IV

16 0 0
                                    

Hindi na napigilan ni Lucas ang sarili. Tumayo ito sa pagkakaupo niya sa lapag saka umalis sa piling ng kanyang mga kasamahan. Agad naman siyang hinabol ng matalik niyang kaibigan na si Jacinto:

"LUCAS! TEKA LANG! TEKA LANG MUNA LUCAS!"

Patuloy pang tinawag ni Jacinto ang kaibigan hanggang sa maabutan niya itong may luha na sa mga mata:

"Lisanin mo ko Jacinto! Gusto ko munang mapag-isa!"

"Anong nagyayari Lucas? Sabihin mo sa akin, ano ba talaga ang nakita mo?"

"Kamatayan..."

Di ito gaanong narining ni Jacinto dahil sa mahinang pagkakasabi ni Lucas...

"Ano??"

"KAMATAYAN! Iyon ang nakita ko! Iyon ang sasapitin nating lahat sa bagong misyon!"

"Ano??"

Sa gitna nun narining nila ang boses ni Padre Diego na nagsasalita sa kabilang kwarto roon sa galleon, at parang may nagaganap na pagpupulong:

~ ✠ ~

Sa pagpupulong...

Nakipag-usap si Padre Diego sa apat na mga kasamahan niyang Heswita, 30 mga opisyales, at sa isang tagapagsanay.

"Matagal kong pinag-aralan ang bagong misyon sa tinaguriang isla ng mga magnanakaw ni Magellan; ang isla Ladrones. Asahan ninyong, magiging maayos ang pakikitungo sa atin doon ng mga katutubo at magiging isang malaking tagumpay ang lahat ng ating mga gawain. Ito ang isang ko hangarin; ang Kristianisasyon ng hindi lang sa iisang pulo sa pacifico, kung hindi sa marami pang mga kapulaan na maari pa nating makita at matagpuan."

Marami ang tumungo at napangiti sa mga sinabing iyon ni Padre Diego. Bagay na naintindihan naman ni Jacinto nang mapakingan niya ito sa labas kung saan sila nagpupulong;

"Anong sinabi nila Jacinto?"

Napatingin si Jacinto kay Lucas:

"Nawa'y maging malabo ang lahat ng mga sinasabi ng mga pangitain mo..." at nilisan na siya ni Jacinto.

~ ✠ ~

Kinaumagahan...

Nagsagawa ng Misa si Padre Diego sa galleon. Ilang saglit lang matapos nito may natagpuan na silang isang pulo:

"SA WAKAS! LUPA!!!"

Sigaw doon ni Nicholas.

"Silencio!"

Pagpapatahimik sa kanya ni Padre Diego: "Narito na tayo!"

Sa pagtigil ng galleon malapit sa pangpang, nagsibaba na sa galleon sina Padre Diego na sinundan naman ng kanyang mga kasama. Bitbit at dala-dala ang mga pagkain, at iba pang mga kagamitan na galing ng Acapulco. Pagkatapak na pagkatapak din nila sa lupa agad sila nakarining ng mga kakaibang mga tunong. Tunong na nangangaling mula sa mga malalaking mga kabibeng hinihipan ng mga katutubo. Sinalubong sila ng mga ito. At para sa mga karamihan ng mga misyonero mukha silang mga malalakas at mga nakakatakot.
Nanguna naman si Esteban sa paglalakad pasulong sa lupain ng mga Chamorro:

"Padre Diego, sila po ang mga Chamorro."

Ani ni Esteban sa paring misyonero. Lumapit bahagya ang ilan sa mga sumalubong na mga mukhang matatapag na mga lalaking Chamorro. Harapan naman silang kinausap ni Esteban sa lengweha ng mga ito:

"Sila ang mga misyonero na nangaling pa sa malalayong mga pulo. Mga kaibigan natin sila! Hindi sila narito para makipag-away. Huwag kayong matakot sa kanila."

"Nais naming makipagkita sa inyong pinuno."

Matapang na winika ni Padre Diego sa Kastila. Tinignan siya ng isa sa kanila.

"Siya si Padre Diego. Ang kanilang pinuno. Nais nila ngayong makipag-usapan sa pinuno ninyo dito."

