Chapter VI
“ilan ang gusto mong maging anak natin?” tanong ni Regine. Habang nakasandal sa balikat ni Luis. Nang gabing iyon nasa labas sila ng bahay ni Regine.
“dalawa. Isang babae at isang lalaki.” Sagot ni Luis. “teka, kung dalawa pa kaya. Isang bakla at isang tomboy para kumpleto. Biro pa nya.
“pwede rin.” Nakangiting sakay ni Regine sa biro ng nobyo.
Sa si kalayuan, nakadapo sa kawad ng kuryente ang ibong itim ng ina ni Alana.
Lumipad ito ng mabilis.
Tinika sa pisngi si Regine. “araayy!” sigaw nya.
Tuloy tuloy na lumipad ang ibong itim.
Napaluha sa sakit si Regine. “nagdurugo, Loves…”
“gagong ibon yon, a! halika sa loob gagamutin natin yan.”
*sa loob ng bahay*
Dali-daling ginamot ni Luis ang sugat sa pisngi ni Regine. “maliit lang naman pala e, buti hindi ka mata tinuka.”
“kung sa mata ba ako tinuka at nabulag ako papakasalan mo pa ko.?”
Umiling si Luis. “ayy, hindi na.?”
Parang batang nagmaktol si Regine.
“joke lang!”
Masayang naghiwalay ang dalawa ng gabing iyon pero kinabukasan tumawag si Regine kay Luis.
“hindi na matutuloy ang kasal natin ,Luis.”
Napanhisi so Luis. “aging aga, binibiro mo ko.”
Tumaas ang boses sa kabilang linya. May kahalo ng iyak.
“hindi ako nagbibiro! Hindi na matutuloy an gating kasal… hindi na!”
Pinamulahan ng mukha si Luis. “Regine, are you out of you mind? Anong dahilan at hindi matutuloy ang ting kasal.?”
“D-dahil sa tuka ng ibon.”
Natampal ni Luis ang noo nya. “God! Tuka lang ng ibon yan! Kayang itago ng make-up yan! Tuloy ang kasal, loves. Hintayin mo ako dyan. Maguusap tayo.
Halos lumipad ang sasakyan ni Luis papunta sa bahay ni Regine. Pagdating roon ay naabutan nyang nakaupo sa gilid ng kama ang umiiyak na si Regine. Nakatalikod ito sa kanya.
“humarap ka sikin loves… ngayon tayo magusap.”
Umiling lang si Regine.
“loves tuka lang ng ibon yan! Sige na… harapin mo na ako.
“matatakot ka lang, Luis! Umalis ka na! Ayoko na! umuurong na ko sa kasal natin!”
“for god’s sake! Walang makakapagpabago ng pagtingin ko sayo Regine!”
Biglang humarap si Reine sa kanya. Napaatras sya! Takot na takot!
Ang buong mukha ni Regine…
…naaagnas.
“ngayon, Luis… handa mo pa rin bang pakasal ako.?”
May naalala si Luis na nagbigay ng konklusyon kung bakit iyon nangyari sa mukha ni Regine. “A-ang ibong tumukha kay Regine…mibon iyong ng ina ni Alana.” Sabi nya sa sarili.
Tumakbo palabas si Luis.
Napahagulgol na lang si Regine. Oo nga’t tinilak na itong palayo si Luis, pero mas masakit pa lang Makita ang kusang pagtalikod ng minamahal

BINABASA MO ANG
Ibong itim (short story)
TerrorNakilala ni Luis si Alana sa panahong nakatakda na ang kasal nya kay Regine. Sa kabila ng lahat ay pinaibig nya ang dalaga at sa bandang huli ay sinaktan. Matinding awa ang naramdaman kay Alana ng ina nitong mangkukulam. Matinding pagkamuhi naman an...