Matapos kumain ay inaya siya ni Kier na sumakay sa Ferris Wheel. Noong una ay ayaw niya dahil napakataas nito at nalulula siya sa nakikita niya sa baba. Pero mapilit ito at napasakay siya sa di malamang dahilan.
"Di ba maganda?" Anito sa kanya.
Napalinga siya taas at sa mga tanawin na nakikita niya. Nasiyahan siya sa nakita dahil puro ilaw at liwanag ang nakikita niya mula sa mga nagtataasang mga gusali sa kanilang siyudad.
"It's perfect." Aniya na lamang niya.
"Yeah. And beautiful." Narinig niyang tinig nito. Maya maya lamang ay lumingon siya dito. Nakatingin pala ito sa kanya. Di niya alam kung siya ba ang tinutukoy nito o assuming lang talaga siya. Pero kung siya ang tinutukoy nito ay ngayon lamang niya mararanasan na mapuri ng ibang tao nang walang halong kaplastikan. Pero paano ba niya masasabi na sinsero ito kung siya nga ang tinutukoy nito?
"Ang ganda ng lugar nu?" Anito sa kanya.
Sabi na nga ba niya eh. Hindi siya ang tinutukoy nito na maganda, kundi ang mga nakikita nilang tanawin.
"Ah. Oo. Maganda." Pagsang ayon naman niya sa sinabi nito.
"Alam mo dito ako naglalagi kapag gusto kong mapag isa o gusto kong makakita ng magic." Anito sa kanya na nakapagpakunot ng noo niya.
"Magic?" Takang tanong niya dito.
"Yup. Magic. Kasi saglit na nawawala ang mga isipin ko o mga simpleng problema ko sa buhay kapag nakakakita ako ng magic." Mahabang litanya naman nito.
"Magic. As in yung sa mga magician?" Pagkumpirma niya.
"Nope. Ayun oh." Anito sabay turo sa kalangitan.
Nakita niya mula sa kinauupuan niya ang mga bituin sa kalawakan. Kay gandang pagmasdan ang mga ito. Kumikinang ang lahat at wari ba ay kinakausap siya ng mga ito.
"Yan ang tinutukoy ko na magic." Anito sa kanya.
"Eh bakit dadayo ka pa dito? Pwede naman sa parke o sa bubong ng bahay niyo dahil makikita mo rin naman ang mga iyan." Aniya dito na nakapagpangiti dito.
"Siyempre gusto ko kasi yung malayo ako salahat at malapit ako sa sinasabi kong magic. At totoo nga naay magic dahil gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakikita ko ang mga bituin lalo na kapag kumikinang." Anito sa kanya.
Muli niyang pinagmasdan ang mga bituin at dinama ang hangin na nanggagaling sa itaas. Malamig iyon at damang dama niya ang hangin. Hanggang sa nagpasya silang lisanin ang lugar at magdesisyong umuwi na.
Napagkasunduan nila na maglakad lakad muna dahil hanggat maaari ay umiiwas siyang umuwi. Nakabibingi ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa kung kaya't binasag niya iyon sa pamamagitan ng pagtatanong dito.
"Kier, may tanong ako sa iyo." Panimula niya dito.
"Hmm? Ano yun?" Tanong naman nito.
"Mmm. M-masama ba ako?" Tanong dito na ikinagulat nito.
"Bakit mo naman natanong yan?" Balik tanong naman nito sa kanya.
"Wala. Basta sagutin mo." Aniya dito.
Wala siyang narinig na tugon mula dito. Hindi na siya nag abala na sagutin nito ang kanyang tanong dahil alam naman niya ang isasagot nito, na masama ang kanyang ugali at kontrabida sa buhay ng iba, gaya nina Zoe at Anndrei.
"Hindi." Anito sa kanya na ikinakunot ng noo niya.
"H-huh?" Naguguluhan niyang tanong?
"Sabi ko hindi ka masama." Anito sa kanya.
"Tagal pinag isipan ah." Aniya dito na ikinatawa nito ng kaunti.
"Maldita, oo. Masungit, oo. Pero di ibig sabihin nun ay masama kang tao. Lahat ng tao ay may kanya kanyang buti at sama ng ugali. Nasa sa atin lang yun kung alin ang ating paiiralin. Kasi naniniwala ako na lahat tayo ay di likas na masama. May mga pinagdadaanan lang ang iba kaya sila nakakagawa ng mali." Anito sa mahabang litanya.
"Buong buhay ko kasi wala na akong narinig mula sa iba kundi, salbahi ako, masama ako, wala akong kwentang tao kaya kahit alam ko sa sarili ko na wala akong ginagawang masama, pinaniwalaan ko na lang. Tinotoo ko na. Para kung sakaling akusahan na nila ako ng ganun, may dahilan kung bakit." Aniya dito.
Di niya alam kung bakit nasasabi niya dito ang mga hinaing niya sa buhay ng walang pag aalinlangan. Di niya rin alam kung bakit ang bilis niyang mag kwento dito tungkol sa kanya lalo na sa nararamdaman niya.
"Dapat di mo hinayaan ang sarili mo na baguhin ka ng mga naririnig mo mula sa iba. Their words does not define who you are." Di naman kasi mahalaga ang sasabihin ng iba patungkol sayo." Anito sa kanya na ikinalingon niya dito.
"Di mo dapat pinatunayan sa kanila yung mga sinasabi nila tungkol sayo. Dapat hinayaan mo sila na mali sila sa akala nila." Dagdag pa nito.
"Dapat hindi mo rin hinayaan na sukuan mo ang sarili mo." Isa pang dagdag nito sa sinabi nito.na siyang ikinatulo ng luha niya.
"Juliana. Nandito ako. Pwede mo akong maging kaibigan. Pasensya ka na kung inaasar kita nung una pero ngayon nakikita ko na malalim pala ang pinanghuhugutan mo." Anito sa kanya.
Sa di makayanang emosyon na nararamdaman niya ay bigla siyang napayakap dito at humagulgol. Gusto niyang ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. Gusto niya kahit papano ay may masasandalan siya, may kakampi. Kahit ngayon lang.
Buong buhay niya ay wala siyang inasam kundi pagmamahal mula sa iba. Nakukuha niya ang lahat ngunit may mga bagay na kahit bilhin niya ng pera ay hinding hindi niya makukuha. Bagay na kahit kailan ay di niya naranasan, pagmamahal, tiwala, suporta at tunay na kaibigan. Lahat nang iyon ay wala siya.
Minsan naisip niya kung bibigyan siya ng pagkakataon na ipanganak ulit ay sana naging simpleng tao na laman siya para kahit paano siguro ay makakuha siya ng pagmamahal at pagtanggap mula sa iba. Lalo na sa kanyang ina.
"Sige. Iiyak mo lang. Ilabas mo lahat ng hinanakit mo." Anito sa kanya at niyakap siya.
Sa totoo lang ay hinang hina na siya dahil sa bigat ng pasanin niya. Mga pasanin na ang tanging puso niya lamang ang napupuruhan.
"Di naman ako masama." Hagulgol niyang tugon dito.
Maya maya lamang ay biglang gumaan ang kanyang pakiramdam at ubos na ang kanyang luha mula sa kanyang mga mata. Kaya nagdesisyon siyang bumitaw sa pagkakayakap mula dito.
"P-pasensya ka na. Nabasa ko tuloy damit mo." Aniya dito.
"Ayos lang." Nakangiti nitong tugon.
"Wag ka nang umiyak. Simula ngayon may kaibigan ka na. Ako yun." Nakangiti nitong sabi na siyang ikinangiti niya.
Di nila namalayan na nasa tapat na sila ng bahay niya. Ngayon niya naramdaman ang pagod sa paglalakad. Pero woth it naman dahil may kasama siya at alam niyang mayroon nang tao na makakaintindi sa kanya.
"Layo ng nilakad pala natin." Anito sa kanya.
"Oo nga eh." Nahihiya niyang pag sang ayon.
"Paano ba yan. Uuwi na ako." Sabi nito sa kanya.
"Oo sige. Gabi naman na. Maraming salamat sa lahat." Aniya dito.
"Yan. Ganyan. Ngumiti ka lagi at kalma lagi. Wag masyadong mag taray." Nakangiti nitong tugon.
"Ikaw talaga. Sige pasok na ako." Paalam niya. Akma siyang papasok sa loob nang hawakan nito ang kamay niya.
"B-bakit?" Takang tanong niya dito.
Bigla siya nitong hinalikan sa noo niya at lumayo nang kaunti.
"Good night Juliana." Nakangiting sabi nito at nagpaalam na.
Tulala siya nang umalis ito. May kakaibang damdamin siyang naramdaman mula sa halik nito.
BINABASA MO ANG
Got To Believe In Magic (Series 4)
RomanceMataray, suplada, bully, at maarte. Ilan lamang iyan sa mga deskripsyon kay Juliana bilang isang Campus Queen Bee mula high school hanggang sa tumuntong siya sa college. Alam niyang may pagka magaspang ang kanyang ugali at inaamin niya iyon. Pero sa...