THE RIGHT PLAN

11 0 0
                                    

Base sa ating sample, ang kita mo bilang empleyado ay inipon mo at ipinang-puhunan mo sa iyong printing shop business.  Ang kinita mo naman mula sa iyong printing shop at trabaho ay muli mong inipon at pinang-bukas ng isang pang negosyo na wine business. Muli, ay inipon mo ang iyong kinita mula sa dalawang negosyo at pinang-invest mo naman sa stocks and real estate. Habang itiinataguyod mo ang mga negosyong ito ay nagsilbi namang maintainance and emergency expenses mo ang kita mo bilang empleyado.

Hindi porke't nakapagtayo ka na ng isang negosyo ay hindi ka na gagastos. Mayroon kang tinatawag na daily expenses at emergency expenses sa negosyo. Kaya't mainam na mayroon kang pagkukuhanan ng expenses na ito habang itinataguyod mo ang iyong negosyo. Sa example natin, ang ginamit mong maintaining expenses ay ang kita mo sa pagtatrabaho bilang empleyado.

Iyan ang tinatawag na TAMANG PAGPA-PLANO. Hindi lamang capital ang iyong paghahandaan, kundi maging ang mga expenses na kaakibat nito.

Ganyan rin sa pagtupad ng iyong pangarap. Hindi lamang ang pagkamit ng tagumpay ang iyong paghahandaan, kundi ang pagtahak sa mga pagsubok na madadaanan mo habang inaabot mo ang iyong mga pangarap.

Nakahanda ka na ba?

THE ROADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon