Chapter 6: In His Crib

16 3 0
                                    

Nang mag mulat ng mga mata si Juliana ay agad siyang nakaramdam ng sakit ng ulo. Parang binibiyak ang kanyang ulo. Kaya kahit gising na siya ay nanatili siyang nakapikit. Ngunit agad din siyang nagmulat ng mga mata nang mapagtantong kung nasaan siya.

Agad siyang bumangon at nakita niya kung nasaan siya. Hindi pamilyar sa kanya ang lugar kung kayat wala siyang ideya kung nasaan siya. Sinipat niya ang kanyang sarili at napag alaman niyang yun parin ang suot niya. Nakahinga siya ng maluwag nang maisip na walang nangyari sa kanyang masama. Ngunit nagtataka siya kung saan siya naroroon.

Paglingon niya sa kanang bahagi ng kwarto ay may pagkain na doon. Agad niyang iniabot ang pagkain at humigop na din ng mainit na kape. Nakita niya sa tray na may iniwang note na nagsasabing pwede siyang gumamit ng banyo kung gugustuhin niya. Kaya naman ay kinuha niya ang nakahandang tuwalya at dumeretso sa loob.

Matapos makaligo ay napansin din niyang may nakahanda ding damit kaya naman sinuot niya iyon. Matapos makapag ayos ay sinimulan niyang kainin ang agahan na nakahain kanina. Nasa kalagitnaan siya ng agahan nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang isang matandang babae at nakangiti itong lumapit sa kanya.

"Gising ka na pala hija. Mabuti at kinakain mo ang inihain ko." Aniya ng matandang babae.

"M-maraming salamat po." Aniya dito.

"Ay naku. Ginawa ko lang ang trabaho ko. Kay Señorito ka magpasalamat." Anito sa kanya na ipinagtaka niya.

"S-señorito?" Takang tanong niya.

"Oo nga pala. Si Señorito kasi ang nag uwi sa iyo dito kagabi. Lasing na lasing ka. Ano ka ba namang bata ka. Kababae mong tao nag iinom ka." Mahabang litanya nito sa kanya.

"P-pasensya na po." Aniya sa nahihiyang tono. Oo nga naman kababae niyang tao nag iinom siya paano nga naman kung may mangyari sa kanyang masama.

"Si Señorito nga pala ay nasa bakuran, doon nag aalmusal. Kung gusto mo siya makausap. Puntahan mo na lamang siya doon." Anito sa kanya at nilisan na nito ang kwarto. Nang matapos kumain ay inayos na niya ang kanyang sarili at binitbit ang kanyang bag. Agad siyang dumeretso sa sinasabi ng matandang babae. Nang sapitin niya ang bakuran ay nakita niya ang nakatalikod na lalaki. Napakunot ang noo niya dahil parang kilala niya ang lalaki na nandodoon. Nang humarap ito sa kanya ay nanlaki ang kanyang mga mata. Si Kier.

"I-ikaw?" Wala sa loob na nasambit niya kung kayat napalingon ito sa gawi niya.

"Oh. Gising ka na pala." Anito sa kanya.

"Ikaw ang nagdala sakin dito?" Maang tanong niya.

"Oo. Nakita kita kagabi. Wala ka bang naaalala?" Tanong nito sa kanya. Sa sobrang gulat niya ay napailing siya.

"Well hindi ko alam ang bahay mo kaya dinala kita dito sa bahay." Anito sa kanya. Sa sinabi nito ay napawalang kibo siya dahil tinulungan siya ng lalaking kinaiinisan niya.

"Wala man lang bang thank you diyan?" Anito sa kanya na siyang ikinalingon niya.

"T-thank you. Mauuna na ako." Anito sa kaswal na salita at agarang tumalikod dito.

"Wow. Hanep! Yun lang sasabihin mo? Parang hindi naman galing sa puso ang pagsasabi ng thank you." Anito na tila nang uuyam.

"Eh ano pa ba sasabihin ko?" Mataray niyang tugon dito nang lumingon siya dito. Lumapit ito sa kanya na siyang ikinaatras niya.

