Chapter II
>>>Fast Forward<<<
*sa probinsya*
“PINSAN” tuwang sigaw ni Luis sa nagsisibak na kahoy na si Rico. Kadarating pa lang niya sa proninsya at hindi magkandadala sa mga bitbit na pasalubong.
Saglit na kinilala s’ya ni Rico. “aba?! Luis lintek na… ang pogi mo lalo ngayon a!” masayang bati nito sabay tawa ng malakas.
Mahigpit na nagyakap ang magpinsang matagal na panahon na ring hindi nagkita.
“kamusta ka na, ‘insan?” tanong ni Luis.
“eto binata pa rin hanggang ngayon. Ikaw kamusta na?” humantaong ang kamustahan sa hapagkainan.
“actually, malapit na akong ikasal.” Masayang sabi ni Luis. “kaya nga ako nandito para imbitahan kayo.”
“maaari ba naming hindi kami dumalo d’on?” sabi ni Tito Garry.
“oo nga, pinsan” segunda ni Rico
“buti ka pa Luis… ikakasal na” sabi ni tita Marta. “sabik na kaming magka-apo pero ito ‘atang si Rico e walang balak mag-asawa”
-
Mayamaya’y nag-iinuman na ang mag pinsan sa terrace.
“mga one week ako rito, ‘insan. Masarap dito e presko.” Sabi ni Luis.
“oo bah!! Samantalahin mo na ang nalalabi mong mga araw na binata ka pa. kukumpayan kita ng masusustansyang gulay, ‘insan. Kakailanganin mo ng lakas pagkatapos ng kasal mo.” Biro ni Rico.
-
*Kinabukasan*
Pinasyalan nina Luis at Rico ang ilog na paborito nilang paglanguyan no’ng mga bata pa sila.
“tanda mo pa ba no’ng muntik ka ng malunod sa ilog na ito ‘nsan?” tanong ni Rico.
“oo, buti nalang at nasagip mo ko. Pero ngayon Malabo na akong malunod. Expert na ko sa swimming.” Dumive sa tubig si Luis.
Matagal s’yang naglangoy sa ilalim ng tubig. Paglutang n’ya ay may nahagip ang paningain ni Luis.
Isa iyong babaeng napakaganda. Maamo ang mukha. Curl at mahaba ang buhok. Bakat sa manipis nitong suot ang sexyng katawan ng babae. Naliligo din ito sa ilog hindi kalayuan sa bahaging kinaroroonan nina Luis at Rico.
Itinuro ito ni Luis kay Rico. “sino ang babaeng iyon, ‘insan?”
May pangingilag sa mata ni Rico. “naku! Si Alana ‘yan, ‘insan.”
Hanagod ng tingin ni Luis ang babae “napakaganda nya, ‘insan”
“pero walang nagtangkang manligaw d’yan ‘insan.”
“Bakit naman?”
“mangkukulam ang ina nyan! At balibalita---engkanto ang ama.!”
Palibhasa ay laking lungsod kaya tinawanan lang ni Luis ang sinabi na pinsan.
Nakita sila ni Alana.
Kinilabitan si Rico. “tayo na ‘insan ! mahirap makursudahan n’yan.”
Sumunod si Luis kay Rico. Tinapunan nya ng tingin ang dalaga. “hindi ito ang magiging una at huli nating pagkikita, Alana.” Sabi nya sa sarili.

BINABASA MO ANG
Ibong itim (short story)
HorrorNakilala ni Luis si Alana sa panahong nakatakda na ang kasal nya kay Regine. Sa kabila ng lahat ay pinaibig nya ang dalaga at sa bandang huli ay sinaktan. Matinding awa ang naramdaman kay Alana ng ina nitong mangkukulam. Matinding pagkamuhi naman an...