Madalas napaghihinaan tayo ng loob dahil sa mga pagsubok na kinakaharap natin. Lalo na ngayon sa panahon ng pakikipagsagupaan. Maraming nababalisa, nangangamba at tila sa isipan nati'y naghahanap ng kasagutan sa tanong: Kailan kaya ito magwawakas?
Huwag nating kalimutan, hindi tayo pababayaan ng Diyos. At naway hindi tayo magsawang tumawag at lumapit sa Kanya. Hindi Siya natutulog, handa Niya tayong iligtas mula sa kalungkutan at kapahamakan. Naway PAGMAMAHAL Niya ang maghari sa buhay ng bawat isa.
Ito ang nilalaman ng sulat ni Padre Felipe Songsong para sa kanyang mga kabataang minsan niyang dinala mula Pampanga hanggang Cebu para lang dalhin sa napaka-panganib na misyong ito sa minsang tinaguriang isla ng mga magnanakaw ni Magellan.
At ito ngayon ako nasa Galleon papunta ng nasabi kong destinasyon. Ang isla Marianas kung tawagin ni San Vitores.
"May natatanaw na ba kayong lupa?"
Tanong ko sa nasa Galleon.
"Wala pa pong sinyales ng lupa Padre Solano. Hindi pa siguro sapat ang inyong pagrorosaryo sa tapat ng Imahe ng mahal na birhen dela Paz y Buen Viaje."
Lumapit ako sa tinutukoy nitong imahe na nasa Galleon at napapagitnaan dun sa tila altar na ginawa namin para makapag misa ako at ang aking mga kasama sa Galleon.
Ang imahe ng birhen ay gawa sa kahoy magarbo ang damit nito at maraming mga alahas at burloluy. Makinis ang balat nito at tila nakatitig ng deretsyo sa walang katapusang karagatan para gabayan kami sa aming paglalayag. Dito iniugnay ng may pintakasi sa birhen na ito ang kanyang reputasyon at titulo.
"Saan niyo susunod na dadalhin ang imaheng ito?"
Tanong ko sa indiyo kong kasama sa barko.
"Baka po sa Maynila Padre Solano. Mukhang napapagod na siya kakalayag kasama namin."
"Mas maigi na nga siguro! Ayaw naman siguro nating maulit ang nagyari sa Hesus Nazareno? Na sinasabing nasunog kasama ng isa pang Galleon-"
"Pero nakaligtas po ang poon at pinaparangalan na ngayon sa isang Simbahan sa Maynila Padre Solano-"
"Hmp... Kakaiba nga ang kahoy na ginamit ng mga Mexicano para mabuo ang gantong klase ng mga poon. Makakatagal pa sila ng siguro mga limang daan pang taon."
Nang puntong iyon hinawakan ko ang kamay ng birhen na may hawak na gintong baston. Inisip kong mabuti kung gaano na napamahal sa mga indio ang gantong klaseng mga poon. Halos ganun na din ba kaya ang kalagayan ng misyon ni San Vitores? Napamahal na kaya sa kanya ang mga tao? Naidala niya nga ba talaga sila sa kamay ng Diyos? O sa kamay ng isang makapagyarihang kaharian na gumagamit ng kamay na bakal??
Naglakad ako para siliping muli ang dagat. Nilukot ko ang papel na hawak ko kanina. Na pinaabot lang sa akin ng isang indio kong kasama. Dahan dahan ko iyong pinakawalan sa kamay ko sa tubig, maya maya may sumigaw na lang na . . .
"LUPA!!!"
Natanaw na din naman ang isla delas Marianas.
~ ✝️ ~
(Third Person POV)
Abalang-abala pa rin ang karamihan sa mga indiyo sa pag-aayos ng mga pinsala sa nagdaang pag atake.
Napag utusan naman si Lucas na ayusin dun ang ilang mga nasirang pintang larawan. Tulad ng mukha ni San Ignacio ng Loyola.
"Kuya Lucas! Sino po iyan?"
Tanong ng isang batang Chamorro.
"Siya si Ignacio de Loyola. Isa siyang matapang at magiting na sundalo. Pero nang bantayan niya isang beses ang tarangkahan ng kanilang lungsod, gumuho sa paa niya ang mga bahagi nito kaya siya nalumpo kinalaunan. At sa pagkakalumpo niya hindi na siya kailanman nakasama pa sa pakikipag-digma. Sa halip nakaratay na lang siya sa higaan, nagbabasa siya ng buhay ng mga santo at nagbagong buhay siya at mas pinili ang isang daan para sundan ang Panginoon."
"Tulad mo po Kuya Lucas?"
Tanong ng bata.
Napatigil si Lucas at napaisip sa sinabing iyon ng bata.
"Mahusay!"
Wika ng isang mala-kastila na boses.
"Nakakapagsalita ka na ng Chamorro nang matuwid!"
Puri sa kanyang ng isang pari na dumating sa Simbahang iyon kung saan nagpipinta si Lucas.
"Lucas, mga bata, si Padre Francisco Solano ang bago naming makakasama sa misyon."
Pagpapakilala ni Dom Pedro Diaz.
"Nasaan si Padre SanVitores? Gusto ko siyang makita at makausap."
Wika sa kastila ni Padre Solano.
"Pasensya na po Padre Solano. Umalis po si Padre Diego dito sa Hagat'na. Nagtungo sila para mag misyon sa iba pang mga barrio dito sa isla."
Saad ni Dom Pedro Diaz.
"Ganun ba? Sayang naman kung ganun."
Maya-maya...
Nagtungo na lamang sa loob ng Simbahan si Kapitan Miguel kasama si Damian, Nicolas, Simon, Jacinto, at si Vicente. At lumapit sila kanila Dom Pedro Diaz at kay Padre Solano.
"May dumukot sa Mexicano ninyong Sakristan."
Pagbibigay alam ni Kapitan Miguel.
"Nawawala po si Diego Bazan!"
Ani ni Jacinto.
"Ano??"
-Dom Pedro Diaz
-Lucas
-Padre Solano"May kasama ba si Padre SanVitores? O nag-iisa lamang siyang umalis?"
Tanong ni Kapitan Miguel.
~ ✝️ ~
*Bundok Tra-la-la*
Akay-akay ni Pedro Calonsor ang hirap nang makakita na Padre Diego o Padre SanVitores.
Habang paakyat sila sa matarik na bulubunduking kagubatan"Pedro, kaya mo pa ba ako?"
Samantalang tumigil sa pag akyat sa isa sa mga malalaking bato si Pedro.
"Kaya pa naman po kita Padre Diego... Nakatali naman kayo nang mabuti sa akin.."
Nakatali kase si Padre Diego sa matibay na katawan ng binata.
"Pa-alalayan mo na lang ako mabuti a. Hirap na kong makakita." -Padre Diego.
"Ako po bahala sa inyo Padre."
-Pedro
"Sabihin mo kung napapagod ka na para makapagpahinga tayo."
"Malakas pa po ako Padre..."
~ ✝️ ~
Ilang saglit lang ay may narating silang batis. At sa may batis na iyon ay mas rumaragsang talon. Halos ihambig iyon ni Pedro sa paraiso nang makita niya kung gaano iyon kaganda.
"Padre uminom muna tayo dito."
"Sige anak, tumigil muna tayo dito."
Hinugasan ni Pedro ang paa ni Padre Diego, ng tubig galing sa batis at pinainom niya rin ito.
"Gusto niyo pa po ng tubig padre? Nauuhaw pa po ba kayo?"
"Ikaw Anak, uminom ka... baka pagod ka na, o nauuhaw?... o nasasaktan?"
At napatingin si Pedro sa sugat sugat at nagdurugo niyang mga paa dala ng kakahakbang niya sa mga batohan sa mga matatarik na bahagi ng kanilang pinupuntahan.
Uminom na lang din si Pedro ng tubig galing batis at nilinis din ang kanyang mga sugat sa paa na sobra nang hapdi at nagkakalyo pa, pati na yung kamay niya.
Bigla siyang napalayo sa tubig dahil sa takot ng makakita siya ng groupo ng mga Chamorro na papalapit sa kanila.
"Pedro?... Anong meron?... Pedro??..."
BINABASA MO ANG
Ang Bagong Misyon
Historical Fiction(Inspired by true events) Noong taong 1668 maraming mga kabataan ang ipinadala kasama ng mga Pari mula sa Kompanya ni Hesus sa isang Bagong Misyon sa liblib at nakakatakot na isla, upang maging mga katekista at mga Sakristan. Itong mga kabataan na i...