69

451 15 6
                                    

•Ford Hernandez
online

Ford:
Nakauwi na ang anak ko, hija. Salamat at pasensya na sa abala.

Jenna:
Ganun po ba? Sige po, tita. Pasabi na lang po magpapaalam siya pag aalis.

Ford:
Gusto ka raw niya makausap, hija.

Jenna:
Huwag na po, mukhang okay naman na siya.


Ford Hernandez is calling you.
Accept | Decline


"Jenna..."

"Ford? Napano ka? Ba't ganiyan ang boses mo? Umiiyak ka ba?"

"Talk to me."

"Kausap na kita. Ano pa bang gusto mo?"

"Gusto ko 'yung maayos."

"Ano bang klaseng pag-uusap ang gusto mo? Maayos akong nakikipag-usap sa iyo."

"Jenna..."

"Ano bang kailangan mo sa akin? Anong trip mo?"

"Nasabi na pala sa iyo ni Mama..."

"Ang alin?"

"Na hindi talaga kami nagkabalikan ni Meena. Akala ko okay kami nung gabing iyon, pero kinabukasan she blocked me. Hindi ko na siya makausap ulit. Hindi ko alam kung bakit."

"Bakit mo 'to sinasabi sa akin?"

"Hindi ko maipaliwanag kung bakit parang okay lang sa akin ang nangyari. Jenna..."

"Tumigil ka na, ayoko nang marinig ang anumang sasabihin mo."

"Jenna, makinig ka."

"Ford, tama na. Ano bang trip 'to?"

"G-Gusto kita. Iyon ang totoo kaya hindi na ako nasaktan na hindi na ako kinausap ni Meena. Kaya hindi na ako ulit naghabol sa kaniya. Kasi ikaw na ang gusto ko."

"T-Teka, joke time ba 'to?"

"Bakit galit ka? Gusto mo ako, gusto kita. Hindi ko maintindihan kung bakit ganiyan ang naging reaksiyon mo."

"Sa tingin mo maniniwala ako sa iyo? Sa tingin mo hindi ko alam ang pinaplano mo? Gusto mo lang akong gamiting panakip-butas kay Meena! Dahil ba hindi maayos ang relasyon niyo ngayon? Kaya gagamitin mo akong pampalipas-oras? Ganun ba? Pwes, Ford, hindi ako pinanganak kahapon!"

"Makinig ka, gusto kita. Maniwala ka man o hindi iyon ang nararamdaman ko."

"Manahimik ka! Anong gusto? Ginusto mo lang ako dahil wala na si Meena. Ginusto mo lang ako para malimutan mo iyang sakit na nararamdaman mo. Ano iyon, biglaan kang magkakagusto sa akin? Agad-agad? Hindi ako tanga! Huwag mo akong idamay sa kalungkutan mo!"

"Jenna..."

"Anong nagustuhan mo sa akin, Ford?"

"Jenna..."

"Hindi ka makasagot, diba? Ford, tigilan mo na ang pantitrip mo na 'to. Gusto kita pero ayokong sumugal sa iyo. Ayokong gumising isang araw na iiwan mo na ako dahil nandiyan na si Meena sa tabi mo. Ayokong magising isang araw na isasantabi mo na lang ako dahil wala na akong silbi sa iyo! Ayokong dumating ang araw na ipagtatabuyan mo ako dahil nandiyan na ang tunay na nagpapasaya sa iyo!"


You ended the call.
Okay | Call Again

HE STOLE MY PHONE [EPISTOLARY | COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon