Sa daang iyong tatahakin, marami ang magsasabing, hindi mo kaya. Marami ang magsasabing, itigil mo na. Marami ang magsasabing, malabo 'yan. Ngunit papakinggan mo ba ang mga ito at basta-basta na lang susuko?
Dito masusukat kung gaano ka katatag sa iyong pangarap. Kung gaano kalalim ang kapit mo sa iyong pangarap. Kung gaano ka ka-determinadong matupad ang iyong pangarap. Ito ang tinatawag na perseverance.
Ngunit kaakibat ng perseverance ay ang pagharap mo sa iyong takot. Takot na harapin ang mga pagsubok na makakasalubong mo sa daan ng iyong pangarap.
Paano ka nga naman makakapagpatuloy sa iyong pangarap kung may takot ka? Paano ka uusog sa iyong nilalakad kung natatakot kang humakbang? Paano ka tatawid patungo sa iyong pangarap kung natatakot kang lumundag? Saan ka ba natatakot, sa UNKNOWN? Eh saan ka ba matututo, diba sa UNKNOWN din?
BINABASA MO ANG
THE ROAD
RandomSabi ni God, share your blessings! Ito lang po ang pamamaraang alam ko para makatulong sa mga taong.... may PANGARAP may AMBISYON may HINAHANGAD at sa mga taong patuloy na UMAASA para sa kanilang Pangarap!