Pagkatapos masabi ni Haring Kepuha ang lahat ng nais niyang sabihin kay Padre Diego, lumingon naman ang pari kay Lucas.
"Ano gawa mo dito?" Tanong sa kanya nito.
Nag-aalangan pang magsalita si Lucas at baka hindi siya pakingan ng pari
"Lucas. Nais mo bang sabihin sa amin ni Padre Diego ang mga pangitain mo? Hindi ito ang oras para dito."
Saad naman sa kanya ni Padre Francisco.
"Y-yung tungkol po sa tubig..."
"Tubig?"
"Tubig na ginagamit natin sa binyag..."
Ganun pa man hindi naging interisado dito si Padre Diego. Binalewala niya lang ang pinaalam sa kanya ni Lucas na may isang Tsino na naninira sa kanila sa harap ng mga Chamorro.
Samanatala...
Naroon rin sa bagong basbas na simbahan sila Anselmo at ang asawa niyang si Isabel.
"Ang ganda ng simbahan noh? Isa ako sa mga Chamorrong nakaisa sa pagtatayo nito!"
"MATA'PANG!" Tawag sa kanya ng isang Chamorro na kasama ang iba pang groupo ng mga kalalakihan na tila mga dayo.
"???" napaisip si Anselmo dito kaya naisipan niya na lang na lapitan sila sa labas ng simabahan.
"Mata-Anselmo, saan ka pupunta?" Tanong bigla ni Isabel na iwan siya bigla ni Anselmo.
Kinausap ng mga kalalakihang iyon si Matapang at agad naman iyong sumonod sa kanila. Dinala siya nito sa Tumhon, sa isang karating barrio kung saan hindi pa gaanong nadadayo ng mga misyonero.
~ ✠ ~
Dumating si Anselmo sa Tumhon kung saan naabutan niyang nakahiga ang kanyang ama at naghihingalo.
"Ama." Tawag ni Anselmo at lumuhod siya sa lapag para lapitan ang kanyang ama.
"Mata'pang!"
Kasama ng kanyang ama ang ilang mga Macanjas at si Tsu'ku: "Nalason na rin iyo ama ng mga misyonero."
Nagtaka doon si Anselmo:
"Nagpabaustismo kayo?"
"Sinabi sa akin ng isang misyonero na kailangan kong tanggapin ang binyag bago pa ako mamatay."
"Mas pinalala mga misyonero ang lagay iyo ama. " Ani naman ni Tsu'ku.
"Ikaw na ang magiging pinuno ng Tumhon." Saad ng ama ni Anselmo.
"Hindi ko magagawa iyan Ama, nasa Haga'tna ang puso ko!"
"Sino ang mamumuno dito sa Tumhon?"
"Sila Padre Diego. Ang mga misyonero!"
"HINDI!!!" Pigil ni Tsu'ku.
"HINDI MO BA NAKIKITA MATA'PAG DAHIL KANILA NALASON IYONG AMA! Tignan mo gawa pagsama mo sa mga dayuhan na yan!"
Galit na sambit ni Tsu'ku.
Sa gitna nito ay inubo ng malala ang ama ni Anselmo at tuluyan itong nalagutan ng hininga. Tinawag niya pa ito ng paulit-ulit para gisingin pero hindi niya na nagawa. Sabay-sabay na nag-awitan at nagsagawa ng ritwal ang mga Macanjas na kasama nila sa loob ng tahanan ni Anselmo.
"Hindi... Hindi..." Ani ni Anselmo habang humahagogol sa harapan ng kanyang ama. Hinawakan pa siya ni Tsu'ku sa balikat.
~ ✠ ~
BINABASA MO ANG
Ang Bagong Misyon
Исторические романы(Inspired by true events) Noong taong 1668 maraming mga kabataan ang ipinadala kasama ng mga Pari mula sa Kompanya ni Hesus sa isang Bagong Misyon sa liblib at nakakatakot na isla, upang maging mga katekista at mga Sakristan. Itong mga kabataan na i...