Chapter 8: A Day With Kier

12 2 0
                                    

Takang taka si Juliana kung bakit bigla siya hinila ni Kier paalis sa mall na iyon at sinabi pang sumama na lamang daw siya at siguradong mawawala ang pagiging mataray niya. Sa bagay na iyon ay napataas ang kilay niya. Ang nakikta parin talaga nito sa kanya ay ang kanyang bad side.

Nang makalulan na sila ng sasakyan nito ay sinabi nito sa driver nito na doon daw sila sa hideout nito na kaagad naman na pinaandar ng driver. Kaya naman di na siya nakatiis para magtanong.

"San ba tayo pupunta?" Naiinis niyang tanong.

"O ayan ka na naman eh. Pwede ba chill ka lang?" Anito sa kanya.

"Bakit ba kasi isinama mo ako? Anong meron?" Muling pagtatanong niya dito.

"Well. Napansin ko kasi na need mo ng kasama. Mukha ka kasing malungkot eh." Anito sa kanya sabay kibit balikat. Nabigla siya sa tinuran nito. Di niya sukat akalain na may isang tao na makakapansin na malungkot siya. Di kasi siya sanay na pinapakitaan ng awa o kung ano pa man.

"Kung naaawa ka sakin, please lang wag mo na itong gawin." Aniya dito sabay buntong hininga.

"Kasi? Ayaw mo ng kinakaawaan ka? Ayaw mo na makita ng iba na minsan ay may kahinaan ka?" Anito sa kanya na ikinalingon niya. Lahat ng sinabi nito ay tumpak at papaano nito nalaman na ang mga sinabi nito ay mga bagay na ayaw na ayaw niyang ginagawa sa kanya ng iba?

"Gulat ka nu? Halata ka kasi." Anito sa kanya.

"S-so. Ang gagawin mo pasisiyahin mo ako? Ganon? Ano ka Prince Charming ko?" Sarkastikong turan niya dito.

"Eh ikaw, nasa sa iyo naman kung magiging masaya ka eh, kung pipiliin mong maging masaya. Bale wala kung pasasayahin ka ng ibang tao kung ikaw mismo ayaw mong maging masaya." Mahabang litanya nito sa kanya. Sa bagay na iyon ay natahimik siya at di na kumibo pa. Namuo ang katahimikan sa loob ng sasakyan hanggang sa narating na nila ang lugar na sinasabi ni Kier.

Pagkaparada ay agad na bumaba si Kier at pinagbuksan siya ng pinto bagay na ikinabigla niya dahil ni kahit isa wala pang tao na nakakagawa sa kanya niyon.

"Ano? Bubuhatin pa kita?" Natatawa nitong sabi sa kanya dahil napansin nitong nakatingin lang siya dito. Kaya naman atubili siyang bumaba dala ang kanyang bag.

"Dito ako nag lalagi kapag gusto kong mapag isa." Aniya sa kanya bagay na ikinakunot ng noo niya.

"Coffee shop?" Takang tanong niya dito.

"Yes." Anito habang nakangiti.

"Nag ooperate na ba ito? Ikaw ba may ari nito?" Tanong niya dito na ikinatawa nito.

"Well hindi pa ito nag ooperate. Di ko pa kasi balak iopen ito. And yes, sa akin ito. Bagay na hindi alam ng parents ko." Anito sa kanya sabay kindat.

"So nagbabalak ka magtayo ng business kahit na may negosyo naman na kayo?" Tanong niya ulit dito.

"Nope. Sabihin na lang natin na hobby ko lang itong pagpapatayo ng coffee shop. Kasi bata pa lang ako pinangarap ko nang maging chef or bartender. Eh alam ko naman na ayaw ng parents ko na kumuha ng ganoon sa college dahil kami ni Phytos ang mag papatakbo balang araw ng emperyo na itinatag ng pamilya namin." Anito sa kanya. Napansin niyang medyo lumungkot ang mga mata nito. Napagtanto niyang kahit na sobrang yaman nito ay may bagay parin talaga na hindi nakukuha nito.

"Halika. Pasok tayo sa loob." Anyaya nito sa kanya. Nang makapasok sila sa loob ay namangha siya sa ambiance ng coffee shop ni Kier.

"Doon tayo sa loob. Ipagbebake kita." Nakangiti nitong sabi sa kanya na ikinataas ng kilay niya.

"Kier. Let me remind you. I don't like sweets." Turan niya dito.

"I'm sure magbabago isip mo pag natikman mo ang gawa ko." Pagmamalaki nitong sabi. Kaya naman ay sumunod siya sa loob kung saan magbebake ito.

Napansin niyang napakaganda ng loob at halatang mamahalin ang mga kagamitan sa pagbebake doon. Nakita niya si Kier na abala sa pagkuha ng mga gagamitin sa pagbebake. Habang nakatingin siya dito ay napansin na naman niya ang mga katangian nito. Gwapo ito kung tutuusin lalo na kapag nakangiti ito. Yun nga lang minsan nakakainis ang mga ngisi nito na animoy nang aasar. Peron madalas nakikita niya sa ngiti nito ang pagiging natural at palakaibigan. No wonder na maraming nagkakagusto ditong babae lalo pa at pinsan nito si Phytos.

"O wag mo akong pakatitigan. Baka matunaw ako niyan." Pabirong turan nito sa kanya na ikinagulat niya. Napansin pala nito na matagal siyang nakatitig dito.

"Nagugwapuhan ka sakin?" Anito sa kanya sabay kindat na naman.

"Asa!" Aniya dito na ikinatawa nito ng mahina. Kaya para malihis ang usapan at di siya tuksuhin nito ay nagtanong siya dito kung kailan siya natuto magbake.

"Well natuto ako noong nasa elementary pa lang ako. I think grade four ako noon. Gawa kasi ng lola ko. Magaling mag luto yun." Anito sa kanya na may pag mamalaki.

"Lola? Saang side?" Aniya dito.

"Sa father side. Yung pamilya kasi ng father ko ay mayaman sila ngunit masasabi mong simple parin ang pamumuhay nila. Lalo na yung lola ko. Mahirap lang kasi lola ko bago niya napangasawa ang lolo ko." Anito sa kanya habang nagmamasa ito ng dough.

"Hanggang ngayon nagsasama padin sila? I mean wala bang naging gusot sa kanila?" Aniya dito.

"Well sabi ni Daddy ay nag aaway sila minsan pero magkasama parin sila." Anito sa kanya.

"Magkasama?" Tanong niya.

"Oo. Kasi sa tingin ko kaya magkasama pa din sila dahil pinipili parin nila ang isat isa. Kasi yun naman ang reason kung bakit sila nagsama eh, ang mahalin ang isat isa." Anito sa kanya habang nakangiti ito.

"Gaya ng Daddy ko at Mommy ko. Kahit na noong una daw ay nag doubt si Daddy na pakasalan si Mommy dahil sa sobrang yaman ng pamilya ng mother ko ay pinili parin nila ang magsama." Turan ulit nito sa kanya.

"Bakit?" Wala sa loob na tanong niya na ikinalingon nito.

"Eh mahal nila ang isat isa eh." Natatawang sagot sa kanya nito.

"Kaya ako, kapag nahanap ko ang right one ko doon ko na bubuksan ang coffee shop na ito. Dahil itong coffee shop na ito ang magsisilbing tanda ng pagmamahal ko sa kanya." Anito sa kanya habang ipinapasok nito ang dough sa oven.

"Ah so naniniwala ka sa love." Aniya dito.

"Oo naman. Kasi saksi ako ngayon sa nakikita kong resulta ng pagmamahalan ng lolo at lola ko pati na ng Mommy at Daddy ko." Sagot nito sa kanya.

"Well swerte ng pamilya mo dahil buo kayo nandahil sa love." Turan niya na ikinakunot ng noo nito.

"Bakit mo naman nasabi iyan?" Tanong nito sa kanya na ikinabigla niya kung kayat wala siyang maisagot dito.

"Napansin ko lang. Para kasi sa akin, di lahat ng love ay positive ang nagiging resulta. Minsan yung iba di maganda ang kinahahantungan." Aniya dito nang makaapuhap ng sasabihin.

"So, hindi ka naniniwala sa love?" Tanong nito.

"Correction. Hindi ako naniniwalang laging maganda ang epekto ng love." Pagtatama niya na ikinataas ng kilay nito at ikinabuntong hininga nito.

"Eh matanong ko lang, para sa iyo ba bakit naiinlove ang mga tao sa isat isa?" Tanong niya dito na ikinangiti nito.

"Simple lang. Gawa ng magic." Anito sa kanya.

Got To Believe In Magic (Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon