Pumikit ka at isipin mo ang dahilan ng iyong pangarap. Bakit ka ba nangarap? Para saan? Para kanino? Bakit??
Ang dahilan mo ang magbibigay sa'yo ng lakas ng loob na magpatuloy. Ang dahilan ng iyong pangarap ang magpapatibay sa'yo. Ang dahilan mo sa pangarap ang magpapakapit sa'yo. Ang dahilan mo ang magtatayong muli sa'yo!
Bakit ka nangarap? Dahil ba minsan ka ng nasaktan? Dahil ba minsan kang inalipusta? Dahil ba minsan kang hinamak?
Dahil ba minsan kang naghangad? Dahil ba minsang nawala at gusto mong bumalik?
Dahil ba minsan mo ng naranasan at ayaw mo ng bumalik pa sa ganong kalagayan?
Dahil ba gusto mong makita ang ngiti sa labi ng iyong anak? Dahil ba gusto mong maging masaya ang iyong asawa? Dahil ba gusto mong masuklian ang paghihirap ng iyong mga magulang?
Lahat tayo ay may kanya-kanyang dahilan!
Mga dahilang tumatagos sa iyong puso. Mga dahilang nakaukit na sa iyong puso. Mga dahilang nakatatak na sa iyong isipan. Mga dahilang siya ring nagbibigay sa'yo ng pag-asa at lakas na magpatuloy. Mga dahilang magpapaalala sa'yo na kailangan mong lumaban! Mga dahilang magsasabi sa'yong "TUMAYO KA!" Mga dahilang magsasabi sa'yong "KAYA MO PA!"
Mga dahilang siyang magiging kasangkapan mo sa iyong tagumpay!
IKAW, ANO ANG DAHILAN MO?
BINABASA MO ANG
THE ROAD
RandomSabi ni God, share your blessings! Ito lang po ang pamamaraang alam ko para makatulong sa mga taong.... may PANGARAP may AMBISYON may HINAHANGAD at sa mga taong patuloy na UMAASA para sa kanilang Pangarap!