Kinaumagahan ay maagang nag ayos ang mag ama. Ngayon ang araw ng kasal ni Anne at ang lahat ay excited at aligagang nag aayos. Pinaubaya muna ni Vice ang pag organize ng kasal ni Anne kina Buern at Archie. He entrusted it all to Team Vice kasi nakatuon lahat ng atensyon nya sa kanyang anak.
"Dada pogi na ba ako" the kid asked habang nagpapapogi sa harap ng salamin. Nacutan naman si Vice habang pinagmamasdan ang anak.
"Mana ka talaga sa tatay mo" sabi ng isang babae na nakatayo sa pinto pinagmamasdan ang mag ama.
"Tita Kaye!!!" sigaw ng bata at tumakbong papunta sa kanya. Niyakap sya nito ng mahigpit.
"Chubbychinching!!!!" she kissed his head pagkatapos ay nagbeso kay Vice.
Pinakilala ni Vice ang anak kay Kaye na naging malapit nyang kaibigan simula ng humingi ito ng pabor na i organize ang kasal nya. Ngunit hindi ito natuloy sa kadahilanang naaksidente si K 4months ago. Si Kaye ang naging sandalan ni Vice at naging bahagi na din ito sa TeamVice Event organizers na lubos na ikinatuwa ni Vice.
"Everything's OK na.. Naayos na naming lahat nina Buern at Archie kaya bilisan nyo na dyang dalawa bago pa kayo maunahan ng bride" she said habang inaayos ang necktie ni Vice.
"Good.. Thank you Kaye. What would I do without you??" he whispered sweetly.
"Aysus.. nagawa pang mambola.. tsaka nga pala Vice, may isa lang kaming maliit na problema.." mahinang sabi ni Kaye habang pinapasuot ang sapatos ni Clongclong.
"Ano yun Kaye?" nagtatakang tanong ni Vice. Ngumuso naman si Kaye kay Clongclong. Tinignan ni Vice si Kaye at nagsisignal na sa labas na lang ng kwarto nila pag usapan.
"Stay ka muna dito baby hah.. Fix your hair.." pagdadahilan ni Kaye and the boy just nodded. Naunang lumabas ng kwarto palabas ng bahay si Vice waiting for Kaye to come out.
"Ano yun Kaye? Malala ba?" he was dying for her answers.
"Alam kong ineexpect mo na to, si Karylle nasa kasal mamaya.." she slowly said but that doesn't change Vice reaction.
"Malamang ..eh sa best friend sya ni Anne eh.." he answered back.
"Ano kasi.. Ikaw yung best man ni Vhong.. so magkaparnter kayo mamaya papuntang altar.. so yun.." she explained.
"Yun lang.. '' malungkot na sagot nya. His face got all worried up.
"Ayaw kasi ni Anne na ipagpalit pa yun kasi sya mismo ng setup nun.. We don't want to ruin this special day for her.. Pero alam mo yun.. Sakyan mo na lang muna" Kaye tried to comfort him. Hinaplos nya yung likod ni Vice.
"OK lang yan Jo Marie.. Kaya lang si Clongclong ang iniisip ko.. Kailangan mo na lang ipaintindi sa kanya ang mangyayari mamaya.. Baka kasi parehas silang mabigla pagnagkita silang dalawa.." she was now worried. Napamahal na din sa kanyang bata at sa tuwing binibisita nya ito. She treated him like his own son lalo na at nangungulila ang bata sa pagmamahal ng ina.
"Don't worry.. Akong bahala kay Clongclong..Anong sabi nina Anne tungkol dito?" he assured her at inakabayan nya ito papasok sa bahay.
"Alam na ng lahat, we all agreed to act normal , nirespeto din naman nila ang tungkol sa desisyon ng nanay ni K na dahan dahanin ang pagpapaalam kay K ang tungkol sa anak nya at sayo na din." she answered him with a warm smile. He answered back with a nod but Kaye knew it was not that satisfying.
"Paano ba yan .. Mauna na muna ako sa inyo hah.. sunod na kayo agad.. "pagpapaalam ni Kaye at bid goodbye to the two.
Ilang minuto pa sumunod na din silang dalawa. Vice was driving his car while the kid was buckled up in the passenger seat. Nang makarating sila sa harap ng simbahan ay huminto ng sandali si Vice. He smiled genuinely to the kid.
BINABASA MO ANG
Debris (a vicerylle story)
RomanceLove is not what the mind thinks, but what the heart feels. This story is specially made for Vicerylle Babies. A story between friendship , love and reconciliation.