Chapter 2:Friendships

17 1 0
                                    

Jamie's Pov.

Nakakapanibago si Pam ngayon iba na siya magalit samantalang dati napaka masayahin niya.

Nandito na kami sa school nagpaalam nako sa kanya magkaiba kasi kami ng course eh.

Nursing siya eh ako palibhasa magaling sa math (Yabang Haha) kaya nag Accountancy ako XD.

"Ahh sige. Amm sorry nga pala kanina kung natarayan kita peace \/."-sabi niya with smiling face.

"Wala sakin yun :) naiintindihan naman kita ehh. Sige late na tayo. Sorry din kung naging makulit ako"

Nag-okay nalang ako kahit medyo nagtatampo ako kasi tinarayan niya ako di kasi ako sanay eh. Pati kesa naman sa humaba pa diba ? That's what you called true friend (nakaengleeesh si ate).

Nagsmile na lang siya sakin tapos umalis na, kaya umalis na lang din ako.

Hinahanap ko na yung room ko ngayon kaso diko makita. Kainis ang laki laki kasi ng school >.< kaya nagtanong na lang ako.

"Amm miss excuse me pwede magtanong? San dito yung room ng accountancy?"

"Hinahanap ko nga rin yun eh. Accountancy din course mo? Ako kasi yun din ang course eh"

Ang amo ng mukha niya.

"Oo eh. Gusto mo sabay na tayong maghanap tutal magkaklase pala tayo. By the way ako nga pala si Jamie Cruz." :)

"Ako naman si Lilah Alano" :)

Yun after naming magpakilala sa isa't-isa umalis na kami para hanapin yung room namin. Ansaya naman may bago na agad akong kakilala.

Ang swerte kopa. :)))

Pam's Pov.

Pagdating namin ni Jamie sa school nagpaalam na siya sakin, at dahil nakonsensya din ako kanina nagsorry nako sa kanya.

Naglalakad nako para hanapin yung room ko.

Hanap..

Hanap..

Hanap.....

"PAAAAAAAAAM"

Sino kaya yun?

Luminga linga ako sa paligid kaso diko talaga makita eh.

"Hi Pam!"

Ayy shete!!! Nagulat naman ako bigla ba naman kasi ako hinawakan sa balikat ko.

O_o

;)))))))

"MAAAAAARRRRRKKKKKKK"

Napasigaw ako sa nakita kong anghel sa harap ko. Antagal ko to inintay.

"Grabe ka naman sumigaw dika pa rin nagbabago, grabe nakakabingi whooo buti sanay pa rin ako." :)))

Niyakap ko kaagad siya dahil sobrang namiss ko siya as in Grabeeeee.

"Ihhh kaasar ka masama ka bang mamisss, grabe bakit andito ka? Kala ko sa amerika ka nag-aaral? Dika man lang nagpasabi na uuwi ka!! Ilang days ka ba dito? Months o years ba?"

"Andame mo namang tanong kakadating ko lang pwedeng isa-isa lang? Haha uyyy halatang halata na namiss niya talaga ako uyyyy aminin, Sobra nohh?"

Kahet kelan talaga tong si Mark ambilis makahalata Haha Oo na tama kayo namiss ko nga siya at diko yun inaakila.

"Hayy nako sagutin mo nalang nga yung tanong ko, wag kanang mang-asar daliii na"

"Okay,ang excited naman ng GIRL BESTFRIEND ko."

Oo tama kayo sa nabasa niyo he's my bestfriend simula nung bata pa kami in short magkababata kami, kaso nung grade 5 kami umalis sila para pumuntang Amerika, iyak pa nga ako ng iyak nun eh kasi my gusto nako sa kanya nun hihi XD shhhh wag kayong maingay ha secret lang yun.

"Ang totoo kasi niyan, dito ko na tatapusin yung pag nunursing ko parang shunga lang hanu palipat lipat :) , aaaaat di nako babalik ng amerika pero sila mama nandun pa din."

"TALAGA, TALAGA,TALAGA, di mo nako ulit iiwan ha! ha! Promise?"

Grabe napatalon ako sa saya ng sinabi niya yun tas parehas pa kami ng course kaya lagi na kaming magkasama :))))).

&quot;Can this be Forever&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon