Chapter III
Parang nabatobalani kay Alana si Luis. Gumawa sya ng paraan upang muli nyang Makita ang dalaga. Nagpanggap syang mangangaso at nagtungo sa kubo ng mga ito.
“tao po! *tok*tok*tok* tao pooo! *tok*tok*tok*”
Muntik na syang mapasigaw ng dumungaw sa bintana ang isang matandang makhang bruha. Napaka talim ng mukha. May ibong itim ito sa balikat at hinihimas himas ang pusang itim din ang kulay.
“ano ang kailangan mo?” tanong nito.
“k-kwan ho… makikiinom lang ho. Mangangaso ho ako at naubusan ng baong tubig.”
Tumawag ang matandang mukhang bruna. “Alana…”
Lumabas ng silid si Alana. “bakit po, inay.?”
“bigyan mo ng tubig ang estranghero.”
Kumuha ng tubig sa banga si Alana. Titig na titig sa Luis sa dalaga habang papalapit ito sa kanya. Tingin nya ay lalo itong gumaganda.
“heto ang tubig.”
Inabot ni Luis ang baso ng tubig. “salamat”
“walang anuman.”
Nginitian nya ang dalaga. Gumanti ito ng ngiti. Parang saglit ay huminto ang kanyang mundo.
*ahem* Nagulat sila sa tumikhim ang ina ni Alana.
“pumasok ka na sa silid Alana. At ikaw lalaki… inumin mo na ang tubig at pagkatapos ay maaari ka ng umalis.”
“ininom ni Luis ang tubig sa baso. “salamat sa inyo… aalis na po ako.”
Tumalikod na si Luis. Inihatid sya ng matatalim na tingin ng matandang mukhang bruha.
*sa bahay nina Rico*
“edi naniwala ka ng mangkukulam ang ina Alana.?”tanong ni Rico kay Luis.
“nakakatakot lang talaga ang mukha, ‘insan. Hindi naman totoo ang mangkukuklam, e. kathang isip lang.”
“binabalaan kita, ‘insan… kung ayaw mong may masamang mangyari sa’yo, huwag mo ng paginteresan si Alana. Mabuti sana kung seseryosohin mo.”
Pero hindi nakinig si Luis. Para talagang isang opyo ang dalaga na hindi nya kayang iwasan.
[a/n: sori po kung maiikli ah ... :))]
![](https://img.wattpad.com/cover/3674919-288-k354109.jpg)
BINABASA MO ANG
Ibong itim (short story)
HorrorNakilala ni Luis si Alana sa panahong nakatakda na ang kasal nya kay Regine. Sa kabila ng lahat ay pinaibig nya ang dalaga at sa bandang huli ay sinaktan. Matinding awa ang naramdaman kay Alana ng ina nitong mangkukulam. Matinding pagkamuhi naman an...