Prologue

85 0 0
                                    

"Tonight, we are celebrating Philippine annually event that honors the country's top influencers that filled with an impact in the digital spheres within their respective fields."


All of us are chill down in our seats when the two hosts started the event. Sakto lang ang dating ko na akala ko pa ay malelate ako. I don't want to be late in this prestigious event. Pangalawang beses ko na itong naka-attend sa E-bloggers ball. Yung una, pinilit ako ng isa kong friend na vlogger din na si Ciara na umattend ako. Pero ngayong taon isa na ako sa mga na-nominee sa isang category. Though I don't expect na mapapasama ako sa nomination ng Breakthrough Influencer of the year. Kaya ganto na lang ako kaexcite na umattend ngayong taon even though I hate social gatherings.


"Nadia? Is that you?" a girl approach me all of a sudden, nanlaki ang mata ko kaya agad ko siyang niyakap.


"Omg! Nadia, you looked gorgeous tonight. Ang sexy mo talaga. 'Di mo man lang sinabi sa'kin na aattend ka ngayon girl."


This is Therese, my girl-friend journalist. Hindi siya vlogger sa kadahilanang ayaw niya sa harap ng media at gusto niya ay nasa likod siya nito. And she's here with her team to cover everything what's happening in show business. Sobrang totoo at mabait siya kaya I can say that she's a good friend of mine kahit pa bihira lang kami magkita dahil nga sa trabaho niya.


"Halika, we'll take a picture of you. Don't worry, gagawan kita ng magandang review, aba, minsan ka lang umattend sa mga ganito. Kaya dapat pasabog din ang gagamitin kong story sa'yo." Then we laughed.


Paano ba naman kasi, I show off my curves with tonight's big event, a glittery red gown, with a little revealing part on my chest and backless, a see through part in my arms and thigh-high slit. I made my hair into messy bun para medyo glamorous ang dating.


Nagpaalam na din ako sakanya nung sinabi kong kailangan ko ng pumasok. Iningatan ko na hindi ko maapakan ang gown ko dahil sobrang mahal nito. Talagang ginalingan ng designer ko para sa gown na 'to. Kaya dapat lang I give credits to them by fixing my walk and show to everyone how my gown is so flawless.


Later on, nakita ko na yung iilan na kaibigan kong mga vlogger din, even Ciara, agad niya ako kinawayan para makalapit ako sakanila.


When we settle down, tumabi siya sa'kin para makinig sa sinasabi ng host. May iba pa kaming kasama sa table, sila yung mga totally nakaka collab ko or di kaya friend ko din. Si Ciara naman, lahat kilala nito at napaka friendly kaya walang problema sakanya na tumabi siya sa'kin.


"I almost forgot, na-nominee ka ngayong gabi. Shiz, sana manalo ka Nadia." Ciara commented.


Hindi talaga ako umaasa na manalo pa do'n, nang makita ko kung sino yung ibang nominees do'n ay alam kong wala ng chance. Okay na sakin na may short exposure ako mamaya, kaya hindi din sayang ang suot ko.


Everything went smooth, may iilan akong nakikitang nagvo-vlog habang may nagpe-perform sa stage. Ako naman, pinili ko na lang na hindi mag vlog ngayon kasi I want to enjoy this moment. Lalo na nung binigyan kami ng time makipag usap pa sa ibang influencers. Though ang awkward para sa'kin kasi hindi naman talaga ako friendly, I mean I'm not good at making friends, it was awkward for me to handle strangers, pero kaya ko parin makipag jamming basta I have Ciara with me or anyone na ka-close ko talaga.

A Dare to TestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon