•BARDAGULAN ATBP
Carol:
@Jenna!!!!Jenna:
Ano?Carol:
Nagsusumbong 'tong nireto ko. Why is there a boy daw na nanggulo sa pagbisita niya sa house mo?Mine:
Ang arte mo, Carol! Halos hindi ko na maintindihan iyang chat moJenna:
Tss. Pasabi ulit na sorry. Pumunta rin kasi si Ford at nanggulo haysMine:
Waw haba ng hair niyarn? Dala-dalawa ang manliligaw?Jenna:
Hindi ko sila manliligawMine:
Ano lang?Jenna:
Isang bisita at isang bwisitaMine:
Anong sabi ng kuya mo? Hindi ba nagalit?Jenna:
Ba't magagalit? Natutuwa pa nga dahil andaming pagkain na dinala nitong Ford, ito namang nireto ni Carol may dala ring chocolates na kinain din ni KuyaMine:
Ay pak! Tataba ka sa mga manliligaw mo mare. Maganda yarnJenna:
Che! Nakakastress nga, eh. Ayaw talaga tumigil nitong Ford kairitaMine:
Wews, kairita? O baka naman deep inside kinikilig yarn?Jenna:
Anong sinasabi mo diyan?Mine:
Baka akala mo nakakalimutan naming may gusto ka rin dun sa taoJenna:
So?Mine:
Okay, kahit hindi mo na aminin dito sa amin. Pero pag-isipan mo. Kapag napagod yang si Ford kakasuyo sa iyo, baka ikaw din ang magsisi sa huli. Mukha kasing enjoy na enjoy kang pinipilit nung tao iyong sarili niya sa iyoJenna:
Tss. Edi dun natin malalaman kung totoo nga talagang gusto niya ako o trip-trip lang. Kung totoong gusto niya ako, kahit anong taboy ko sa kaniya hindi siya susukoMine:
Ikaw ang bahala. Pinapaalalahanan lang kita, baka sa huli ikaw naman ang maghabol.
BINABASA MO ANG
HE STOLE MY PHONE [EPISTOLARY | COMPLETED]
Roman d'amourMatapos nakawin ang cellphone ay sinubukang tumawag ni Jenna sa nagnakaw nito. Ngunit ayaw nitong ibalik, bagay na ikinainis niya. Hanggang sa pumayag din ang magnanakaw na makipagkita sa kaniya para isauli ang cellphone niya. Laking gulat na lamang...