Kasama rin sa mga katangian na nararapat para sa iyong pangarap ay ang LAKAS NG LOOB!. Dapat buo ang iyong kalooban na harapin ang anumang pagsubok na dumating. Dahil mararating mo lang ang kabilang lambak kung susubokan mong tumawid. Mararating mo lang ang tuktok ng bundok kung patuloy kang aakyat.
Isa rin dito ay ang DELAYED GRATIFICATION.
Ito ay ang mga sakripisyo mo para maabot ang iyong pangarap. Minsan dumadating ang mga pagkakataong kailangan mo munang isakripisyo ang mga mahahalagang bagay sa'yo para sa habambuhay na kaligayahan.
Kailangan mo munang tiisin ang kaonting pangunguli, ang kaonting pag-asam, ang kaonting paghihirap, kung ang kapalit naman niyon ay habambuhay na tagumpay at kaligayahan!
Ang pagsubok ay natural lang sa buhay ng tao. Lagi mo lang tandaan na ang buhay ay hindi tungkol sa pagsubok. Ito ay tungkol sa pagharap mo sa pagsubok at sa pagpapatuloy sa kabila niyon. Ang buhay ay tungkol sa mga hakbang mo. Ang buhay ay tungkol sa pagpu-pursige mo. Ang buhay ay tungkol sa kabuoan ng kalooban mo. Ang buhay ay tungkot sa character mo!
BINABASA MO ANG
THE ROAD
RandomSabi ni God, share your blessings! Ito lang po ang pamamaraang alam ko para makatulong sa mga taong.... may PANGARAP may AMBISYON may HINAHANGAD at sa mga taong patuloy na UMAASA para sa kanilang Pangarap!