"WALANG KWENTA!!!"
Wika ni Esteban habang pinagmamasdan nilang isa-isa na umaalis ang mga Chamorrong tinuturuan nila.
"O ANO LUCAS, WALA KA MAN LANG GAGAWIN?! Tignan mo oh, iniiwan ka na ng bawat Chamorro!"
Galit na sambit pa ni Esteban.
"Hayaan mo silang umalis Lucas, kung iyan ang gusto nila."
Nalulumbay naman na sabi ni Lucas.
Kaya nilapitan pa siya ni Esteban para lamang sigawan:
"ANO BANG NAGYAYARI SAYOOOOO?!!!"
Para kay Lucas wala nang silbi ang lahat kung wala na rin naman si Juliana...
"Esteban, hindi mo ba nakikita? Wala nang silbi ang lahat lahat lalo na kung mamatay lang si haring Juan-"
Nadulas na sinabi ni Lucas.
"Ano?! Anong sinabi mo?!"
Gusto sanang bawiin ni Lucas ang mga nasabi niya kay Esteban, pero tahimik lang siyang nilisan ni Esteban
"Mas maingi na lang na umalis na lang dito!"
May bugtong hiningang winika ni Lucas.
~ ✠ ~
Bumuhos ulit ang malakas na ulan...
"Grabe! Ang lakas ng ulan!" Ani ni Don Juan.
"Mukhang hindi pa tapos ang bagyo." Pakiwari ni Kap. Miguel.
"Bakit Kapitan?"
"Alam mo na ba ang bali-balita?
"Ano yung balita na iyon Kapitan?"
"Nag-aagaw buhay ngayon ang pinuno ng Hagat'na. Ang kaisa-isang tagapagsanggalang ng mga misyonero!"
"Narining mo na ba ang isa pang balita?"
"Anong balita Don Juan?"
"Nagsisimula nang mag-usap usap ang mga Chamorro tungkol sa binabalak nilang himagsikan."
At isang malakas na kidlat ang biglang gumulat na kanilang nadining mula sa labas.
"Mas maiging magsipag-handa na tayo para sa isang labanan."
Nanaganagambang batid ni Don Juan.
~ ✠ ~
Sa gitna ng masamang panahon na iyon napasugod sina Padre Diego kasama sina Pedro, Jacinto, Nicolas at Esteban sa tahanan ni Haring Juan:
"Padre. Mukhang kailangan niya na po ng holeng sacramintu."
Bulog ni Pedro kay Padre Diego.
"Padre Dego!" Tawag ni Haring Juan.
Kaya lumuhod si Padre Diego sa lapag para lapitan ang nakahigang hari na nasa malubhang kalagayan.
"Umasa kang pagagalingin ka ng ating Panginoon Hesukristo, haring Juan."
"Pakiramdam ko, handa na akong makita si Hesuskristo."
Ani ni Haring Juan.
Napitigil sa kanyang mga narining si Esteban na mas nakakaintindi sa kanila ng sinabi ni Haring Juan sa Chamorro. Pero bago niya pa iyon tuluyang maisalin sa kanyang mga kasamahan, nagbitiw muli ng mga salita si haring Juan:
"Nais ko nang sabihin sayo Padre Diego ang aking mga nagawang kasalanan."
Bigla namang pumasok sa loob ng kubo kung nasaan si Haring Juan si Kepua ang mismong anak ni Haring Juan.
"AMA!!!"
Lumapit rin ang anak sa kanyang nanghihingalo nang ama habang naluluha sa harapan niya:
"Kepua, hayaan mo muna ako kay Padre DEgo." Naghihinang sinabi ni Haring Juan kay Kepua ngunit:
"HINDI KO KAYO IIWAN SA MGA DELIKADONG MGA TAO NA ITO! HINDI NA KAILANMAN!"
"KEPUA, makining ka sa akin kahit ngayon na lang."
Sabi ni Kepuha sa anak niyang nalulumbay. Umalis si Kepua at alam niyang tuluyan na itong nakumbinsi ng mga Kristianong mga misyonero hanggang sa dulo ng natitira niyang buhay. Hindi niya ito lubos na maisip at matanggap.
~ ✠ ~
"Ano ang iyong mga kasalanan?"
Tanong ni Padre Diego na naiwang kasama ni Haring Juan sa kanyang kubo.
Naghihintay sa labas ang mga indio habang nagaganap ang pangungumpisal nila Padre Diego at Haring Juan Kepuha. Sinabi ni Haring Juan ang lahat ng kanyang mga naisip na kasalanan kay Padre Diego bago siya nito bigyan ng komunyon:
"Il Corpo di--"
kaso bago pa tuluyang matanggap ng hari ang ostia, tuluyan na itong nalagutan ng hininga.
Labis-labis ang pangungulila ni Padre Diego na halos hindi niya mapigilang ang pagtangis, lalo na habang nilalagyan niya ng langis ang nuo ng hari.
"Kasama ka na ngayon ni Kristo, haring Juan. Mananatili kang kauna-unahang Kristianong pinuno ng mga Chamorro sa Mariana. Resquisiat in Pace!"
~ ✠ ~
Punong-puno ng hinanankit ang dibdib ni Padre Diego nang lumabas siya sa kubo kung saan naiwan nang walang buhay si Haring Juan. Wala siyang masabi at derestyo na lamang siyang naglakad sa buhos ng ulan, hanggang makarating siya sa malaking krus na kanilang itinayo. Doon lumuhod na nagluluksa si Padre Diego.
Nag-aalangan lumapit ang kanyang mga kasamahang indiyo liban kay Pedro na naglakas loob na samahan siyang lumuhod sa tapat ng krus. Doon sabay tumulo ang kanilang mga luha, at labis pa ang pag-ulan ng mga pagkakataon na iyon. Ito na ba ang katapusan ng kanilang BAGONG MISYON?
BINABASA MO ANG
Ang Bagong Misyon
Historical Fiction(Inspired by true events) Noong taong 1668 maraming mga kabataan ang ipinadala kasama ng mga Pari mula sa Kompanya ni Hesus sa isang Bagong Misyon sa liblib at nakakatakot na isla, upang maging mga katekista at mga Sakristan. Itong mga kabataan na i...