« « » »
RealizationPatagilid kong nilingon si Augustus sa tabi ko. Nasa Paraiso na kami ngayon, nakaupo sa tabi ng batis.
Nang makita niya ako kanina, agad siyang umiwas ng tingin at tumalikod sa 'kin. Nakita ko pa ang pagpunas niya sa luha habang naglalakad papasok sa gubat. Tahimik akong tumakbo at sumunod sa kaniya.
Gustung-gusto kong magtanong sa kaniya pero masyado siyang tahimik at seryoso. Simula noong makarating kami dito, hindi niya ako kinakausap o pinapansin, kahit na nasa tabi lang ako at umaaligid.
Bahagya akong umubo para iparating sa kaniya na nasa tabi niya ako, pero wala man siyang naging reaksyon. Para bang walang narinig.
"Ang lamig-lamig ngayon!" may kalakasan kong sabi sabay baling sa kaniya. Napangiti ako ng masulyapan niya ako pero napawi rin ng agaran siyang umiwas.
Napabuntong hininga ako. Kuryoso ako sa nakita ko pero mas mabuti siguro kung hindi ko nalang iyon ipapaalala.
"Kaya pala lagi kang nauuna sa 'kin sa pagpunta dito, ganito ka pala kaagang pumupunta. Sa susunod, aagahan ko na ang gising ko para lang maunahan kita." pauna ko. Nang hindi siya sumagot, dinugtungan ko iyon. "O kaya, dito ako matutulog ng isang gabi para siguradong mauunahan kita. Hindi ako papayagan ni lola pero pipilitin ko siya ng bonggang-bongga!"
Hinintay ko siyang magsalita pero wala siyang imik. Napanguso tuloy ako, lalo na noong matantong ganito rin siya noong una niyang punta dito. Siguro kung magsasalita ako ng magsasalita, sasagot siya?
"Alam mo ba nung isang araw, napagalitan ako ni lola. Nasira ko kasi iyong mga orchids niya na nakasabit sa isang puno namin. Ilang hampas din ng walis timbo ang ginawa niya kaya... umiyak ako." Hindi pa ako natatapos pero nakita ko na ang bahagyang pagbuga niya ng marahas, sanhi kung bakit bumagal ang pagkakasabi ko sa huli.
Nilingon na niya ako ngayon pero mas hinihiling ko na sana ay hindi nalang. Hindi siya mukhang galit pero may kakaiba siyang reaksyon na dahilan sa pagkakaba ko. Bahagyang nakaangat ang gilid ng labi niya na parang nakangiti pero hindi ko ramdam na masaya siya, pakiramdam ko pa nga ay naiirita siya.
"B-bakit? galit?"
"If you're saying that to make me feel good, stop it. I don't feel any good right now. Why don't you just shut your mouth up? It'll help me more than your nonsense words." matigas niyang sabi. Sa pagkabigla ko, hindi ako nakakibo at napatulala lang sa mukha niya.
Walang emosyon siyang tumawa. "You don't understand? You want me to translate it for you? Okay! Kung sinasabi mo sa 'kin ang mga walang kwentang bagay na iyan para mapagaan ang loob ko, itigil mo na. Mas naiirita lang ako sa mga sinasabi mo. Kung gusto mong makatulong sa 'kin, itikom mo iyang bibig mo. Huwag kang umakto na parang alam mo ang nararamdaman ko dahil sa totoo lang, wala kang alam. Huwag kang masyadong pakialamera." walang pagdadalawang isip niyang sabi.
Naramdaman ko ang pagtusok ng kung anong patalim sa puso ko nang marinig ang sinabi niya. Mariin kong kinagat ang ilalim kong labi at kumurap ng ilang beses para mapigilan ang luhang gustong tumulo sa mga mata ko. Masakit na iyon sa unang pagkasabi niya pero mas nasaktan pa ako sa ikalawa.
Gusto kong magalit sa kaniya. Sigawan siya ng buong lakas, suntukin, sabunutin at pagtatadyakan pero hindi ko magawa dahil bumabalik sa alaala ko ang hitsura niya at ang mga sinabi niya kanina sa mama niya.
BINABASA MO ANG
Ashes of Yesterday's Summer
Fiksi RemajaAt the age of 23, Mirasol Espinosa has experienced every hardships in life. Sa kagustuhan niyang makatakas kahit sandali lang sa magulong mundong ginagalawan, bumalik siya sa lugar kung saan siya nakaramdam ng kapayapaan. Mirasol goes back to her b...