"ANG PINUNO NAMIN AY NAROON SA AMING NAYON! SUMUNOD KAYO!"

Sabi ng isang Chamorro. Nanguna ito sa paglalakad patungo sa kanilang barrio o nayon.

~ ✠ ~

Malawak at masagana ang nayon ng mga Chamorro na napuntahan ng mga misyonero. Iyon ang nayon ng Haga'tna na nasa kanluran ng isla. Pinuntahan ng Chamorrong nagdala sa kanila doon ang kanilang pinuno na nasa tahanan nito. Pagkatapos ng saglit na pag-uusap:

"Gustong makausap ni Kepuha  ang inyong pinuno."

Kaya pinuntahan ni Padre Diego ang pinuno na si Kepuha kasama si Esteban para isalin ang kanilang mga salita sa bawat isa.

~ ✠ ~

Masayang-masaya na binati ng mga katutubo ang mga misyonero na ang karamihan ay halos wala talagang mga suot at nakahubo. Agad naman na nagkasundo sina Kepuha at si Padre Diego at pumayag siyang manatili sa kanilang nayon ang mga misyonero. Kaya naman mainit ang pagtanggap sa kanila:

"MGA KAPATID KONG MGA CHAMORRO! NARITO SI HESUS, ANG ATING PANGINOON! ANG NAG-IISANG ANAK NG DIYOS NA TAGA-PAGLIKHA NG MUNDO!IPINADALA NIYA KAMI DITO PARA SIYA'Y MAKILALA AT MATANGAP DIN NINYO!"

Pagsisimula ni Padre Diego ng kanyang mga pangangaral sa harapan ng mga Chamorro. Sa tulong ni Esteban na sinasalin sa kanilang wika ang bawat sinasabi ni Padre Diego. Ipinakita ni Padre Diego habang siya'y nangangaral ang kanyang krusipiyo. Bilang tanda at pagpapakita ng imahe ng tunay na Diyos.

~ ✠ ~

Kinagabihan...

Buong gabing nag-ingay at nagkasiyahan ang mga Chamorro matapos magsagawa ng pagdiriwang si Kepuha tanda ng pagtanggap sa mga misyonero.

"MGA PANAUHIN PAGDANGAL NAMIN, KUMAIN PA KAYO NG MARAMI!"

Masayang sinabi ni Kepuha.

Nagpatuloy pa ang maingay na kasiyahan at nag-alay ng mga pagkain tulad mga prutas at iba pang mga alay sa Krusipiyo ni Padre Diego na ginawan ng altar ng mga Chamorro para sambahin...

~ ✠ ~

Nang matapos na rin ang lahat. Kinuha ni Padre Diego ang isa sa mga alay na prutas doon para kainin pati na rin ang kanyang krusipiyo. Nagyaring may napadaan lang doon na isang binata at nakita nga siya sa puntong iyon:

"O bakit gising ka pa?"

Tanong nito sa wikang kastila.

"Pasensya na po Padre--hindi po ako gaano nakakaintindi ng kastila."

Ani ni Lucas sa pari sa pautal-utat, putol-putol, at pilit na kastila.

"AH! Ikaw, hindi, makatulog? Ikaw hindi sanay? Bueno! darating din panahon ikaw sanay rin. Ako ganyan din, nasa edad pa ako ikaw."

Napa-taas ng kunti ang labi ng binata sa pari. Pero nang mas tignan niya ng mabuti si Padre Diego nakita niya na may lumabas na dugo sa ulo nito at unti-unti itong umaapaw kaya natakot siya at bahagyang napalayo.

"Bakit ano nagyari sayo?... Lucas iyo pangalan?! Parati ko rining sa Cebu na ikaw nakakakita ng mga kakaibang pangitain. May nakita ka ba sa akin?"

Kinakabahan na nun si Lucas sa harapan ng pari...

"Kaya siguro, dinala ikaw sa amin at sa misyong ito! Dahil baka may masamang espiritu namalagi sayo. Kaya may taglay kang kakayanan ganiyan; ang maghula?"

Ang Bagong MisyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon