Kinabukasan ay pumasok sa school si Juliana. As usual ng mga nakagawian niya, papasok na naman siya upang mag aral, makita ang mga kaibigan niya, kung kaibigan nga ba talaga niya ang mga ito at siyempre ay abangan si Phytos. Umaasa kasi siyang kahit papaano ay makakasama niya ito at makausap man lang.
Pagsapit niya sa classroom nila ay wala si Phytos. Inalam niya sa mga kaibigan nito kung nasaan ito. Ayon sa mga ito ay nagpaalam ang mga ito upang puntahan si Anndrei. Dagli ay napawi ang ngiti niya sa kanyang mga labi. Ang excitement na nararamdaman niya ay biglang nawala na parang bula. Kaya naman tumakbo ang oras ng klase na bad trip siya kahit na nakabalik na ito sa classroom.
After ng klase niya ay dumeretso siya sa canteen. Hindk siya sinamahan nina Lei at Gyn dahil may mga kakausapin pa daw ang mga ito about sa project nila sa isang subject. Kaya eto siya at nag iisa. No choice naman kasi siya dahil alam naman niyang napipilitan ang mga ito na makipag kaibigan sa kanya dahil sa mga ibinibigay niyang materyal na bagay sa mga ito.
Ok lang naman sa kanya na mag isa siya dahil sanay naman siya. Kung sa bahay nga niya ay nakakayanan niyang hindi siya kausapin ng sarili niyang ina, eh ano pa kaya kung sa ibang tao. Kaya kesa sa mastress siya ay kakain na lamang siya. Actually, now pa lang siya kakain ng food na binili sa canteen. Most of the time kasi ay labas siya nagpapabili upang makakain.
Nasa ganoon siyang pwesto at namimili ng makakain nang biglang may nagsalita sa tabi niya.
"Hi ate. Isang footlong nga at saka isang soft drinks." Sabi ng lalaki na katabi niya na napagtanto niyang si Kier pala.
"Oh. Ikaw pala." Nakangiti nitong turan nang mapansin siya.
"Hindi. Picture ko lang to. Ginagawa mo dito?" Mataray niyang sabi.
"Obvious ba? Siyempre bibili nang makakain. Ikaw ang dapat kong tanungin. Ano ang ginagawa mo dito?" Nakangiti parin nitong turan sa kanya.
"Eh di bumibili din." Paismid niyang sabi.
"Sungit naman nito. Akala ko ba ok na tayo?" Anito na may halong pang iinis.
"He he. Ang drama mo!" Sabi niya sabay harap sa babae sa canteen.
"Isang pineapple juice lang." Aniya dito.
"Pineapple juice lang?" Pang aasar pa nito.
"So? Eh hindi na ako natunawan nang makita kita." Aniya dito. Saka kinuha ang juice na binili niya at umupo sa isa sa mga upuan doon. Ngunit, sinundan pala siya nito at nakiupo pa sa tapat niya.
"Bakit ka nga pala mag isa?" Tanong nito sa kanya.
"Bakit mo naman tinatanong?" Agarang balik tanong naman niya.
"Wala naman. Napansin ko lang na nag iisa ka. Nasan na ang mga kaibigan mo?" Tanong na naman nito sa kanya.
"Wala. Busy." Matabang niyang sabi.
"Ah. Ok." Anito saka kumain.
Matapos kumain ito ay inayos nito ang pinag kainan at hinrap siya nang nakangiti na siya niyang ipinagtataka.
"Bakit?" Balewalang tanong niya dito.
"Gusto mo mag enjoy?" Tanong nito.
"Bakit?" Tanong na naman niya.
"Mamaya after class labas tayo. Sumama ka sa akin." Sabi nito sa kanya.
"Ay naku. Baka sa---."
"No. Sa iba tayo pupunta." Anito nang pinutol nito ang sasabihin niya. Sa pagtataka niya ay tinanong niya ito.
"Bakit mo ito ginagawa?" Tanong niya dito.
"Wala lang." Sabi nito.
"Wala lang?" Pag uulit niya sa sinabi nito.
"Kasi napapansin ko na parang di ka masaya." Nakangiti nitong sabi. Sa di malamang dahilan ay tila nahipnotismo siya dahil sa maganda nitong ngiti. Bawat parte ng mukha nito ay talagang bumagay dito at di niya na maikakaila na gwapo din ito.
"Uy! Tulala ka!" Basag nito sa pagkatulala niya.
"H-huh?" Aniya dito na tila wala sa sarili.
"Sabi ko kung ayos lang sayo na lumabas tayo mamaya." Anito na natatawa.
"Ewan!" Naiinis na turan niya saka tumayo at lumayo dito.
"Nasa HE Room lang ako mamaya if gusto mo matuloy ah." Anito sa kanya sabay kindat na siyang ikinaroll eyes niya at iiling iling na lumayo.
Matapos ang klase ay di niya maalis sa isipan ang ginawang pag yaya sa kanya ni Kier upang lumabas.
"Ano naman ang gagawin nila? Saan naman kami pupunta?" Tanong niya sa sarili. Di niya namalayan ang kanyang sarili na papunta na pala siya sa HE Room at bago pa siya makaalis sa lugar na iyon ay biglang lumabas sa pintuan si Kier.
"Oh. So gusto mong lumabas?" Anito sa kanya.
"Huh? Hindi ah." Aniya dito.
"Talaga? Eh bakit nandito ka?" Nakangisi nitong tanong sa kanya.
"Naligaw lang ako." Pag dadahilan niya.
"Sus. Kunwari ka pa. Wait. Magliligpit lang ako." Anito sa kanya.
"B-bilisan mo. Nilalamok na ako dito." Maarte niyang sabi dito na siyang ikinailing nito.
Matapos makapag ayos ito ay umalis na sila at sumakay na siya ng kotse nito. Sinabihan na niya ang kanyang driver na wag na siyang sunduin dahil may lakad siya. Habang lulan ng sasakyan nito ay naghahari ang katahimikan sa loob ng kotse hanggang sa binasag nito ang katahimikan.
"Mahilig ka ba sa rides?" Tanong nito sa kanya.
"H-huh? Bakit? Saan ba tayo pupunta?" Tanong naman niya dito.
"Basta. Tiyak magugustuhan mo at mag eenjoy ka." Nakangiti nitong turan.
Nang marating na nila ang kanilang pupuntahan ay nabigla siya sa nakita niyang lugar na agad ding nakapag pasimangot sa kanya. Dinala kasi siya nito sa Enchanted Kingdom.
"Ano akala mo sa akin bata?" Mataray niyang tanong dito.
"Ano ka ba? Hindi yan pambata. Pwede din yan sa matanda at teenager." Natatawa nitong sabi. Wala siyang nagawa nang hilahin siya nito papasok sa loob.
"Saan mo gusto unang sumakay?" Tanong nito sa kanya nang makakuha na sila ng wristband at natatakan na sila.
"I don't know. Wala kasi akong alam dito." Aniya sa lalaki.
"Ok sige. Sa mga simple rides muna tayo." Sabi nito. Una nilang sinakyan ang Bump Car, sumunod naman ay ang Flying Fiesta, at ang sumunod ay Roller Coaster.
"Sabi mo simpleng rides lang. Ano yung mga sinakyan nati?" Nabubuwiset niyang sabi dito na siyang ikinatawa nito.
"Ano ka ba? Simple na yan. May mga mas malala pa diyan nu." Natatawa nitong turan.
"Ay naku. Ayoko na. Susuka na ako." Sabi naman niya.
"O siya kain muna tayo then sakay pa tayo isang rides. For sure mas magugustuhan mo ito." Sabi naman nito sa kanya. Kaya naman ay pumunta sila sa isang kainan at kumain sila. Doon ay napakain siya ng marami dahil sa mga sinakyan niya. Habang ito naman natatawa sa itsura niya.
"What's funny?" Mataray niyang tanong dito.
"Wala. Kasi di ko akalain na malakas kang kumain." Anito sa kanya.
"Gawa mo kasi eh. Nawala tuloy yung poise ko." Aniya dito na siyang ikinatawa nito ng malakas.
"Tumahimik ka nga. Nakakahiya." Saway niya dito.
"Alam mo, may poise ka o wala, maganda ka parin." Anito sa kanya na siyang ikinalingon niya. Sa di malamang dahilan ay biglang tumibok ng mabilis ang kanyang puso at di niya namalayan na namula siya kaya kaysa mahalata pa nito ay ibinaling niya sa ibang direksyon ang tingin niya at nagtanong dito.
"Saan naman tayo susunod na sasakay." Aniya dito.
"Secret. Basta." Anito na siyang ikinakunot ng noo niya.
BINABASA MO ANG
Got To Believe In Magic (Series 4)
RomanceMataray, suplada, bully, at maarte. Ilan lamang iyan sa mga deskripsyon kay Juliana bilang isang Campus Queen Bee mula high school hanggang sa tumuntong siya sa college. Alam niyang may pagka magaspang ang kanyang ugali at inaamin niya iyon. Pero sa...