XXXI

14 0 0
                                    

"Ikaw nga Juliana!"

Ani ni Lucas na biglang napayakap nang mahigpit kay Juliana.
Tila nabuhayan ulit si Lucas at unti-unti nang nagkakaroon ng saysay sa kanya ang lahat.

"Tanging ikaw na lang ang meron ako."

Wika ni Lucas.

"Parehas tayo."

Sambit ni Juliana na mahigpit ding niyayakap si Lucas.

~ ✝️ ~

Naglakad lakad silang dalawa sa pangpang habang unti unting lumulubong ang araw sa dagat.

"Ngayon ko lang ito napagmasdang muli Juliana."

-Lucas

"Bakit ka ba kase hindi lumalabas?"

"Nagyari iyon simula nung malaman kong nawala na di umano ang ama ko sa Pilipinas. Huh. Pakiramdam ko wala nang silbi ang buhay ko."

"Parehas pala tayo. Nung mawala ang ama ako. Binalikan ko kayo. Nanatili muli ako sa Hagat'na naisip kong wala na akong ibang mapupuntahan pa."

Tumigil sila saglit at hinawakan nila ang kanilang mga kamay.

"Naisipan ko nang wakasan ang aking buhay. Kase ano pa bang meron sa buhay ko na ito kung kukunin naman din lahat ang mga taong mahal ko?"

"Hindi ko iyan hahayaang magyari Lucas. Nandito lang ako."

Napatingin na lang si Lucas sa mukha ni Juliana. At dahan dahang huminto ang oras sa pagitan nila.

~ ✝️ ~

Sa may hindi kalayuan pinagmamasdan sila ng isang lalaking Chamorro habang dahan dahan nilang dinadama ang pagmamahalan nila sa isa't-isa sa isang halik.

Pinapatalas nitong mabuti ang dulo ng sibat niya. At balak niya sanang atakihin sila pero may pumigil bigla sa kanya..

"Hindi pa ito ang oras. Maghintay hintay ka lang ng kunti. Malapit na rin natin silang mapatalsik!"

~ ✝️ ~

Sabay sabay na kumain ang mga misyonero at muli nilang nakasama doon si Lucas
(matapos ang isang taon.)

"Lucas. Nagagalak kaming nakabalik ka na!"

Wika ni Antonio.

"Sabi ko na nga ba e. Pagmamahal lang ang kasagutan sa lahat!"

Wika naman ni Vicente.

"Bueno! Dahil diyan may isa pa akong mabuting balita. Kumpirmado galing Pilipinas na may mga groupo pa ng mga misyonero na darating."

Pag aanunsyo naman sa kanila ni Dom Pedro.

"Talaga?" -Antonio

"Ayos! Kulang na kulang na talaga tayo sa bilang. Kailangan nang madagdagan!"

"May mga indio ba na makakasama?"

Tanong ni Lucas.

"Iyan ang hindi ko pa alam. Pero maaring sa pagkakataon na ito ay makasama na nila si Padre Felipe Songsong."

"TALAGA!" -Antonio

"Manalangin tayo para dito... alam niyo malaki ang naging kawalan ni Padre Diego Luis de San Vitores sa misyon na ito... kung hindi dahil sa kanya wala sanang bagong misyon na nabuo."

-Dom Pedro.

~ ✝️ ~

Sa may hindi kalayuan mula doon ay may mga groupo ng mga Chamorro na nagmamasid masid na may dalang mga sibat at sulo.

"Sisimulan na ba namin dito?"

Tanong ng isa sa mga iyon.

"Huwag! Huwag tayo dito... Alam ko kung saan muna tayo. Sumunod kayo."

Biglang napailing si Lucas habang sumusubo ng kinakain, sa may bintana. May mga nakikita siyang mga papalakad nang dahan dahan. Pero hindi siya sigurado dito dahil sa dilim ng kapaligiran sa labas.

~ ✝️ ~

Maagang bumangon si Lucas.

Sinalubong niya ang napakagandang sikat ng araw sa labas. Handa na siyang pumunta ng paaralan. Pero bago muna ang lahat kailangan niyang dumaan sa tinutuluyan ni Kapitan Miguel.

Lumakad siya ng ilang saglit sa may hindi kalayuan. Agad niyang nakita ang malaking apoy na bumabalot sa kahoy na tirahan ng Kapitan. Nangingibabaw ang paglabas ng itim na usok sa kalangitan at laking gulat niya nang ito ang kanyang madatnan.

"KAPIIITAAANNNN!!!!!"

Sigaw niya sa gitna ng nasusunong na bahay.

Wala siyang nagawa kundi ang humakbang palayo at tumakbo...

~ ✝️ ~

Pagkarating niya sa paaralan...

Nakita niya na paulit ulit na sinasaksak ng sibat si Vicente  at hinila niya pa ito papasok sa loob ng paaralan, ng isang binatang Chamorro

"H-i-n-d-i!"

Ani ni Lucas.

Gulong gulo na siya at halos walang magawa. Tumakbo na lamang siya sa loob nang naglalakas loob.

~ ✝️ ~

Sa loob ng paaralan...

Tahimik na pinagmamasdan ni Dom Pedro at ni Antonio ang pagugulo at pagwawala ng mga nasa apat na binatang Chamorro na pawang mga estudyante sa paaralan nilang iyon.

"Alam na namin ang gusto ninyong magyari!"

Wika ng isa sa kanila habang unti unting sinisira ang hawak niyang Doktrina Kristiana.

"...Gusto ninyong limutin namin ang aming pagkakakilanlan bilang mga Chamorro para maging tulad ninyo!"

Biglang tinapon sa harap ni Pedro Diaz ang punit na punit na libro. At saka niya tinapat ang duguang si Vicente.

Nanatiling kalmado si Dom Pedro at nakita niya si Lucas mula sa pinto. Pero nanahimik pa rin siya sa takot.

"ANO?!!! ANONG TINGIN NIYO SA AMING MGA CHAMORRO?! MGA MABABANG TAO?! HINDI KAMI HANGAL PARA MANIWALA SA MGA PINAPANGARAL NIYO! UNTI-UNTI NIYO LANG SINISIRA ANG AMING TRADISYON KAYA SISIRAIN NA RIN NAMIN ANG TRADISYON NIYONG PILIT NINYONG PINAPASOK DITO!!!"

at tinapos na nang isa sa kanila si Vicente ng paulit ulit siyang sinasaksak ng sibat sa lapag.

"SIGE WAG NINYONG TIGILAN IYAN HANGGANG HINDI NAUUBOS ANG DUGO! IPAKITA NINYO SA KANILA KUNG ANO ANG DAPAT MAGYARI SA MGA DAYUHAN AT MANANAKOP NG HAGAT'NA!"

Hinala pa ng Chamorrong nagsasalita ng malakas si Antonio. Hinawakan niya ito sa ulo at itinurok ang sibat sa dibdib nito dahilan para bumagsak agad si Antonio.

"Paki-usap..."

Ani ni Antonio habang unti unting pinapasok sa kanyang laman ang isang matalim at matulis na sibat.

"TAMA NA RAFAEL!" -DOM PEDRO.

"HINDI-AKO-SI RAFAEL!!!"

At tuluyan na ngang binaon ng Chamorrong iyon ang sibat sa dibdib ni Antonio na napasigaw ito ng sobrang lakas dahil sa sakit na nadarama nito.

"HUWAGGGG!!!!"

...

Ang Bagong MisyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon