Matapos makapag ayos ng gamit ay naghintay siya ng sundo niya sa tapat ng school nila. Kadalasan kasi ay late niya talaga pinapapunta ang driver niya dahil kung sakali man na magkayayaan sila ng kaibigan niya ay hindi na kailangan pa nitong pumunta sa school nila.
Kung tutuusin ay mas gusto pa niyang pumasok sa school kaysa umuwi sa bahay. Kung sakali man na walang pasok ay dalawa lamang ang ginagawa niya, lumabas ng bahay at mag unwind or magkulong buong maghapon sa kwarto.
Ilang saglit pa ay dumating na ang kaniyang driver at sumakay na siya sa loob. Pagkasakay niya ay agad niyang tinanong si Mang Hernan ang kanyang driver.
"Mang Hernan may tao na ba sa bahay?" Tanong niya dito.
"Opo Mam Juliana. Nandoon po parehas ang mga magulang niyo." Wika nito sa kanya.
"Ah sige. Salamat po." Aniya dito. Nang sapitin na nila ang bahay niya ay agad siyang bumaba. Didiretso na sana siya sa kwarto nang may marinig siyang sigawan at tila nagtatalo sa loob ng kabahayan.
"Ano Sebastian?! Tatalikuran mo ako?! Iiwan mo na naman ako?!" Sigaw ng kanyang ina sa kanyang ama.
"Tigilan mo nga ako Melissa! Kung ano ano ang mga pinagsasasabi mo!" Sigaw naman ng kanyang ama.
"Ayan! Diyan ka magaling! San ka pupunta? Sa babae mo?! Sige! Doon ka na!" Aniya ng kanyang ina sabay hampas sa likod ng kanyang ama.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na wala akong ibang babae?! At oo aalis na talaga ako! Hindi na ako babalik pa!" Sigaw naman ng kanyang ama.
"Walang hiya ka! Magsama kayo ng kabit mo!" Sigaw ng kanyang ina sabay bato dito ng vase na nabasag sa sahig habang ang kangyang ama ay bitbit na ang maleta na naglalaman ng mga damit. Napansin siya ng kanyang ama na nakatingin lamang siya sa mga nangyayari. Tumango ito sa kanya at umalis na. Habang ang kanyang ina ay patuloy na lumuluha. Nilapitan niya ang kanyang ina upang aluin ito ngunit tinabig nito ang kanyang mga kamay.
"Kasalanan mo ito! Malas ka sa buhay ko!" Sigaw sa kanya ng kanyang ina.
"Mama." Aniya dito na nangingilid ang mga luha niya.
"Sana hindi na lang kita naging anak!" Aniya ng kanyang ina at umakyat na ito sa taas. Habang siya ay di napigilang bumuhos ang luha niya. Sobra siyang nasaktan sa mga tinuran ng kanyang ina. Sa totoo lang ang tunay na pagkatao ni Juliana ay hindi perpekto. Maaaring nakukuha niya lahat ng bagay na meron siya ngunit ang hindi ang pagmamahal ng kanyang ina at suporta ng kanyang ama. Minsan naiisip niyang baka ampon siya dahil di siya magawang mahalin ng sariling magulang kung kayat sa ibang tao siya namamalimos ng pag mamahal. Yun ang hindi alam ng karamihan sa kanya.
Sa sobrang sama ng loob niya ay umakyat siya sa kwarto niya at itinuon ang kanyang sarili sa pagluha. Mula pagkabata ay saksi siya sa laging pag aaway ng mga magulang niya. Laging busy pati ang mga ito sa trabaho na kung minsan ay nakakalimutan na siya. Naalala niya nung nag graduate siya ng elementary ay ni isa sa mga magulang niya ay walang dumalo sa nasabing pagtitipon kung kayat ang kanyang class adviser na lamang ang nag silbing magulang niya at nagsabit ng medalya sa kanya. Pag uwi niya noon sa bahay ay nakahanda na ang mga pagkain bilang selebrasyon sa pag graduate niya pero tanging kasama lamang niya ay ang kanilang kasambahay at driver dahil wala at nasa trabaho ang kanyang mga magulang. Kung kayat wala siyang gana mag celebrate ng mga panahon na yun.
Kung minsan aaminin niya sa kanyang sarili na inggit na inggit siya sa iba dahil kahit san magdating ay suportado ng mga ito ng kanilang mga magulang. Marami nga siyang pera ngunit salat sa pagmamahal. Kung kayat sa takot na wala siyang maging kaibigan ay nagawa niyang bilhin ang pagkakaibigan. Hindi niya alam kung totoo nga ba ang mga ipinapakita sa kanya nina Lei at Gyn dahil lagi siya nagbibigay sa mga ito. Naisip niya na kung hindi siya mag aabot ng materyal na bagay sa mga ito ay baka iwan siya ng mga ito.
Aminado naman siya na ang isang tulad niya ay di talaga madaling mahalin at gawing kaibigan. Naisip niya minsan na napaka unfair ng mundo. Bakit sa iba ang dahil makahanap ng magmamahal sa kanila madaling makahanap ng magiging kaibigan, samantalang siya kailangan pa niyang makiusap o bilhin ang oras ng mga ito para lang makasama niya. Tulad nang nagyayari ngayon sa kanya sa pagitan ng mga magulang, sa mga kaibigan at kay Phytos. Siguro di ako sapat para sa kanila dahil sabi nga ng kanyang ina noon ay isa siyang failure, isa siyang pagkakamali. Masakit pero kailangan niyang tanggapin yun.
"Hindi naman ako masama. Hiling ko lang naman kasi yung mahalin ako." Aniya sa sarili habang patuloy sa pag agos ng kanyang mga luha. Hindi niya malaman ang dahilan kung bakit tila napakahirap sa mga ito na tanggapin at mahalin siya. Kaya madalas ay pinipili niyang magkulong na lamang sa kwarto o di kaya ay gumala para naman hindi niya maramdaman na isa siyang pagkakamali. Sa sakit na nadarama niya ay nagbihis siya at lumabas ng kwarto inutusan niya ang kanyang driver na ihatid siya sa pupuntahan niya. Naisipan niyang mag night out at uminom para makalimutan ang sakit na nadarama niya ng mga oras na iyon. Tutal hindi naman siya mukhang minor kaya madali sa kanya makapasok sa ganoong lugar.
Nang sapitin niya ang bar ay agad na naghabilin siya sa driver na tatawagan na lamang niya ito kapag magpapahatid na siya pauwi. Pagkatapos ay umorder siya ng isang vodka at tinawagan sina Lei at Gyn na sumunod sa bar na sinabi niya ngunit tumanggi ang mga ito dahil may ginagawa ang mga ito.
"Here we go again. Mag isa na naman ako." Aniya sa kanyang sarili. Napagpasyahan niyang makiparty sa gitna ng dance floor. Todo hataw siya sa pagsayaw kasama ang mga hindi niya kilalang tao na nandodoon. Nang mapagod ay bumalik siya sa kanyang upuan at ininom ang vodka na inorder niya. Makalipas ang ilang oras ay nakakaramdam na siya ng pag iinit sa katawan dulot siguro ng alak na ininom niya. Hanggang sa nakaramdam siya ng pagkahilo. Nasa ganoon siyang sitwasyon nang may lunapit sa kanyang lalaki. Hindi niya ito mamukhaan dahil nanlalabo na ang kanyang paningin dahil sa sobrang pagkahilo.
"Dito ka pala naglalagi." Aniya ng lalaki sa pamilyar na boses.
"Paki mo b-ba?! U-umalish ka nga sha haraf kho!" Lasing niyang turan.
"Lasing ka na ata." Aniya nito sa kanya. Sasagot na sana siya nang hindi na niya nakayanan ang pagkahilo kung kayat napatungo siya. Maya maya lamang ay naramdaman may umakay sa kanya at ramdam niyang isinakay siya sa sasakyan. Pagkapasok ay agad siyang dinalaw ng antok at tuluyang nakatulog sa sobrang kalasingan.
BINABASA MO ANG
Got To Believe In Magic (Series 4)
RomanceMataray, suplada, bully, at maarte. Ilan lamang iyan sa mga deskripsyon kay Juliana bilang isang Campus Queen Bee mula high school hanggang sa tumuntong siya sa college. Alam niyang may pagka magaspang ang kanyang ugali at inaamin niya iyon. Pero sa...