« « » »
A glint of present
"Are you sure we're not missing?" Tanong ko kay Jaycee. Batay sa tagal ng byahe namin, dapat ay malapit na kami ngayon pero wala akong makitang familiar sa dinadaanan namin.
"Of course. Naaalala ko pa ang daan papunta roon," kunot-noo niyang sagot. "It's been years, Sol. Ine-expect mo ba na walang magbabago?"
Parang doon lang ako natauhan sa sinabi niya. Kumabog ang dibdib ko. Muli akong tumingin sa dinaraanan namin. A few minutes after that, wala paring familiar sa lugar na nakikita ko.
Nakaramdam ako nang kaba nang dahil doon. Hindi ko naisip na posible ngang magbago ang lugar na iyon kaya't natatakot ako ngayon sa isipang hindi ang lugar na nakatanim sa puso at isipan ko ang madadatnan namin.
"Please, please don't change..." mahina kong hiling habang tumitingin sa labas ng bintana. Pero gaya nang ilang hiling ko noon, hindi natupad ang gusto kong mangyari.
Lumabas ako ng sasakyan ng huminto na iyon. Hindi ko inaalis ang paningin ko sa paligid. Pinaka-titigan ko ang lugar na para bang magbabago ang nakikita ko kung tititigan ko iyon ng matagal.
"I expected for the changes... but not this much," mahinang sabi ni Jaycee na kakalabas lang ng kotse. Mukhang maging siya ay hindi nasisiyahan sa pagbabagong nangyari.
Ang dating malawak na bukirin sa harap ng bahay-matanda na tinitirhan namin ay wala na. Pinatayuan na iyon ng malaking bahay. Maging ang daanan na dati ay lupa, sementado na ngayon.
"This is heartbreaking," may bahid ng lungkot sa mukha niya nang bumaling sa 'kin. "Do you still want to stay here? Wala akong makitang lugar na hindi nagbago. This place is too unfamiliar, Sol."
Wala sa sarili akong napatingin sa pinakadulo ng kalye kung nasaan ang lugar na naging ikalawang pahingaan ko noon. Nagkaroon ako ng maliit na pag-asa nang matanaw ang mga naglalakuhang puno kung saan ko naaalalang naka-pwesto ang gubat.
"We'll stay, Jace. Hindi pa natin masyadong nakikita ang buong lugar. We still didn't reached the center of the town. Umaasa akong may ilang lugar dito na hindi pa nagbabago."
"I can't agree with that. Lahat ng nadaanan natin, wala akong nakitang hindi nagbago. Mahirap mang sabihin pero sa palagay ko, maging ang plaza ay ganoon din. Buti nalang, hindi natin tuluyang iniba ang bahay-matanda."
Kung alam ko nga lang na ganito ang madadatnan namin, hindi ko na sana pinahintulutang ipa-renovate ang bahay-matanda. I should have let it stay of how it used to be.
"Pumasok na tayo," aya ko sa kaniya. Hindi ko na kayang tumagal pa sa pagtingin sa lugar. Bumibigat lang lalo ang pakiramdam ko.
BINABASA MO ANG
Ashes of Yesterday's Summer
Teen FictionAt the age of 23, Mirasol Espinosa has experienced every hardships in life. Sa kagustuhan niyang makatakas kahit sandali lang sa magulong mundong ginagalawan, bumalik siya sa lugar kung saan siya nakaramdam ng kapayapaan. Mirasol goes back to her b...