67

452 17 4
                                    

Ford Hernandez
online

Ford:
Hello, hija. Mama 'to ni Ford. Itong conversation niyo lang ang nakita ko sa messenger nitong anak ko. Gusto ko lang sana magtanong.

Jenna:
Hello po, tita. Ano pong itatanong ninyo?

Ford:
Hindi ko kasi alam kung nasaan ang anak ko. Kanina pa siya wala rito sa bahay. Iniwan din niya ang cellphone niya kaya di ko siya ma-contact. Do you happen to know where he is?

Jenna:
Naku, tita. Hindi ko rin po alam, eh. Ilang oras na po bang wala? Baka naman po nagpapahangin lang

Ford:
Simula kaninang alas nuwebe wala na siya rito, eh anong oras na oh. Nag-aalala na ako. Kilala ko ang anak ko, hija. Hindi siya aalis nang hindi nagsasabi sa akin.

Pakiramdam ko ay may problema sa babae itong anak ko. Nag-aalala ako, hija.

Jenna:
Po? Diba nagkabalikan naman na po sila ni Meena?

Ford:
Naku, hindi naman talagang nagka-ayos ang dalawang iyon. For publicity lang para sa sinalihang pageant kaya nakipagbalikan si Meena sa kaniya. In short, ginamit niya lang ang anak ko.

Jenna:
Hala? Teka wait po, medyo ang gulo lang po. So nagkabalikan sila para lang sa pageant?

Ford:
Siguro naisip ni Meena na pag may pasabog siyang ginawa sa pageant mas mag-i-standout siya as a contestant. Kilig na kilig nga ang lahat sa kanila, eh. Effective naman, hija, dahil nanalo siya.

Jenna:
Hala grabe. Eh kumusta naman po si Ford?

Ford:
Hindi ko siya maintindihan, hija. Kagabi ay naririnig ko siya sa kwarto niya na may binabanggit habang tulog siya. Nakakapagtaka lang dahil hindi pangalan ni Meena ang sinasabi niya. Pangalan mo ang binabanggit niya, hija. Anong meron sa inyo ng anak ko?

Please, hija, tulungan mo akong mahanap ang anak ko. Nag-aalala na ako nang sobra.

HE STOLE MY PHONE [EPISTOLARY | COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon