Chapter 13: Welcome Party 1

8 0 0
                                    

Pam's POV

"Pam parang awa mo na punta tayo gusto ko lang naman mameet yung mga friends ni Lilah eh"

Ano ba tong si Jamie kagabi pa to eh. Nakatulog na kami lahat, haggang ngayon yan parin ang nasa isip.

Jusme nagpapuppy eyes pa siya! Hay kahit gumulong kapa diyan hindi ako pupunta.

"Ayoko! Wala naman akong mapapala dun eh!"

"Eh Pam! Ah ah a--ano aha Oo marameng pagkain dun sige ka magsisisi ka may ano daw dun ah ano kalderetang maanghang!"

Kalderetang maanghang

Kalderetang maanghang

Kalderetang maanghang

Shit! Nanlaki mata ko nung narinig ko ang kalderetang maanghang! Humarap agad ako kay Jamie!

"Ows? Party? Tapos may kalderetang maanghang? Niloloko mo bako Jamie loka ka ha!?"

"Oo nga a--no meron daw sige ka magsisisi ka!"

Shit kaldereta yun! Diko nato palalagpasin! Paborito ko kaya yun pag nakakakita ako nun tas diko nakain halos maghapon akong maguumiyak nun para nga akong tanga eh Haha.

"Ano? Sige na nga ayaw mo talaga eh. Ako nalang!"

Tumalikod na sakin si Jamie.

"Ah. Hinde hindi sige sama nako. Pag walang kaldereta patay ka sakin!!"

Syempre may konting pagaalangan pa din ako. Pag walang kaldereta dun eh patay sakin tong babaeng to.

"Talaga? Good? Tara punta na tayong mall bili tayong damet"

Ayun tas pumunta na kami sa mall. Tetext ko pa nga pala si Mark kasi kasama siya!


Mark's POV

Sa ilang araw na di namin pagkikita ni Pam marame akong naasikaso, kasi nga diba dumating ang worst enemy ko na si DANE JOSHUA CHUA at pinaimbistigahan ko siya.

Nalaman ko na binalikan na nga niya si Karla Ibañez dun din siya nagiistay ngayon at ngayong araw na to ay may pawelcome party daw ang mama nung girlfriend niya sa kanya. Kung di ba naman sinuswerte si Chua diparty pa.!

*Beeeeeeet*

Phone ko. Tinignan ko.

From: Pam

Mark punta ka samen ng 5pm punta tayong party nung kaibigan ni Lilah pawelcome party daw kasi dun sa boyfriend nung Karla

-end-

O___________o

Shiiiiiit! Invited sila?! Bakit? Ganon naba agad sila kaclose ni Chua?

Gusto kong sumama pero hindi pwede kailangan ko ng alibay!! Andame dame naman ng pwedeng puntahan bakit dun pa!

To:Pam

Ah Pam sorry di ako pwede ngayon eh kasi babalik muna ako sa America ngayong weekend eh. Something urgent came. Sorry again. :(

Sending......

Shit nakapagsinungaling tuloy ako nakakainis kasi bakit dun pa!


Pam's POV

Nakauwi na kami ni Jamie galing mall. Ang ganda nga nung dress na nabili ko eh.

Pink dress na simple ang design tapos flat shoes na black tas may ribbon basta ang cute. Tapos yung kay Jamie gray namang dress tapos sapatos ayaw niya kasi ng mga flatshoes eh, sapatos ang hilig nun suotin.

Ah natext ko na din pala si Mark. Kaso nakakalungkot kasi hindi siya pwedeng sumama kasi babalik daw muna siya sa America nakakainis kinakabahan ako baka dina siya bumalik!

"Pam? Halika na susunduin daw tayo ni Lilah kasi di natin alam ang papunta! Ready ka naba?! Hoy Pam?"

Naririnig kong sumisigaw si Jamie tapos kumakatok sa pinto ko.! Grabe naman ang excitement nito!

"Yeah. I'm going out na wait for me outside nalang!"

"Okay. Make it faster baka dumating na si Lilah eh"

Pahabol pa niya.

--

After a minute nandito na kami sa mansyon nila Karla daw. Nung sinundo nga kami ni Lilah eh nagyakapan agad ang dalawa tapos nagdaldalan na sa loob ng kotse aba at hindi nako pinansin.

"Welcome here sa mansyon ng mga Ibañez enjoy the party :)"

Sabi ni Lilah sabay hila kay Jamie!

"Uy Jamie san ka pupunta. Wala akon-.."

"Hanap ka ng sit pupuntahan kita!!!!"

Sigaw ni Jamie ano ba naman tong si Lilah diba niya alam na may kasama yung tao! Yayayain ako tapos si Jamie lang ang inentertain Bullshit yun ha!

Bala na nga maghahanap nalang ako ng Kaldereta hihi!

--

Pagpasok ko sa loob ang ganda ang laki din ng mansyon pero di nako masyadong namangha kasi meron din kami nito mas malaki pa gusto niyo bilangin ko sa inyo. Sige.

2 sa Philippines tas may company kami dito at apartment.

3 sa Korea tapos may resort pa kami dun

1 sa America may building din kaming pagmamay ari dun.

2 sa Japan tas may restaurant kami dun

1 sa China tas may casino kami

Tsaka na yung iba baka sabihin niyo masyado nakong mahangin eh.

Marame na rin ang tao yung iba nagsasayaw na. Yung iba kumakain. Nagkukwentuhan.

Umupo nako sa may upuan. Kaso nakaramdam ako ng uhaw.

Naglakad nako papalapit sa may kuhaan ng water.

*Booooooogshhh*

"Teteng naman oh! Bakit ba--...!"

"IKAW?"

"IKAW?"

"Can this be Forever"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon