THE GOAL

23 0 0
                                    

Paano ba gumawa ng GOAL?

Kapag nakita mo ang magandang bahay ng iyong kaibigan, nakakaramdam ka ng inggit. Sasabihin mo sa sarili mo, "Balang araw, magkakaroon din ako niyan!" 

Iyan ang tinatawag na WISH!

Umuwi ka ng bahay at nakita mo ang barong-barong niyo. Maliit lamang iyon at ang lawak niyon ay katumbas lamang ng kwarto ng kaibigan mo. Magkakasama na ang kusina at tulugan sa sala ninyo. Ang tanging may division lamang ay ang CR. Umupo ka sa papag at pumikit. Inisip mo na nakaupo ka sa malambot at malawak na kutson ng sarili mong kwarto sa kaliwang bahagi ng maluwang at marangyang bahay niyo. 'Yan ang tinatawag na DREAM!

Iminulat mo ang mata mo at nagkaroon ng desire ang puso mo. Sinabi mo sa sarili mo, "Magkakaroon ako niyan!"

Dali-dali kang tumayo at nag-search ka sa internet ng bahay na gusto mo. Inalam mo ang presyo at ang mga detalye para makakuha ang ganoon kagarang bahay. Nagbilang ka ng taon para maisakatuparan iyon. At sinabi mo sa sarili mo,

"Bago ako tumuntong ng edad na 25, magkakaroon ako ng dalawang palapag na bahay sa Makati. Kulay krema iyon, may tatlong kwarto, may malawak na sala, may magandang kusina, at may magarbong banyo. Iyon ang pangarap ko!"

Iyan ang tinatawag na GOAL!

Precise, with time-frame, and realistic!

Ngunit paano mo ba makakamit iyon?

THE ROADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon