Chapter 7

8 0 0
                                    

"How would you know if the person is slightly mad at you?"


I'm here at KFC with Slate and Jio. We accidentally had the same vacant time, though si Slate nag cut ng class dahil tapos naman na daw sila sa defense nila. So we decided to eat here dahil nandito na si Jio at sumunod lang kami.


"That's simple, Nads. Ask him, or her," I glared at Slate for what he said.


"Wow, thanks for your informative answer, Slate." I rolled my eyes at him then looked at Jio. I know Jio would be answer it correctly.


"Please," napailing si Jio dahil sa pagpupumilit ko.


"You would know if the person is slightly mad at you if they didn't message you. Or they did message you, but it was cold."


Confirm! Nagtatampo nga sa'kin si Aiden. Ilang araw niya na akong hindi kinukulit. I asked him once kung may gimik ba kami nung Wednesday but he said he was busy. Gusto kong isipin na busy siya pero nabobother kasi ako dun sa huling pagkikita namin. Para siyang nagmamadali umuwi. Inoffer ko pa siyang mag sleep over no'n dahil mahaba haba ang byahe namin pero humindi siya. Iniisip ko pa naman no'n papayag siya.


Pero what if kung busy nga lang talaga siya? Hindi naman kasi talaga required na lagi lagi kami gumimik. Hindi naman kami kinukulit ng mga managers namin so I assume hawak parin namin ang oras namin.


"If you are bothered, Nads. That means the person you wondering is slightly mad at you. You can feel it naman." Jio added. I swallowed hard when he mention it. He has a point, he is always having a point.


"That's right! Nakalimutan mo na bang nagtampo ako sayo no'n nung nireject mo ko? That's too childish I know, ouch yun ah. Pero we're cool na." Slate winked at me after he confessed that he was actually "nagtampo" because I rejected him. Kung hindi niya nga aaminin sa'kin yun ngayon, iisipin ko parin na umiiwas lang siya sa'kin noon para makalimutan niya ang infatuations niya sa'kin.


I'm still thinking of him hanggang sa pag uwi ko. I came home early, nagulat pa sa'kin si Altheo nang makauwi ako ng maaga. Usually kasi, midnight na talaga ako nakakauwi tuwing Friday. Pero nag pass muna ko kina Slate dahil nga may last interview ako bukas sa Nielson's.


Hindi ko dapat siya pinoproblema. Ano naman kasi kung hindi niya ako pansinin? Kung nagtatampo siya, anong kasalanan ko? Geez, Aiden is still being Aiden parin talaga, he is so unpredictable.


"Hindi na pala ako kakain ah, cook for yourself na lang." I reminded Altheo before I went upstairs.


Lagi lagi kong chinecheck ang ig stories ni Aiden. Lagi lang naman siyang nasa condo niya. Tapos sometimes sa outside siya nagbebreakfast. I know I'm being stalker na pero I want to assure myself na busy lang talaga siya pero wala akong nakikitang pictures niya na nagwo work siya. Or baka naman kasi hindi niya iniistory ang work niya or kahit yung errands niya. Geez, this is crazy!


10am start ng last interview ko sa Nielson's. Balak ko pang puntahan si Aiden kaya maaga ako nag asikaso para hindi rin ako ma-late sa interview ko. I choose to wear sky blue choker dress na may sleeves hanggang siko at above the knee ang haba, nag white stilettos ako para presentable ako tignan. After I put make up, I curled my hair and then I prepared my things at nilagay iyon sa shoulder bag ko. Hinanda ko lang yung folder ko at nagsuot ng accessories. Tinignan ko muna ulit ang sarili ko sa salamin bago ako umalis.

A Dare to TestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon