•BARDAGULAN ATBP
Jenna:
HimalaMine:
Ha?Jenna:
Buong araw siyang di nagparamdam sa akinMine:
👀Miss mo? 😌
Jenna:
Hindi 'no!Mine:
Ay, ang defensive ni baklaJenna:
Alanganamang umagree ako ket hindi naman talagaMine:
Eh baka naman kasi busy lang ung tao, hindi lang naman sa iyo umiikot ang buhay niyaJenna:
Luh pinagsasasabi mo diyan, nagtaka lang naman ako. Hindi naman ako nagrereklamo o ano. Mas okay nga 'to kesa buong araw niya ako pestehin kagaya nitong mga nagdaang arawMine:
Eh ba't hindi mo siya tanungin at kumustahin kung mukha namang nag-aalala kaJenna:
At sino may sabing nag-aalala ako?!Mine:
👀Jenna:
Ewan ko sa iyoooo... bakit ba kamping-kampi ka sa lalaking iyon ket halata namang ginagamit lang akoMine:
Sus, ginagamit saan? Eh kung gagamitin lang din naman bakit ikaw pa eh ang daming mas disenteng nakapalibot doon sa tao. Ba't niya ipagsisiksikan ang sarili niya sa iyo eh napakakunat mo rin naman.Jenna:
Medyo offensive, ah. Bwxt ka!Mine:
Honest lang 😁 Maganda ka naman kasi, pero tingnan mo naman sila Meena. Ibang-iba si Meena at ang mga ex niya sa iyo. Hindi ang katulad mo ang mga type niyaJenna:
Eh diba mas nakakapagtaka nga iyon. Ba't siya magkakagusto sa akin kung hindi ako tulad ng mga tipo niya?Mine:
Iyon nga, hindi ka niya type so bakit ka niya pag-aaksayahan ng oras? Ako kasi kapag hindi ko type ang isang tao, ba't ko siya lalandiin diba? Unless naging blinded na ako at natamaan na sa kaniya, in a different way na hindi ko pa nararamdaman kahit kanino.Ewan ko kung may sense 'tong mga sinasabi ko. Pero you know what I mean... if napagod siya ngayon kakahabol sa iyo, baka nga ginamit ka lang niya. Pero who knows, di naman natin alam talaga ang nararamdaman niya so mahirap mag-assume
Jenna:
You mean...Mine:
I mean, may chance na mapagod siya sa iyo. Natauhan ka 'no? Akala mo siguro habambuhay ka susuyuin ng tao hanggang sa kamatayan niya, eh. Gising ghorl, ang mga lalaki hindi tulad ng mga babaeng palaging may double meaning sa mga sinasabi. Ang mga lalaki kapag sinabi mong ayaw mo, maiiintindihan na nilang ayaw mo. Hindi tulad ng mga babae na kapag sinabi niyang "bahala ka." iba-iba meaning niyan.Jenna:
Alam mo ikaw, ang dami mong sinasabi. Mga wala namang sense.Mine:
Basta pag-isipan mo. Naloloka ako sa iyoJenna:
Oo na!
BINABASA MO ANG
HE STOLE MY PHONE [EPISTOLARY | COMPLETED]
RomanceMatapos nakawin ang cellphone ay sinubukang tumawag ni Jenna sa nagnakaw nito. Ngunit ayaw nitong ibalik, bagay na ikinainis niya. Hanggang sa pumayag din ang magnanakaw na makipagkita sa kaniya para isauli ang cellphone niya. Laking gulat na lamang...