Pam's Pov.
Wednesday Morning...
*Beeeeeeeeeeet*-Cellphone ko.
Ayy shete, ang aga pa eh nagtext agad, sino ba yun istorbo.
From:Mark Rivera
Pam, gising na. Sunduin kita ha, i'll bring my car, okay? Wait for me.
-end-
*_______________*
Ihhhh. Sulit pala gising ko ng maaga.
Nikikilig ako ng sobra sa lalaking ituu. *_*
Wait makaligo na nga at baka biglang dumating yun eh mukha pakong bruha.
Ayy naalala ko nandito nga pala si Jamie kasi may bussiness trip parents niya kaya dito muna siya hanggang sa makabalik mga parents niya, duwag eh XD.
Nakuwento ko na rin pala yung tungkol kay Mark tas may nakwento din siya sakin na new friend niya daw. Mamaya niya ata papakilala sakin eh.
Magising na nga yun. Im so excited grabeeeee.
"Jamie!! Jamie!! gising na tanghali na baka malate na naman tayo".
Hihi pero ang totoo excited lang talaga ako.
"Hmmm"
"Tayo kana baka malate tayo. Maghahanda nako ng breakfast. Sumunod kana ha"
"O-okay"
Hay nako napaka tulog mantika talaga nitong si Jamie.
Mark's Pov.
5:30 in the Morning.
Gumising talaga ako ng maaga para kay Pam. Kasi gusto ko siya kasabay pumasok.
How I miss na masundo ulit siya I miss that feeling. *_*
Hayy makaligo na nga ng masundo ko na si Pam sa kanila. Excited nako.
Aaraw arawin ko na nga ang pag sundo sa kaniya para naman laging buo ang araw ko. Siya lang naman bumubuo ng araw ko eh. ♡♡
Pam's Pov.
7:00 na ng umaga pero okay lang konting intay 7:30 pa pasok. Be patient.
Bakit ba kasi biniyayaan ako ng maikling pasensya ehh.
Mark's Pov.
Ayy sheyte! nasan ba yung susi ng kotse ko. Patay ako nito napaka inipin pa naman din ni Pam baka biglang umalis yun, nako nalintikan na talaga!!.
"Etooo! Yesss!"
Nakita ko na nasa ilalim lang pala ng kama ko.
Pam wait lang parating nako. Paliliparin ko na yung kotse ko para sayo haha kakornihan ko talaga umiiral na naman.
Jamie's Pov.
Sino kayang iniintay nito at parang inip na inip na.
"Pam, sino iniinatay mo?"
"Ha? Ah eh si Mark sabi niya kasi susunduin niya ako,kaso antagal naman naiinip na nga ako ehh."
"Sino? Yun bang kinukwento mo sakin kagabe?"
"Ahh. Oo yun nga"
*Ppiiiiiiiiiiiiiiiiittttt*
Grabe naman makabusina yun. Wala ng bukas koya?! -_-
Niyaya nako ni Pam baka yun na yung iniintay niya.
Pam's Pov.
Hayy sawakas dumating din ang bruho grabe antagal din nun noh. Siguro mga 30 mins. Na paghihintay din yun.
Lumabas agad siya ng pinto ng kotse niya after niyang bumusina ng pag kalakas lakas.
"Pam, sorry late ako, kasi ano eh hinanap ko pa yung susi ng kotse ko nasa ano lang pala sa... ano ehh.. yun sa ila...."
Halatang hingal na hingal siya. Kawawa naman ang aga-aga pagod.
Diko na siya pinatapos magsalita para kasing shunga ehh nauutal utal, diko maintindihan. Kaya niyaya ko na si Jamie.
"Jamie tara na, nandito na si Mark."
"Okay, sige labas nako".
Halatang nagulat si Mark di niya kasi ineexpect na may iba akong kasama eh. Halata din sa mukha niya ang dissapointment. Bala siya.
"Ahmm. Mark si Jamie nga pala, Jamie Cruz, pwede ba siya sumabay ?"
"Ah-eh Sige! Ah Hi! I'm Mark, Mark Rivera. Nice to meet you :)"
"Nice meeting you too ;)) Osige tara na baka malate pa tayo."-Jamie
"Sige tara na!!"
Pinaharurot agad ni Mark yung kotse niya tas nagshades siya kasi open yung roof ng car niya it means mainit.
Ang cooooool niya grabe whooo shemay. Nakakainlababo ng sobra.
Pero nakakapangtampo pa din siya kasi pinagintay niya ako ng matagal. Alam naman niya ugali ko eh. Pero okay na din yun.Atleast dumating siya.
Haha. Ang gulo ko noh!!
BINABASA MO ANG
"Can this be Forever"
Teen FictionShe used to be happy. She used to be jolly. She used to be funny. But..... there will always be a "But" from the word "She used to be". Let's meet Pamela San Andres who believes in FOREVER ,the girl that will prove to us that we all have different d...