Chapter V
Ang isang linggong bakasyon ni Luis ay nagging dalawang linggo dahil kay Alana. Walang araw na hindi sila magkasama simula ng magtapat sila sa isa’t isa.
“mahal mo ba talaga ako, Luis.” Tanong ni Alana habang nakasandal sa braso ni Luis. Nakaupo sila sa Burol habang pinapanood ang paglubog ag araw.
“oo naman”
Naglapat ang kanilang labi.
Kumulimlim ang langit. Nagsimulang pumatak ang ulan.
“mababasa tayo.” Sabi na Luis.
Hinila sya ni Alana. “halika.”
Lumakas ang buhos ng ulan. Tumakbo ang dalawa.
Sa isang yungib dinala ni Alana si Luis.
Sinindihan ni Alana ang sulo sa loob ng yungib.
“ang yungib na ito ang pangalawang tahanan naming ni ina. Maganda diba.?”
“mas mganda ka.” Sabi ni Luis habang nakatitig ito sa mandang hubog ng katawan ni Alana.
Sumilay angngiti sa mapupulag at masang masang labi ng dalaga. “ano kamo.?”
Lumapit si Luis. “ang sabi ko.. masmaganda ka.”
Hinaplos nya ang marorosas na pisngi ng dalaga.
Wala ng mga katagang namutawi sa kanilang labi. Mga mata nila ang nauusap… na sinang-ayunan ng kanilang damdamin.
Muling naglapat ang kanila mga labi. Mas maalab!
Mahigpit ang hakap nila sa isa’t isang tila walng makakapang hiwalay.
Sa labas ng yungib, masinsin ang patak ng ulan. Npakalamig.!
Kabaligtaran ang ng naglalagablab na mga damdamin nina Luis at Alana.
“A-ako pala ng una.” Nakukunsensyang sabi ni Luis.
“oo, Luis. At kailangan panagutan mo ang namagitan sa atin, dahil kung hindi… aanihin mo ang bangis ni ina.”
Parang may mumunting kutsilyo ang tumarak sa loob ng dibdib ni Luis. Hindi dahil takot sa ina ni Alana, kundi dahil sa katotohanang hindi naman nya kayang panagutan ang dalaga.
Nagsinungaling sya. “P-papakasalan kita, A-Alana.”
Paguwi ni Luis sunalubong kaagad sya ni Rico. “san ka na naman ba galing at dinilim ka.? Naiwan mo ang cell phone mo. May nagtext yata kanina.”
Binasa ni Luis ang message sa kanyang cell phone. Pinauuwi na sya ni Regine dahil may mga kailangan pa silang asikasuhin sa kasal.
*kinabukasan*
Maaga pa’y nasa tagpuang ilog na si Alana. Nagpaganda ng husto ang dalaga para sa lalaking minamahal. Matamis ang ngiti sa mga labi. Nagniningning ang mga mata. Wari bang kung mabibiyak ang puso ng babae ay hindi dugoa ang aagos kundi purong pag-ibig.
Pero hindi si Luis ang dumating.
“R-Rico! N-nasan si Luis.?”
Malungkot na umuling si Rico.
“nasan si Luis.?” Namumuo ang luha sa mga mata ni Alana.
Nay inabot si Rico na sulat kay Alana.
Binasa na Alana ang sulat ni Luis. Sulat ng pagtatapat… ng paghingi ng tawad… ng pamamaalam.
Tumulo ang luha ni Alana. “Luiiiiiissss!” sigaw nya.
Napaliha si Rico. Awing awa sya sa babae.
----sa kabilang ibayo---
Malayo na si Luis ng mga sandaling iyon. Kinakain ng konsensya.
“may puwang ka parin dito sa puso ko, Alana… pero mas mahalaga sa’kin si Regine. Patawarin mo ako.” Aniya sa sarili.
*sa bahay nina Alana*
“niloko nya ako ina… nilloko nya ko.” Umiiyak na sabi ni Alana habang mahigpit na nakayakap sa kanyang ina.
Matalim na matalim ang mata ng ina. Punong puno ng galit!
“sabi ko naman sayo, huwag kang basta magtitieala sa estrangherong yon…”
Gabi, lumabas ng kubo ang kanyang ina. Hawak ang itim na ibon. “magbabayad ka lalaki.” Nanggagalit ang mga ngiping bulong.
Pinakawalan ang itim na ibon! “MAGBABAYAD KAAAAA.!” Sigaw nito.
Lumipad ng mabilis ang ibon. At ang tanging naririnig lang ay ang pagaspas ng pakpak ng ibon.

BINABASA MO ANG
Ibong itim (short story)
HorrorNakilala ni Luis si Alana sa panahong nakatakda na ang kasal nya kay Regine. Sa kabila ng lahat ay pinaibig nya ang dalaga at sa bandang huli ay sinaktan. Matinding awa ang naramdaman kay Alana ng ina nitong mangkukulam. Matinding pagkamuhi naman an...