Hindi masaya ang buhay kung walang spice. Ganyan din ang pag-abot mo ng pangarap. Mas masarap ang tagumpay kung mas marami kang pawis at pagod na ipinuhunan.
Ang ating buhay ay hindi nawawalan ng pagsubok. Kasama na 'yan sa buhay natin, parte na 'yan ng buhay natin. Pero bakit nga ba pati sa pag-abot ng iyong pangarap ay may mga pagsubok pa rin?
Ang pagiging successful ay hindi lamang nangangahulugang successful ka sa material na bagay. Ang pagiging successful ay nangangahulugan ding mayaman ka sa WISDOM! Ang pagiging successful ay nangangahulugan din nahubog ng mabuti ang iyong CHARACTER. Ang pagiging successful ay hindi lang tungkol sa pag-abot mo ng pangarap, kundi ito rin ay tungkol sa pagkamit mo sa iyong purpose sa buhay.
Bago ka pa man nilalang ng Diyos, ay mayroon na siyang nilaang misyon para sayo. At para makamit mo ang misyong iyon ay kailangan Niyang hubugin ang iyong pagkatao para maging karapat-dapat ka sa misyong iyon.
Ganyan din ang tagumpay! May iba't ibang klase at kategorya ang tagumpay. At ang bawat tagumpay ay may requirements na character na kailangan. Para makapasa ka at maabot mo ang tagumpay, kailangan ay mayroon ka ng mga character na iyon.
Iba't iba ang character na kaakibat ng tagumpay. Gayunpaman, iisa lang ang layunin niyon. Ang maging buo ang iyong pagkatao at maging ehemplo sa character na gustong ipabatid ng Poong Maykapal sa iyo.
Nakahanda ka na bang harapin ang hamon ng tagumpay?
BINABASA MO ANG
THE ROAD
RandomSabi ni God, share your blessings! Ito lang po ang pamamaraang alam ko para makatulong sa mga taong.... may PANGARAP may AMBISYON may HINAHANGAD at sa mga taong patuloy na UMAASA para sa kanilang Pangarap!