Chapter 16

814 31 0
                                    

ANGELICA’S POV

Andito ako ngayon sa hallway... papasok pa lang sa klase ko. Ahaha, 10 minutes na lang bago magsimula ang klase at nasa 4th floor na ako ng makasalubong ko si Kent, matagal din tong di nagparamdam sa akin. Ewan ko ba kapag pupunta naman ako sa bahay nila madalas tinutulugan lang niya ako...

“Best...”

Nakita ko parang seryoso siya ngayon, parang may lungkot sa mukha niya... hindi ko alam kung bakit...

“Goodmorning, best:)”

“Kailangan kitang makausap...”

“huh? Bakit? Pero... malapit na magklase... pwede mamaya?”

Bigla siyang yumuko... pero inangat din naman niya agad yung mukha niya at ngumiti sa akin.

“sige, hihintayin kita... lunch. Sa garden.”

“Sige.”

Kahit nakangiti siya... parang there’s behind that smile... I don’t know. Parang may tinatago siya... hindi ko alam.

“Best... may problema ba?”

“:D Wala, sige, pasok ka na baka malate ka pa.”

Tapos tumakbo na siya nun, ewan ko parang ang bigat ng pakiramdam ko dahil sa kanya... prang may something at nababother ako.

Buong araw... hindi ko alam kung bakit wala ako sa mood, iniisip ko kung ano yung paguusapan namin...

*KRIIIIING

Lunch time... hindi muna ako pumunta sa cafeteria but instead dumerecho ako sa Garden... at nakita ko si Kent duon ... nakatayo lang siya at nakatingin sa kawalan... iba siya ngayon... may kakaiba sa kanya ngayon... at yun ang aalamin ko ngayon...

“Best... kanina ka pa?”

Humarap ako sa kanya... at eto nanaman nakita ko nanaman ang lungkot sa mukha niya...

“may problema ba?”

“may sasabihin ako sayo, Angelica.”

Sumeryoso bigla yung mukha niya kaya kinabahan ako bigla...

“Maha kita...”

Para akong napako sa kinatatayuan ko... hindi ko alam. Nabingi ako.

“Huh?”

“ganyan lang ba isasagot mo?”

“nagbibiro ka lang di ba?”

Tumawa siya... pero mapait na tawa yun.

“Mukha ba akong nagbibiro... Angelica, mula bata gusto na kita... mula nung nakita kita minahal na kita...Sabihin mo sa akin kahit papaano ba may nararamdaman ka din sa akin?”

“Kent...”

Hindi ko alam kung anong isasagot ko... hindi ko alam. Ganun na niya ako katagal kagusto? Pero bakit? Bakit ako pa?

“Oo lang at hindi.”

“Kent...”

Ewan ko pero biglang tumulo ang luha ko... hindi ko mapigilan. Hindi ko din alam kung anong isasagot ko. Ang alam ko lang, kapatid lang ang turing ko sa kanya...

Yumuko na lang ako... hindi ko mapaigilang hindi umiyak alam ko masasaktan ko siya.

“i’m sorry...”

“I knew it... alam ko naman yan... naninigurado lang. Haha.Sino ba naman kasi ako di ba? Hamak lang naman akong bestfriend mo... at alam ko hanggang dun lang ako para sayo...”

EXPECT the UNEXPECTED (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon