Chapter 10:Mr. Assumero

0 0 0
                                    

Pam's POV.

GoooooooodMorning Philippines!!!

Hayyy umaga na naman may pasok uli! NAKAKATAMAD

Bumangon nako sa higaan ko para

Icheck ko si Jamie baka kasi kung ano na nangyare dun.

Tok. Tok. Tok.

Aba bakit walang nagbubukas??

Tulog paba siya?

Pinihit ko na yung doorknob bukas naman kasi eh.

"Jamie?"

Tulog pa nga ang bruha. Noh bato late na kaya. Nilapitan ko na siya tsaka kinalog kalog para magising.

"Uyy. Jamie gising na tanghali na oh."

Grabe magkumot. Diba to naiinitan? Sabagay di-aircon naman kaya hindi mainit. Kashungaan ko talaga.

Speaking of mainit bakit parang pakiramdam ko nagaapoy yung inaalog ko. Inalis ko yung kumot na nakatalukbong kay Jamie.

Hinawakan ko yung braso niya tsaka yung noo niya, namumula na siya sa sobrang init.

"Shit! Jamie ang init mo tarika dalhin kitang ospital!"

Bakit ganito Okay pa naman siya kagabi eh.

Ida-dial ko na dapat yung number ni Mark para humingi ng tulong kaso hinawakan ni Jamie yung braso ko.

"A-ayo-ayokong pu-mun..ta sa os..pital di...to na..lang ako.. kaya... ko pa na-man."

Naalala ko ayaw nga pala ni Jamie na pumupuntang Ospital tsaka ko na sasabihin kung bakit o kaya siya nalang baka kasi magalit eh. Ayaw pa man din niya na pinag-uusapan ang buhay niya.

Nagbuntong hininga muna ako. Pag diko siya dinala sa ospital baka lumala yung lagnat niya hayy nako talaga naman. "Okay okay sige magpahinga kana lang ha wag kana masadong magkukumilos baka mapano ka"

Nasanay na kami ni Jamie na kaming dalawa nalang ang nag-aalaga sa isa't isa kasi wala naman kaming aasahang dalwa parehas kaming nag-iisa kasi parehas busy yung mga parents namin sa mga bussiness namin. Nakakaiyak kasi kahit di kami okay ni mama namimiss ko pa din siya ng sobra! Lalo na si papa.

T_T

Hayy tama na nga bako humagulgol pako dito eh.

"Jamie? Okay lang ba na pumasok ako kasi 1st week palang nang magpasukan ayoko naman umabsent?"

"O-Okay lang... naiintindihan.. na.man kita."

I smiled. "Sure ka?"

"Oo naman"

Alam kong kaya ni Jamie ang sarili niya kasi alam kong sanay na siya ilang beses na yan nagkakasakit ng wala namang nag-aalaga sa kaniya.

"Sige. Thankyou ipagpapaalam na din kita sa klase mo Okay? Ingat ka dito pag may kailangan ka tawagin mo lang si manang sa baba ha? Ipagbibilin na din kita!"

Tumango nalang siya. Nahihirapan na siguro magsalita. Halatang halata sa mga mata niya ang panghihina hayy kawawa naman bestfriend ko di ako sanay ng ganyan siya!

Andaldal ko na di pa pala ako nagtuthootbrush. Makaligo na nga!

Mark's POV.

Katatapos ko lang magbreakfast dito sa malaki naming table sa kusina. Nakakalungkot nga eh wala sina mama. Tsk.

Makaakyat na nga ng makaligo na dapat maaga akong makapasok kasi marami pakong aayusin na mga papeles ko para ma-aprobahan na talaga na sa JGUM nako nag-aaral.

"Can this be Forever"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon