"DAMIAAAAANNNN!!!!"
Sigaw ni Nicolas.
Nakita nilang may tama ng sibat ang dibdib ni Damian. Lumalabas rin ang napakaraming dugo sa kanyang bibig bago siya tuluyang bumagsak sa lupa. At nakita nila sa likuran nila ang mga Chamorro. Na galit na galit at pinagbabato pa sila ng sibat hanggang sa matamaan ang kasama rin nilang Chamorro sa leeg at ang dalawang sundalo ay hindi rin nakalaban dahil naunahan silang tamaan ng sibat ng mga Chamorro.
Nakapagtago agad si Nicolas at napahagolgol sa takot at taranta. Habang papalapit ang mga Chamorro sa malaking bato kung nasaan siya. Sinalubong niya ito ng dala niyang itak at dahil sa lakas ng pagkakahawi niya nito sa Chamorrong sumalubong sa kanya, naalis ang ulo nito sa katawan niya.
"AHHHHH!!!!!! SIGE!!!! LAPIT!!!LUMAPIT KAYO MGA P**NG*NA KAYO!!!"
Sigaw ni Nicolas habang sunod sunod niyang sinibak ng itak ang katawan ng pinuno ng umatake sa kanilang mga Chamorro na natangalan niya ng ulo.Sunod sunod niyang sinibak ang katawan ng pinuno hanggang kumalat na at tumalsik ang dugo nito kahit pa sa katawan at mukha niya pa mismo. Habang sumisigaw ng malakas at ng todong todo:
"MGA HAYOP KAYO!!! MGA T*RAN**DO!!!! AHHHH!!!"
Walang nagawa ang mga may armas na Chamorro kundi panoorin ang ginagawang iyon ni Nicolas hanggang sa napag-desisyunan nilang lumayo.
"SIGE!!! SUBUKAN NIYO PANG LUMAPIT!!! AHHHH!!!! UGHHHH!!!
MGA DEMONYO KAYO!!!! HAHAHAHAHUHUHUHHHHH...."Napahagolgol nang mag isa si Nicolas ng duguang duguan.
Bigla niyang hinubad at iniwan ang kanyang itim na kasuotan na punong puno na ng dugo. At
pinagpatuloy niya ang paghahanap kay Diego."DIEGOOO!!!! O DIEEEGGOOOO!!! NASAAN KA NA DIEEGGGOOO!!!"
"GOH... GOH... GOH..."
Alingawngaw ng kanyang boses sa gitna ng gubat. Naghanap siya ng daan palabas pero wala siyang daan na mahanap. Ilang saglit pa at nakatagpo siya ng isang kubo. At nahanap niya ang sarili sa isang barrio.
"TULONG!!!! TULONG!!!!"
~ ✝️ ~
Agad ngang lumapit si Nicolas sa barrio. May sumalubong sa kanyang isang Chamorro na agad siyang binigyan ng tradisyunal nitong bati at pagbibigay pugay bilang bisita niya. Nagpasalamat agad si Nicolas dahil agad siyang tinanggap ng babaeng Chamorro na iyon. Pinatuloy siya sa kubo ng Chamorro at labis na naantig si Nicolas sa kanyang ganda na hinawakan niya bigla ang kamay nito habang nakasandal siya sa lapag.
"Salamat"
Dahan dahang inalis ng babaeng Chamorro ang kamay ni Lucas.
"Dito ka lang"
Umalis ang Chamorro at hinayaan sa loob si Nicolas. Nakatitig nang derestyo si Nicolas dahil labis siyang nabighani sa babaeng Chamorro. Nawala ang kanyang takot pati ang kanyang hinnanakit sa nagyari kanina.
~ ✝️ ~
Sunod sunod namang nilapitan at dinapuan si Nicolas ng mga langaw sa loob. Halos pag piyestahan siya ng mga ito. Kaya pinalo-palo niya ang iba't-ibang parte ng kanyang katawan.
Hindi siya makapakali sa dami ng mga langaw sa loob kaya naisipan niyang lumabas ng bahay at paglabas niya may nakita siyang mga marka ng dugo sa lupa. Kung saan namumugad din ang mga langaw. Sinundan niya ito dahil tila naglikha na ito ng daan papunta sa likuran.
Habang naglalakad si Nicolas isa-isa niyang nakita ang kamay, paa at braso na nilalangaw sa lupa at sa may bandang likuran ay isang ulo na pinagpipiyestahan pa ng napakaraming mga langaw. Ang ulo na iyon ay walang iba kundi si Diego Bazan. Ang Mexicano nilang Sakristan.
Napasigaw sa takot si Nicolas at bigla siyang hinablot ng babae at tinakpan ang kanyang bibig. Sa lakas ng babae ay nabitbit niya si Nicolas sa may gilid ng kalapit na bangin.
Umiiyak at tila nagmamakaawa nun si Nicolas habang sakal sakal ng babae na agad siyang binatawan para malaglag siya sa bangin. At dun nangulong gulong ang katawan ni Nicolas.
~ ✝️ ~
Pero hindi pa doon natatapos...
Sa may ibaba ng bangin medyo nakakagalaw pa si Nicolas ngunit wala na siyang kalaban laban. Doon siya sinalubong ng iba pang mga Chamorro na may mga malalaki at matutulis na sibat at sabay-sabay nilang sinaksak si Nicolas na agad kumitil sa buhay niya.
~ ✝️ ~
Kinagabihan...
Wala pa ang mga naghahanap kay Diego Bazan. Kinukutuban na nun si Kapitan Miguel sa kanyang tinutuluyan. Nagtungo naman doon si Lucas, Jacinto at si Dom Pedro Diaz para makibalita sa kanyang mga kasamahan.
"May balita na po kayo sa kanila?"
Tanong ni Pedro Diaz.
"Wala!"
"Nag-aalangan na ako, kay tagal na nilang naghahanap."
Ani ni Jacinto.
"Ganun talaga!"
Ani naman ni Kap. Miguel.
"Ipagkatiwala na lang natin sa Diyos lahat. Ganun naman diba?"
Dugtong pa ni Kapitan Miguel.
~ ✝️ ~
Nasa kumbento na naghihintay si Padre Diego at ang iba pa para sa balita. Dumating sina Pedro Diaz, Jacinto at si Lucas dala ang balitang hindi pa natatagpuan sina Damian Bernal, Nicolas de Figueroa at ang mga kasamahan nito na naghahanap kay Diego Bazan.
"Pur Dios y Santo, baka ano na ang nagyari sa kanila."
Nag-aalalang sambit ni Padre Diego.
"Baka naligaw lang iyon sila o natagalan sa paghahanap. Malay niyo magpakita rin sila bukas kasama yung nawawala ninyong sakristan."
Ani naman ni Padre Solano sabay tayo at alis doon sa lamesa.
"Padre. Kung nais po ninyo, maari namin silang hanapin bukas."
Pagpriprisinta ni Lucas.
Tumungo lang si Padre Diego habang hinawakan siya ni Jacinto sa balikat.
"Hindi mo na dapat gawin yan Lucas."
"Baka ano pang magyari sayo Lucas." Ani pa ni Pedro Diaz.
"Mas mabuti siguro kung sama sama kayong maghanap. Isama niyo rin itong si Esteban."
Sabi ni Padre Francisco.
"Esteban?" -Padre Francisco
"Esteban ayos ka lang?"
-tanong ni Lucas.
Nakaupong kasama nila si Esteban na malalim ang iniisip at kanina pa tuliro.
"Esteban!"
Ani ni Padre Diego.
Napatigil si Esteban at napatingin kay Padre Diego.
Dumating na lang si Pedro nang walang iniimik si Esteban."May problima ba?"
Tanong ni Pedro.
"Nawawala iyong kasama sila Damian at Nicolas."
Batid ni Padre Diego.
"Sasama ako sa paghahanap!"
Alok ni Pedro.
"Hindi na kailangan Pedro. Sila Lucas at si Jacinto na ang bahala."
"Mauna na po ako Padre"
Pagpapaalam ni Jacinto at nagtungo na siya sa kwarto niya.
"Lucas. Maari mo ba akong samahang magdasal?"
Alok ni Pedro kay Lucas.
"Magdasal? Ako?"
...
BINABASA MO ANG
Ang Bagong Misyon
Historical Fiction(Inspired by true events) Noong taong 1668 maraming mga kabataan ang ipinadala kasama ng mga Pari mula sa Kompanya ni Hesus sa isang Bagong Misyon sa liblib at nakakatakot na isla, upang maging mga katekista at mga Sakristan. Itong mga kabataan na i...