Kinagabihan...
Nakipag-kwentuhan si Lucas sa isa pinaka-malapit niyang kaibigan:
"Grabe Jacinto. Hindi ko lubos akalain na magiging ganito ako kasaya!"
"Dahil ba nabinyagan na ang halos lahat ng mga Chamorro?"
Ani ni Jacinto... tila nababagot na rin siya dahil kanina pa siya nakikining sa panay salita na lang na si Lucas
"Akala ko ba ayaw mong sumama sa bagong misyon?"
Natahimik saglit si Lucas sa tanong na binitawan sa kanya ni Jacinto at nag-isip:
"P-pero kahit na,pero,alam mo yun Di ko pa rin talaga maipaliwanang ang sayang nadarama ko!"
"Taliwas ba sa sinasabi ng mga hula mo?"
"Ano?"
"Bakit kase hindi mo na lang sabihin sa amin ang totoo, na isa kang bulaan! At kampon ng kasamaan!"
Nagulat na lang bigla si Lucas sa pananalitang natanggap niya kay Jacinto:
"Huh-?"
"Bakit hindi ka na lang mangumpisal kanila Padre Diego? Malay ba namin na gusto mo lang din palang mag-rebelde at ginagamit mo lang yung peke mong kakayahan para pigilan ang bagong misyon?!"
"Hindi totoo ang mga sinasabi mo Jacinto! Bakit ka ba ganiyan magsalita ngayon?
"Hindi TOTOO?? Ano pala ang TOTOO??... Naninigurado lang ako, dahil hindi ka na mapagkakatiwalaan sa bagong misyon!"
Iniwan bigla ni Jacinto na mag-isa si Lucas. Ganun na lamang ang pagtataka ni Lucas sa inasal sa kanya ng kaibigan.
Ilang saglit lang...
Nilapitan siya ng hindi kilalang lalaki na mukhang Tsino sa paningin ni Lucas. Nagulat na lamang siya nang bigla siyang kausapin nito:
"Gusto mo ba makarining ng aking kwento?"
Ani ng lalakeng iyon sa wikang Mandarin.
"Sino KA?! Isa ka rin bang Chamorro?"
Tanong ni Lucas.
"Ako-hindi-Chamorro--Indiyo..."
"Nakakaintindi ka ng lengwahe namin?"
"Ako Insik. Ako galing lugar nyo, ako hilig mag-kwento..."
Pagkasabi nito ng Insik (kuno) Ngumiti ito bigla kay Lucas. Bagay na kinatakot nito...
*"ARRGGGGHHHH..."At di umano ay sinakal siya agad ng lalakeng tsino nang pagkahigbit-higbit sa mga mabibigat na mga kamay nito...Sa loob LANG ng kaniyang isang pangitain.*
At mas lalo pa siyang natakot at napalayo sa mamang tsino.
~ ✠ ~
Napatawa na lang ng mahina si Tsu'Ku ng makita niyang mabilis na pumalayo sa kanya ang di- nakikilalang binatang indiyo.Biglang nanumbalik sa kanyang sarili ang ala-ala ng sinapit niya sa Filipinas:
"Bili na kayo!!! Bili na! Bili na mga suki!!!"
Tahimik na nagbebenta si Tsu'Ku sa may pangpang ng Maynila. Kung saan kasama niya ang kanyang pamilya. Nang may isang groupo ng mga meztiso ang dumating sa harapan ng kanyang puwesto.
"Ginoo? Kayo bili aking produkto? Ano iyo gusto? Ako meron dito mga porselana, mga abaniko, mga tela galing Peking..."
"AYAW NAMIN SA MGA BINEBENTA NIYO! AT HIGIT SA LAHAT, AYAW NAMIN KAYO SA PANGPANG NA ITO. KAYA UMALIS NA KAYO DITO!"
BINABASA MO ANG
Ang Bagong Misyon
Historical Fiction(Inspired by true events) Noong taong 1668 maraming mga kabataan ang ipinadala kasama ng mga Pari mula sa Kompanya ni Hesus sa isang Bagong Misyon sa liblib at nakakatakot na isla, upang maging mga katekista at mga Sakristan. Itong mga kabataan na i...