kona sinabi yung mga salitang yun.
"Ayy sorry" sabi ko "okay lang tara na?" tumango nalang ako at naglakad na kami, wala kaming sasakyan dahil di nadala ni Xyron yung motor niya.
Kaya naglakad kami sa pag lalakad namin ay kwentuhan at asaran ang ginawa namin.
"Bakit dinaten isama sila Zhang at Jed?" masayang sabi ko,
"Bakit ayaw mobang ako kasama na mag isa?" tawang tawang sabi nya, napatingin naman ako sakanyaa..
"Eh kase ano eh gusto naman kaso mas masaya kung kasama naten mga yun" kamot na ulo na sabi ko
Natawa naman sya "Gusto kase kita masolo" nagtatakang tiningnan ko sya "Saka na naten isama ang dalawang ugok nayun, Tara na?" kinuha nya kamay ko "Osgee" ani koNaglakad kami, hanggang sa huminto kami sa lugawan kung saan lagi kami kumain, dito ay nagkwentuhan kami puro kami tawa parang kinalimutan namen yung lahat ng problema namen ang saya saya ko dahil may kaibigan ako na katulad niya
nandyan palagi saken, minsan kalang makakahanap na kaibigan na katulad niya napakasaya dinaman siya bad influence at dinaman siya ganun kung ano ang sinasabi sa kanila ng Ibang tao basta alam ko kung ano siya at kung sino siya napakasarap niyang kasama sayang lang wala yung dalawa,kase pag kasama din ang mga yun mas lalong magiging masaya
Natapos na kami ni Xyron kumain, "San naman tayo? Grabe nabusog ako" masayang sabi ko habang inihimas yung tiyan ko, "Dun naman tayo sa Perya, Bukas pa siguro yun" masayang aniya, tumango nalang ako.
Kinuha nya yung kamay ko at sabay kaming naglakad
Sarap mag lakad ng gantong oras sa daan walang tao buti nalang walang tanod at mga aso kundi jusmi tatakbo na naman kami.mamaya lang ay narating na namin ang perya, napakaganda talaga dito onti nalang yung tao 24 hours kase dito eh anong oras na kaya onti nalang
"San mo gusto sumakay?" tanong nya.
"Dun sa roller coaster masaya dun" sabi ko nagulat naman sya
"Seryoso ka?" tanong nya tumango naman ako
Takot kase to si Xyron sa ganyan kalalaking tao tsk tsk tsk.
"Gusto moba?" natatawang sabi ko, napatitig naman sya sa roller coaster bago tumingin saken at nag buntong hininga "Ikaw bahala basta kasama kita" aniya
Natawa ako "wag kang mag alala andito naman ako di ako takot jan, Ano bayan kalalaki mo kaseng tao takot ka sa ganyan jusmi" natatawang sabi ko ngumuso naman sya
"Ikaw bahala saken ah" sabi nya at tumango nalang ulet ako, ayun dali dali kami pumunta dun at kumuha ng ticket.
"Paniguradong masayaa tooh wuuu" masayang sabi ko
Ngiti nalang sinabi nya alam ko kaseng natatakot sya hahaha duwag nanilalang kalalaking tao
"Tara naaa" sumakay na kami at aandar naaa..
BINABASA MO ANG
Promises made in the END
RomanceLife is like a roller coaster, dahil hinde mo alam kung ano kinalalagyan mo. May mga bagay sa buhay na mahirap tanggapin pero kailangan. May mga pag dadaanang hinde alam kung paano sosolusyonan, kaya minsan kalungkutan ang laging naabutan. Sa punton...