AOYS | 8 |

30 3 0
                                    

« «  » »
Boy friend

"Sol, huwag ka munang aalis ng bahay bukas. Dadalaw ang tita Lucia mo, iiwan niya dito sila Jace," anunsyo ni Lola habang kumakain kami ng hapunan.

"Ano namang kinalaman ng pag-alis ko do'n, lola?" Busangot kong tanong. Inayos ko rin agad ang ekspresyon ko ng makita ang nagbabantang tingin ni lola.

"Eh lola kasi, bukas namin itatanim ni Augustus 'yung mga sunflower. Kailangan kong pumunta bukas." Dapat nga ay kaninang umaga kami magtatanim pero wala pa iyong mga buto kaya napagpasyahan naming bukas nalang.

"Aba bakit? Kailangan ba ng dalawampung daliri para maibaon ang mga iyon? Pwede namang siya nalang ang magtanim."

Marahas akong umiling sa sinabi niya. "Lola, ayoko! Gusto ko kasama ako kapag naitanim ang mga iyon. Excited nga ako ng malaman kong pwede ulit akong magtanim no'n eh!"

"Madalang na nga lang kung magpunta ang mga pinsan mo ngayon kaya dapat nandito ka. Samahan mo silang maglaro. Hindi ba't dati pa naman ay sila ang madalas mong nakakasama?" pamimilit niya.

"Hindi naman maiinip sila Jace dito, 'la. At malamang din ay hindi mananatili sa bahay ang mga iyon. Di-diretso sila sa plaza para maglaro kasama nina Kenneth," tukoy ko sa mga kalaro namin noon.

"Hindi pwede. Mananatili kayo dito sa bahay. Aba'y nung nakaraan lang may nabalitang nasagasaan doon sa may palengke. Dito lang kayo maglalaro," pinal niyang sabi.

Ilang beses ko pa siyang pinilit pero talagang hindi na magbabago ang isip niya.

Ano ba iyan! Lagi nalang kapag nae-excite ako, hindi laging natutuloy. Nakakairita naman kasi! Bakit bukas pa nila naisipang pumunta? Iyong bwisit na Jace na iyon, wala na namang gagawin niyan kung hindi ang mang-asar!

Kinabukasan pagkagising ko ay napatunganga lang ako. Nitong mga nakalipas na buwan ay nasanay akong maagang nagigising para pumunta sa paraiso.

Nasa gubat na kaya si Agusto? Mga ganitong oras kasi ay alam kong pumupunta na siya roon eh.

Bagsak ang balikat kong lumabas ng kwarto. Nadatnan ko si lola na naglalapag ng pandesal sa lamesa mula sa nakabisikletang naglalako sa labas. Kumuha ako ng dalawang piraso at dumiretso sa bakuran. Napagpasyahan kong tumambay muna sa taas ng punong bayabas.

Inakyat ko ang puno habang kagat-kagat ang dalawang pandesal. Umupo ako sa may sanga at kinain ang mga pandesal. Napapikit ako ng tumama ang malamig na simoy ng hangin sa mukha ko. Bahagya ko ring inayos ang kulot kong buhok ng liparin iyon at nagulo.

"Ay, may unggoy." Sinundan iyon ng nangungutyang tawa. Nilingon ko ang tabing bahay namin at nakita si Leizel na tumatawa habang tinatanaw ako sa puno.

"Oh, Leizel. Ikaw pala," kaswal kong bati.

"Ang tagal ko na ring hindi nakakakita ng unggoy diyan sa puno. Saang lupalop ka nagpu-pupunta ah?" Pinag-ekis niya ang mga kamay niya.

"Ah. Diyan lang sa mga damuhan. Bakit?  Na-miss mo 'ko?" Sagot ko ng hindi pinagtutuunan ng pansin ang sinabi niya. Nasanay na rin kasi ako sa ugali niya. Tinawanan ko nalang siya ng tignan niya ako ng may pandidiri.

Ashes of Yesterday's SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon