[Walang Prologue…]
Chapter I
Limang taon ng magkasintahan sina Regine at Luis. At sa wakas naitakda narin ang kanilang kasal.
“wala ng makakapigil sa pagiging Mrs. Luisito Franco mo, loves” ngiting ngiting sabi ni Luis kay Regine habang kumakain sila sa isang restaurant.
“talaga langa ahh.? one month pa before our wedding. Marami ka pang makikitang magagandang babae!” sabi ni Regine ng nakangisi
“hanggang tingin nalang ako sa kanila noh? Naka program na ‘tong puso ko na ikaw lang ang mamahalin habang buhay.”
“talaga??”
“oo. At saka ikaw… papayag ka bang maagaw pa ako sa’yo ng iba?”
“hindi” walang pagaalinlangang sabi ni Regine.
Gwapo si Luis at maganda naman si Regine. Pareho silang may pinagaralan at may matatag na hanap-buhay. Napaka swerte nga nila sa isa’t isa kung iisipin.
“anong oras ang alis mo bukas, loves?” tanong ni Regine kay Luis habang naglalakad sila sa kanilan favourite park.
“five in the morning, aalis na ko”
“bakit hindi mo nalang sila tawagan o sulatan ‘yong mga relatives mo sa probinsya?”
“liblib ang lugar nila. Baka naikasal na tayo saka palang darating ang sulat. O baka pagminamalas pa hindi nila matanggap. Wala rin kasing Cell phone ang mga yon. Kailangan talagang personal ko silang imbitahan para siguradong makarating. Dapat ay naroon sila sa araw ng kasal natin. Importante sila sakin. Napakalaki ng naitulong nila lalo na nu’ng nag-aaral pa ko”
Ang gulat ng dalawa… isang taong grasa ang bigla nalang humarang sa kanila.
“babalutin ng dilim ang inyong pag-ibig!” anitong nanlalaki ang mga mata. “kikidlat ng dugo at lulunurin ang inyong mga pangako! Luluha ng tinik ang mga anghel ng pagibig at dudurugin ang marupok nyong puso!”
Kilabot na nagkatinginan sina Luis at Regine.
Hindi nila alam kung ano ang mararamdaman.
Dinuro ng taong grasa si Luis. “kumapit kang mabuti sa katig ng pagibig! Kung hindi malulunod ang puso mo sa dagat ng mga luha”
Paikaika ngunit mabilis nang tumalikod ang taong grasa.
Puno ng takot ang mga mata ni Regine “Loves…”
“shhhhh… He’s just a crazy man.”
BINABASA MO ANG
Ibong itim (short story)
HorrorNakilala ni Luis si Alana sa panahong nakatakda na ang kasal nya kay Regine. Sa kabila ng lahat ay pinaibig nya ang dalaga at sa bandang huli ay sinaktan. Matinding awa ang naramdaman kay Alana ng ina nitong mangkukulam. Matinding pagkamuhi naman an...