02

1.6K 45 9
                                    

BARDAGULAN ATBP

Jenna:
Mga bakla ung phone ko!
Ang daming files na nandun!
Okay lang sana kung iyong
phone lang kunin niya
basta ibalik niya
memory card ko pati
sim card! 😭😭😭😭


Mine:
Eh akala ko ba
tinext mo na?

Jenna:
Oo nga! Tapos
hu u daw! Inaniya!!!

Carol:
Hu u amp
HAHAHAHAHA
bili ka na lang bagong
phone @Jenna

Jenna:
Gaga ang dami
ngang important
files dun!

Mine:
Bili ka bagong
files

Jenna:
Bili ako bagong kabaong
mo @Mine kainis!

Carol:
Itext mo ul8
magmakaawa ka
kung kailangan
HAHAHAHA

Jenna:

Kapag nalaman ko lang
talaga kung sino ang
nagnakaw ng phone ko
kakatayin ko talaga siya!

Mine:
Kumalma ka nga
bruha ka HAHAHA

Jenna:
Paano ako kakalma???
Buong semester ang
nakasalalay sa phone
na iyon!

Carol:
Next time kasi
i-upload mo na sa
drive lahat ng files mo.

Jenna:
Oo na kasalanan ko na!
Lagi naman eh 😭😭😭

Mine:
Gaga huwag kang
sadghorl. Ako ang
kakausap dun sa
nakakuha ng phone
mo nang matapos
ang problema mo.

Jenna:
Huwag na! Ako na lang!
Baka landiin mo lang eh

Mine:
Wow! Tumutulong
na nga eh.

Jenna:
Mas makakatulong
pag tumahimik ka.

Mine:
Ay grabe siya
HAHAHA

Carol:
Stop na kasi @Mine.
Mainit ang dugo ngayon
ni @Jenna.

Jenna:
Di ko na talaga alam
gagawin ko 😭😭😭
Pasahan namin sa
PED04 ngayon pero
di ako nakapagpasa
dahil nasa cellphone
kong isa iyong mga files.

Buti nga pinahiram ako
ni Mama ng phone
😭😭😭

Carol:
Waw napahiram ka
niya ng phone?! Ano
naman kayang ginawa
mo para pahiramin
ka niya?

Jenna:
Ano pa nga ba edi
naghugas ng sangkaterbang pinggan. Pero okay lang
at least may nagagamit
na akong phone.

Teka pala, itetext ko
na ulit ung number ko
baka kunin na ni Mama
tong phone niya eh.

Carol:
Good luck!!!

@Mine bat tahimik
ka diyan?

Mine:
Gaga diba sabi nga
ni Jenna huwag na
ako magsalita hmp

Carol:
Di ka naman magsasalita,
nasa chat tayo
BWHAHAHAHAHAH

Mine:
Ang galing 😑

HE STOLE MY PHONE [EPISTOLARY | COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon