Ang mga SUCCESS VEHICLES ay ang mga pamamaraan mo para makamit ang iyong pangarap.
Ito ay maaaring sa pamamagitan ng pagta-trabaho sa isang kompanya, pagtatayo ng negosyo, investment, o pag-aalok ng serbisyo ayon sa skills mo. Ito ang mga paraang kaya mong gawin para makarating ka sa ituktok ng iyong pangarap.
Makakadagdag din sa pag-abot mo ng pangarap ang mga talento mo o ang mga karagdagang skills mo. Mainam na kilalanin mo ang iyong sarili. Importanteng alam mo ang iyong mga kakayahan at kahinaan. Ang mga ito ang magdadala sa iyo sa tagumpay..
Para naman sa mga walang talento o skills, mainam na magdagdag ka ng kaalaman sa iyong sarili. Maraming mga short courses na ino-offer ngayon. Mayroon ring free training and seminars na inaalok ang gobyerno at iba pang pribadong institusyon para makadagdag sa iyong skills. Ang internet ay bukas rin para sa pagsaliksik ng mga bagong kaalaman at pamamaraan.
Maraming pamamaraan sa loob at labas ng teknolohiya. Kailangan lamang ang iyong tiyaga at interes na matuto. Growth doesn't ends with puberty. It's a ifetime chalenge! Ika nga, kapag ginusto mo ang isang bagay, MARAMING PARAAN!
Ngunit paano mo nga ba magagawa ang lahat ng ito?
BINABASA MO ANG
THE ROAD
RandomSabi ni God, share your blessings! Ito lang po ang pamamaraang alam ko para makatulong sa mga taong.... may PANGARAP may AMBISYON may HINAHANGAD at sa mga taong patuloy na UMAASA para sa kanilang Pangarap!