Chapter 4: The Annoying Cousin

16 2 0
                                    

Mag isa siyang nakaupo sa isa sa mga upuan sa loob ng gymnasium. Iniisip niya kung paano siya makakalapit kay Phytos dahil matagal na niyang napapansin ang madalas na pakikipag usap ng huli kay Zoe. Naiirita siya sa tuwing makikita ang dalawa. Nagtataka man siya kung bakit malapit ito kay Zoe samantalang si Anndrei naman talaga ang popormahan nito ay hindi niya iyon pinansin pa. Mas higit na tutok siya kung paano mababaling sa kanya ang pagtingin ng binata.

Kasalukuyan siyang may ensayo sa cheerdance para sa nalalapit na laban nila sa susunod na buwan. Lalo niyang ipinagngingitngit ang kaalamang kasama niya si Zoe sa naturang sayaw. Maya maya lamang ay nakita niyang nandoon si Phytos, lalapitan na niya sana ang binata nang dirediretso ito sa lugar ni Zoe. Nasaktan siya sa nasaksihan niya dahil naiisip niya na kahit anong gawin niya ay talagang di siya napapansin nito. Akala pa naman niya noong mga panahong iniligtas siya nito ay may pagtingin ito sa kanya ngunit nagkamali siya. Siya lang kasi ang nag isip nun kaya ngayon ay nakakaramdam siya ng selos.

Pero hindi siya susuko ng basta na lang dahil wala pa siyang gusto na hindi nakukuha. Kaya gagawin niya ang lahat para makuha niya ang binata at mapasakanya ang damdamin nito. Kasalukuyan siyang nakatingin sa dalawa nang may nagsalita mula sa likod niya.

"Ang sweet nila nu?" Aniya ng pamilyar na boses na ikinalingon niya.

"Ikaw na naman?" Naiinis niyang turan dito.

"O bakit? Nag aaral ako dito eh. Natural na makita mo ako dito." Ani ni Kier sa kanya.

"Di mo ba nakikita na nandito ako? So dapat wala ka dito." Mataray niyang tugon dito.

"Wow. Hanep. Iyo ito? Iyo ang lugar na ito?" Natatawang sabi nito habang nakahalukipkip.

"Hindi. Pero ayaw kitang makita. You're getting into my nerves!" Maarte niyang sagot dito.

"Oy. Nag aaral ako dito. Kaya sa ayaw at sa gusto mo makikita at makikita mo ako. Saka wag ka ngang mag inarte, di ka naganda sa inaasta mo." Mahabang litanya nito sa kanya.

"Talaga? Kaya siguro hindi ka nagagandahan sakin dahil hindi naman talaga babae ang gusto mo." Aniya dito na ikinakunot ng noo nito.

"What do you mean?" Anito sa kanya.

"Sus! Kunwari ka pa. Bakla ka. Siguro lalaki ang gusto mo nu. Siguro kaya lagi mo ako inaasar at binabash dahil inggit ka sa ganda ko." Mayabang niyang asta dito.

"So sinasabi mo na bakla ako? Ganun?" Pagkumpirma nito.

"Yeah. Bakla di ba?" Nang aasar niyang turan dito.

"Ulitin mo nga?" Anito sa kanya.

"Bak----" di na niya natuloy ang sasabihin dahil bigla siya nitong hinalikan. Nang mga oras na iyon ay di niya malaman ang gagawin. Para siyang naestatwa sa ginawa nitong paghalik. Malambot ang labi nito at banayad lang ang ginawa nitong paghalik sa kanya.

Nang maramdaman niyang naghiwalay ang mga labi niya ay di parin siya nakahuma sa ginawa nito. Para siyang computer na nag hang dahil sa ginawa nito. Hindi agad nag function ang kanyang isip dahil sa totoo lang ay nagustuhan niya ang ginawa nitong paghalik. Hanggang sa naisip niyang ninakaw nito ang kanyang first kiss na isinesave niya para kay Phytos.

"Masarap ba halik ng bakla?" Anito sa kanya na ikinalingon niya dito. Nakita niya ang nanunudyo nitong tingin. Ngunit hindi parin siya maka react.

"Kung gusto mong mahalikan ulit. Sabihan mo lang ako. Willing akong ibigay sayo ng libre." Anito sabay kindat sa kanya na ngayon nakapagpatino sa kanya.

"Kapal ng mukha mo! Bakit mo ako hinalikan?!" Aniya dito sabay hampas dito sa balikat.

"Hala. Late reaction." Natatawa nitong turan.

"How dare you! Bastos!" Akma niya itong sasampalin nang masalag nito ang kamay niya at bigla siya nitong hinapit palapit dito.

"Iyan ang wag mong gagawin sakin. Mabait ako at pasensyoso. Pero pag ako sinagad kahit babae ka pa papatulan kita." Anito sa kanya na ikinasalubong niya ng kilay.

"Pinagbabantaan mo ba ako? Pwes di ako natatakot sa iyo nu!" Matapang niyang sagot dito.

"Tapang mo din eh nu." Anito sa kanya.

"Oo. Talaga. Matapang ako. At lalabanan kita kahit mas malaki ka pa sakin!" Aniya dito na ikinangisi nito.

"Baka nakakalimutan mo, pinsan ako ni Phytos, isa din ako at kabilang sa emperyo ng mga Ramirez. Kaya kahit maimpluwensya din ang pamilya mo, kayang kaya parin kitang tirisin. Kaya wag kang magsisiga siga dito. Alam ko na ang mga kamalditahang ginagawa mo. Kayang kaya kitang isuplong sa office." Mahabang turan nito sa kanya.

"Hindi ako natatakot sa iyo. Alam ko naman na hanggang banta ka lang." Aniya dito at binawi ang mga kamay dito at lumayo ng kaunti.

"Talaga? Sige pakitaan kita ng ebidensya." Anito sa kanya at nagsimula itong buksan ang cellphone nito at nang siguro nahanap nito ang nais ipakita nito sa kanya ay agad itong ipinakita. Nagulat siya sa nakita dahil isa iyong litrato kung saan sinabunutan niya doon si Anndrei at iba pang mga schoolmate nila.

"Pano mo nakuha yan? Stalker kita nu?" Tanong niya dito.

"Anong stalker pinagsasasabi mo? Kung may istalk man ako hindi ikaw yun nu. Asa ka pa." Natatawang sagot nito.

"Kapal ng mukha mong sabihin sa akin yan! Burahin mo yan! Dahil kung hindi---" naputol ang sasabihin niya nang sumabat ito.

"Dahil kung hindi ano? Anong gagawin mo?" Tanong nito sa nakakalokong tingin.

"May alas ako. Kaya kapag tinarayan mo ako o gantihan ako. Wala kang laban sakin." Nang aasar nitong sabi.

"You asshole!" Nanggigigil niyang turan dito.

"O siya una na ako Ms. Feeling. Ngumiti ka baka maging gift wrapper yang mukha mo." Nang aasar nitong sabi sa kanya at umalis nito. Paglingon niya sa direksyon nina Zoe at Phytos ay wala na ang dalawa doon. Kaya naman naiinis na naupo siya sa upuan niya katabi ang mga gamit. Napagdesisyunan niyang wag nang magpractice dahil bad trip siya. Babalik na lamang siya sa classroom. Nang inaayos na niya ang gamit ay may nakita siya malapit sa bag niya.

"Cookies?" Tanong niya sa isip. Napansin din niyang may nakadikit na note. Tiningnan niya iyon at nagbaka sakaling may pangalan ng nag bigay. Ngunit walang nakalagay bagkus ay isang quote ang nabasa niya doon.

Always put a smile on your lips, 'cause it makes sweeter than sweets.

Nagpalinga linga siya dahil sino kaya ang mag aabot sa kanya ng ganoon. Wala naman siyang natatandaan na may ibinigay sa kanya si Phytos. Ngunit napangiti siya sa naisip.

"Di kaya si Phytos ang nagbigay?" Aniya sa isip. Kaya napagdesisyunan niyang magpasalamat dito mamaya dahil sa ibinigay nitong cookies na nasa magandang garapon. Sinisiguro niyang itatabi niya iyon dahil first time niyang makatanggap ng regalo mula sa lalaking pinapantasya niya. Kaya naman masaya siyang nagbalik ulit sa practice dahil naging maganda ang mood niya.

Got To Believe In Magic (Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon