Chapter IV
“magandang umaga, Alana” bati ni Luis rito ng matyempuhang naglalaba sa ilog.
“ikaw pala.”
“andami mo naming nilalabhan. Gusto mo tulangan kita.?”
“naku, huwag! Gawaing babae ito. At hindi naman kita kilala.”
“ako si Luis”
Bahagya pa syang limapit upang makipagkamay sa dalaga pero nadulas sya sa lumot ng isang bato. “huuupss!”
Nahulog si Luis sa tubig.
Tinawanan sya ni Alana.
Natawa din si Luis na inihaba ang kamay upang abutin ni Alana. “tulungan mo naman akong umahon ditto. Ang lamig ng tubig.”
Inabot ni Alana ang kamay ni Luis.
Hindi inaasahan ni alna ang ginawa ni Luis. Bigla nyang hinilaang kamay ng dalaga! Nahulog din ito sa tubig.
Nagkatawan na lamang ang dalawa. Iyon ang nagging simula ng maganda nilang pagtitinginan.
Nang sumunod na mga araw ay nagkikita sa ilog ang dalawa, hanggang sa mapalapit ng husto ang loob ng dalaga kay Luis.
“mahal kita, Alana…” sabi ni Luis na pisil pisil ang kamay ni Alana.
“Luis… mahal din kita.” Sabi nito ng nahihiya.
Nagkatitigan sila. Nanghahalina ang mapupulang mga labi ni Alana.
Hindi tumutol ang dalaga ng ilapat ni Luis ang mga labi nito, bagkus tumugon ito sa halik.
Hinda kalayuan… may isang palakang nagmamasid kina Luis at Alana.
*sa bahay nina Alana*
“HINDI KO GUSTO ANG PAKIKIPAG MABUTIHAN MO SA ESTRANGHERONG IYON Alana.” Pagbungad pa lamang ni Alana sa pinto ay sabi ng kanyang ina. Nakaupo ito sa tumba tumba habang hinahaplos ang palakang nasa braso.
“napatungo si Alana. “N-ngayon lang ako umibig ng ganito ina…”
“sana hindi ka nagkamali Alana.
BINABASA MO ANG
Ibong itim (short story)
TerrorNakilala ni Luis si Alana sa panahong nakatakda na ang kasal nya kay Regine. Sa kabila ng lahat ay pinaibig nya ang dalaga at sa bandang huli ay sinaktan. Matinding awa ang naramdaman kay Alana ng ina nitong mangkukulam. Matinding pagkamuhi naman an...