•Ford Hernandez
onlineFord:
So you really didn't show up, huh?Jenna:
Hindi ko naman sinabing makikipagkita ako sa iyoFord:
Hays are you avoiding me?Jenna:
May dahilan ba? At saka ano pa bang gusto mo? Nag-thank you na ako sa iyo sa biglaan mong pagkuha sa akin sa bar kasama ang mga kaibigan ko.Ford:
I was just concerned about youJenna:
Kaya nga thank you. I appreciate it. At saka nandun naman ang mga kaibigan ko na pwede sa aking umalalay kung sakaliFord:
You were all wastedJenna:
We were having funFord:
Okay, fine. Gusto ko lang namang makatulong. You drunk-chatted me, what am I supposed to do with that? Sabihan ka ng drink more and enjoy?Jenna:
Alam mo, tumigil ka na. Ano bang pake mo sa akin? May girlfriend ka na diba? Ba't hindi siya ang asikasuhin mo?Ford:
You're making it hard for the both of us, bakit ka ba nagagalit sa akin?Jenna:
Hindi ako galit.Ford:
Napag-isipan mo na ba?Jenna:
Ang ano?Ford:
Kung nagugustuhan mo na ako. Kaya ka ba umiiwas?Jenna:
Ang kapal din naman ng mukha mo, eh 'no?Ford:
Oo o hindi?Jenna:
Hindi!Ford:
Talaga?I saw your unsent message that says "Oo, final answer." You really thought na hindi ko iyon nabasa sa floating chathead?
Jenna:
Hindi kita gusto. Ayan, malinaw na siguro iyan. Tantanan mo na ako
BINABASA MO ANG
HE STOLE MY PHONE [EPISTOLARY | COMPLETED]
Storie d'amoreMatapos nakawin ang cellphone ay sinubukang tumawag ni Jenna sa nagnakaw nito. Ngunit ayaw nitong ibalik, bagay na ikinainis niya. Hanggang sa pumayag din ang magnanakaw na makipagkita sa kaniya para isauli ang cellphone niya. Laking gulat na lamang...