"Sa susunod. Wag kang iinom kung di mo kaya ang sarili mo." Anito sa kanya.

"Pakialam mo ba? Buhay ko ito. Kaya pabayaan mo ako." Aniya dito sabay talikod.

"Wow. Galing. Ikaw pa galit. Ako na nga ang tumulong ikaw pa may ganang umasta ng ganyan." Sabi nito sa kanya.

"Alam mo naman na hindi tayo in good terms di ba? Kaya dapat hindi mo sana ako tinulungan." Aniya dito at dirediretsong umalis sa bahay nito.

"Kainis! Nagkaroon pa ako ng utang na loob sa lalaking iyon." Naiinis niyang sabi sa sarili. Nang makalabas ng mansyon na tinitirhan nito ay nakita niya mula sa kinatatayuan niya sa labas kung gaano kalaki ang bahay nito o mas tamang sabihing mansyon. Naisip niyang kahit maimpluwensya ang pamilya niya ay wala paring binatbat iyon sa pamilya nina Phytos at Kier. Kabilang talaga ang mga ito sa sinasabing Alta Sosyedad.

Nang makakita ng masasakyan ay agad na nagpahatid siya sa kanilang bahay. Napansin niya ang kanyang suot. Napaisip siya kung bakit parang sakto sa katawan niya ang damit na ibinigay nito sa kanya. Naisip din niyang may kabaitan din pala ang mokong na iyon dahil kahit alam nito na maldita siya ay tinulungan siya nito dahil lango siya sa alak. Sa bagay na iyon ay napailing siya. Hindi dapat siya nagpapadala sa magandang ipinakita sa kanya ni Kier dahil baka gamitin nito iyon upang makaganti sa kanya.

Nang sapitin na niya ang tahanan ay agad na binati siya ng mga kasambahay nila. Agad niyang tinanong sa mga ito kung nasaan ang kanyang ina. Sinabi ng mga ito na hanggang sa sandaling iyon ay hindi pa ito nalabas ng silid nito. Binilinan na lamang niya ang mga ito na hatiran ng pagkain ang kanyang ina at agad na nagtungo siya sa kanyang silid. Nang sapitin niya ang kanyang silid ay agad na nahiga siya. Tinitigan ang kisame ng kanyang kwarto at inisip ang nangyari kagabi. Di niya lubos maisip na sa dinami dami ng tao na tutulong sa kanya ay si Kier pa. Si Kier na walang ibang ginawa kundi sirain ang araw niya. Talagang magkaiba ito at ang pinsan nito.

Kung titingnan ay gwapo naman din si Kier. Matangkad, maganda tikas ng katawan, laging nakangiti, clean cut ang buhok na bumagay dito. Lalaking lalaki ang dating. Ngunit hindi ito ang tipo niya. Type niya ang mga katulad ni Phytos, para itong prinsipe sa paningin niya. Ito lamang ang lalaking tanging nagpatibok ng puso niya kung kayat ginagawa niya ang lahat mapasakanya ito. Maya maya ay bigla na naman niya naisip si Kier.

"Bakit ka ba pumapasok sa isip ko?!" Aniya sa sarili. Naiinis siya dahil nakikita niya ang nakakabuwiset nitong mukha na tila nang aasar pa. Siguro ay nasanay na siya na ang naging routine nito sa kanya ay buwisitin siya.

Maya maya ay nakatanggap siya ng texts mula sa mga kaibigan niya niyaya siya ng mga ito na mag shopping. Napasimangot siya. Naisip niya kasi na kagabi na kailangan niya ang mga ito ay wala ang mga ito tapos ngayon bigla siyang yayayain. Hindi na niya sana papansinin ang chat ni Gyn nang biglang nag chat si Lei na nakita nito si Phytos at pinapapunta siya. Kaya naman automatic na nagpalit siya ng damit at gumayak na paalis ulit. Gusto niyang makita si Phytos para kahit papaano naman ay gumanda ang kanyang mood.

Got To Believe In Magic (Series 4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon